Chapter 7

12.9K 452 34
                                    

Gavin's POV

Dali kong tinungo ang daan papunta sa main building. Halos magkanda ligaw-ligaw pa ako dahil sa lawak ng unibersidad na ito. Buti na lang talaga ay maraming nagkalat na security guards sa paligid kaya naman mayroon akong mga napagtanungan. 

Nang makabalik ako sa aking klase ay napansin kong wala pareho ang aking katabi. Wala yung lalaking bugbog-sarado. Siguro, pinadala na iyon sa clinic para naman malunasan na yung mga sugat niya. Sa palagay ko kasi, malalalim ang mga iyon. Wala rin yung lalaking lumapastangan kani-kanina lang sa aking katawan. Nag-iinit talaga ang ulo ko sa tuwing naaalala ko kung paano niya ako napasunod sa mga bagay na gusto niya. Hinding-hindi na talaga ako lalapit sa kaniya. Ang kapal ng mukha ng maniyak na iyo. 

Pare-pareho lang ang naging daloy ng klase ko after ng break. Puro lang orientation ang nangyari at puro introduce yourself. Maagang natapos ang klase ko ngayong araw. Dali-dali kong inayos ang aking gamit at lumabas na ng silid. Shortened ang schedule namin ngayon dahil sa orientation pa lang naman ang ginawa. Kaya agad akong dumiretso sa isang fast-food chain malapit dito sa university. Mag-aaply kasi ako bilang waiter para naman magkaroon ako ng income sa sarili ko. Simula kasi ng mawala na si mama sa buhay namin ni Mark ay hindi na maasahan ang stepdad kosa mga gastusin sa bahay. May trabaho naman siya subalit madalang rin siyang mag-abot ng pera sa akin dahil madalas niya itong ginagastos sa kaniyang mga bisyo at babae. Hindi ko naman masisisi si Mark. Labis lang siyang nasasaktan at nagdaramdam kaya't heto ako. Gumagawa ng paraan para naman masustentuhan ko kahit papaano ang aking pag-aaral at makapagbayad na rin ng ilang mga bills sa bahay.

Nang marating ko ang lugar, agad akong nagtanong sa security guard kung on-going pa ba ang paghahanap ng waiter. Laking pasasalamat ko nang sinabi ng guard na wala pa raw nakukuha ang may-ari para sa posisyon.

Sinamahan naman ako ng guard patungo sa opisina ng may-ari.Medyo nagpapawis ang aking kamay dahil sa nerbiyos. Mahigpit kong hawak ang isang folder na naglalaman ng aking resume na siyang kakailanganin ko sa pag-aaply.Nang marating ko ang isang gawa sa kahoy na pintuan. Kumatok ang security guard sa pintuan ang dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob. Iginiya niya ako papasok sa loob ng silid. Pagkapasok ko, sumalubong sa akin ang pamilyar na mukha ng isang babae.

"Mr. Andrada, you're here for the job?" Gulat na tanong sa akin ng babaeng nakausap ko kanina sa admission office.

"Yes po maam. kung meron pa pong slot sana." nahihiyang tugon ko sa kaniya.

"Oo naman , wala pa naman akong natitipuhan para sa position na ito." masayang tugon niya sa akin na labis ko namang ikinatuwa. Lumandas sa aking labi ang isang matamis na ngiti na ginantihan rin ng babae sa aking harapan.

Sa kabutihang palad, natanggap naman ako sa trabaho. Sobra ang tuwa ko ng sabihin ni maam na puwede na akong magsimula bukas. Nagkakuwentuhan rin kami ni Maam Athena tungkol sa buhay ko. Naikuwento ko sa kaniya ang tungkol kay Mark at sa pagkamatay ni mama. Labis naman siyang naawa sa aking ng malaman niya ang aking istorya. Kadalasan ay hindi ako nag-o-open sa ibang tao tungkol sa mga problema ko dahil ayokong kaawaan nila ako. Pero kakaiba ang pakiramdam ko kay maam Athena. Alam ko kasing kahit ano pang estado ko sa buhay ay hinding-hindi niya ako huhusgahan gaya ng mga ibang mayayaman diyan. Sobrang taas na ng tingin sa kanilang sarili porke't may mga pera. Magaan ang loob ko kay Maam Athena kaya naman di ko namalayan ang oras. Mag aalas nuwebe na pala ng gabi.

Nagpaalam naman ako sa kaniya na uuwi na ako. Inalok pa nga niya ako na ihatid sa bahay pero tumanggi na ako. Nakakahiya naman kasi kung ihahatid niya pa ako. Siya na nga yung tumulong sa akin di ba. Sapat na na tinanggap niya ko bilang trabahador niya. Tatanawin ko nang utang na loob sa kaniya iyon. Sisiguraduhin kong hindi ko siya bibiguinat pagbubutihin ko talaga ang aking trabaho.

The BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon