Chapter 26

7.7K 254 33
                                    

Gavin's POV

Isang linggo ang lumipas at tuluyan nang gumaling ang tahi ko sa aking tiyan. Nakalabas na rin ako ng ospital at dahil iyon sa tulong ni Laz. Nung una ay hindi pa ako mapakali dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera pambayad sa mga bayarin ko pero sinabi ni Laz na siya na raw ang bahala. 

Sa pananatili ko sa kwartong iyon ay tanging si Laz lamang ang nakikita ko. Binabantayan niya ako buong araw at tinutulungan niya ako sa mga bagay-bagay. Subalit gaya ng dati, hinding-hindi pa rin kakikitaan ng positibong emosyon ang kaniyang mukha. Sa tuwing nasa loob siya ng kwarto ay blanko lamang ang kaniyang mukha habang nagbabasa ng libro o di kaya naman ay kinakalikot ang cellphone. Bihira niya akong kausapin kaya naman hindi ko maiwasang mag-isip na baka masyado ko na siyang naiistorbo. Baka napipilitan lang siyang bantayan ako. Kaya naman pinilit kong mas mapabilis ang paggaling ko. Dapat noong nakaraan pa ako makakalabas, sinabihan ko siya na ayos na ang pakiramdam ko at pwede na akong umuwi subalit nagalit lang siya sa akin. Napagtaasan niya pa ako ng boses kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod na lamang sa gusto niya. 

Ngayon ay naglalakad ako papasok sa eskwela. Halos isang linggo na rin ang lumipas noong huling beses akong pumasok. Siguradong huling-huli na ako sa mga talakayan namin. Kailangan kong makasabay kung hindi siguradong babagsak ako. Hindi pwedeng mangari iyon lalo na't scholar lang ako dito. Tanging mataas na grades lamang ang makakapagsalba sa aking para maipagpatuloy ko ang pag-aaral ko sa kolehiyo. 

Ilang minuto ang lumipas at nakarating na ako sa Clifford University. Isang linggo lang akong nawala pero parang muling nagbago sa aking paningin ang makinang na kulay gintong gate ng paaralan. Tila nangniningning sa ganda ang paligid. Ang malawak at kalmadong grass field kung saan naglalakad ang mga masasaya at nagtatawanang mga estudyante. Ang malamig na pagyakap ng hangin sa aking balat na nagbibigay kapayapaan sa aking nalulumbay na damdamin. Napakaganda ng paligid. Hindi ko maiwasang muling mamangha sa kabigha-bighaning estruktura ng paaralan. 

"Teka, nandito pa yang basura na yan. Akala ko di na niya kinaya at umalis na." Rinig kong bulong ng isang babae sa kaniyang katabi.

"Right girl, same thoughts. I just really can't believe that a trash like him was able to get in here." Pagsang-ayon naman ng isa sabay tingin sa akin at umirap. 

Hindi ko na lamang pinansin iyon at nagpatuloy sa aking paglalakad. 

Maya-maya ay narating ko na ang aking classroom. Dahan-dahan akong pumasok. Malilit ang hakbang na ginagawa ng aking mga binti. Pagkapasok ko ay tumambad sa akin ang halos blankong silid maliban sa isang silya sa harapan. 

Doon nakita ko si Noah na nakangiti sa akin ng matamis kaya naman nginitian ko rin siya.

"Hello Gab. I heard from Laz that you're already okay. " Sabi niya sa akin habang nananatili ang ngiti sa kaniyang labi.

"U-uhhmm, Oo, ayos na ako." Medyo nahihiya kong sagot sa kaniya.

Narinig ko siyang napatawan nang mahina.

"You're really cute. Don't be shy. Di ba I already said that I am your friend now." Sabi niya sa akin sabay tumayo at naglakad palapit sa kinatatayuan ko. "Join me late-" hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Laz.

Mabilis na dumako ang kaniyang mga mata sa akin habang ako naman ay napayuko na lamang. Naramdaman kong naglalakad siya palapit sa akin.

"How're you feeling?" Malamig niyang tanong sa akin.

Unti-unti kong iniangat ang aking ulo at doon tumambad sa akin ang blankong mukha ni Laz na matiim na nakatitig sa akin. 

"A-ah, oo a-ayos na ako." Kinakabahan kong tugon sa kaniya.

The BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon