Gavin's POV
Masaya kaming naglalakad ni mama sa parke. Halos mapunit ang aking labi sa sobrang lapad ng ngiting makikita sa aking mukha. Labis ang sayang aking nararamdaman sa mga panahong iyon. Damang-dama ko ang maiinit na palad ng aking ina na marahang humahaplos sa malambot at maliit kong kamay. Hawak-hawak niya ako na may ngiti sa kaniyang mga labi.
Nang makita ko ang padulasan ay agad akong sumigaw ng "Yeheeeyy". Nanakbo ako habang pilit na hinihila ang aking ina papunta sa slides.
Naririnig ko ang kaniyang mumunting tawa na siyang napakaganda sa aking tainga. Napakatamis ng kaniyang boses sa aking pandinig at hinding-hindi ko pagsasawaang pakinggan ang mumunting tinig na iyon.
"Mama, doon tayo sa padulasan. Dali!" reklamo ko sa kaniya habang patuloy kong hinihila ang kaniyang kamay.
"Oo anak, sandali lang, wag kang magmadali. Hindi naman aalis yang slides, wala namang mga paa yan" marahang sabi sa akin ni mama habang tumatawa.
Pinilit kong inalis ang pagkakahawak ng kaniyang kamay sa akin. Nang maramdaman kong hindi na niya hawak ang aking palad, agad kong kinuha ang teddy bear ko na hawak-hawak niya sa kabilang kamay.
Dali akong nanakbo patungo sa slide. Marahan kong inihakbang ang maliliit kong paa sa di kataasang hagdan. Nang nasa itaas na ako ay nakita ko si mama na nakatingin sa akin habang may mga ngiting nakapaskil sa kaniyang mga labi. Matamis na ngiti na habang-buhay kong aalalahanin.
"Ma, look, nasa taas na ako. Pwede na kong mag fly." sabi ko habang bumu-bungisngis.
Napakasaya ko, para bang ayaw kong matapos ang sandaling ito. Ayaw kong matapos ang sandaling kapiling ko si mama. Tila ba si mama na lang ang pinakamahalagang bagay sa mundo ko.
Dahan-dahan kong isinayad ang aking puwet sa padulasan. Nang maramdaman kong unti-unti na akong dumadausdos pababa ay hindi ko mapigilang humiyaw sa tuwa. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa aking balat. Malamig ito ngunit may kakaiba itong init na dulot sa akin. Init na para bang may yumayakap sa akin.
Nang marating ko ang dulo ng slide ay muli akong umakyat pabalik sa itaas upang magpadulas ulit. Ilang beses ko rin akong nag-ulit sa padulasan bago ako makaramdam ng pagkasawa at pagkabagot.
Nang magsawa ako sa padulasan. Agad akong nakakita ng swing. Nakaramdam ako ng kagalakan sa aking puso ng makakita ako ng bago kong paglilibangan. Tinakbo ko ang daan papunta sa swing. Aktong uupo na ako ng may batang lalaki akong nakita. Naglalakad ito palapit sa akin. Nakakatakot siyang tingnan sapagkat nakataas ang kilay niya.. Kulay berde ang kaniyang mga matang nakatingin ng matalim sa akin.
"A-anong p-pangalan mo?" tanong ko sa kaniya ng tuluyan na siyang makalapit sa akin.
"Bakla ka ba? Bakla ka yata eh? Tingnan mo, may hawak ka pang teddy bear. HAHAHAHAHA" pang-aasar niya sa akin.
"Ang sama ng ugali mo. Mukha ka na ngang halimaw. Bad guy ka pa. I REALLY HATE YOU!" ganting sigaw ko naman sa kaniya. Nainis talaga ako sa kaniya ng sabihan niya akong bakla. Ano naman ngayon kung bakla nga ako. May magagawa ba siya, wala naman di ba.
"ANONG SABI MO! AKO MUKHANG HALIMAW! Ang pogi-pogi ko kaya. Alam mo bang ang daming babaeng nagkakagusto sa akin. " pagmamayabang niya sa akin habang naka pogi pose.
"Ahhhhh, alam ko na. Siguro crush mo rin ako no? Sinabi mo lang na mukha akong halimaw kasi di mo maamin na nagwa-gwapuhan ka sa akin di ba?" pagdugtong niya sa kaniyang sinabi.
"Nooo. Hindi kaya, di kita crush no, ang gusto ko yung mabait di kagaya mo. Masama ugali at nakakatakot tumingin." pagtaliwas ko sa kaniya.
"Palusot ka pa diyan. Alam ko na namang crush mo ang gwapo kong mukha eh."
BINABASA MO ANG
The Bully
RomanceNanlamig ang aking buong katawan ng makita ko ang pares ng berdeng mga mata na nakatingin sa akin. Di ko maipaliwanag ang takot na aking nararamdaman sa oras na ito. Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na pader at na...