Gavin's POV
Nagmulat ako ng mata at tumambad sa aking paningin ang isang maskuladong dibdib. Unti-unti naproseso ng aking utak ang aking nakita nang maalala kong katabi ko si Laz matulog.
Inakyat ko ang aking paningin patungo sa maamong mukha ni Laz habang natutulog. Napakapayapa, tila isang inosenteng sanggol na nakakulong sa bisig ng kaniyang ina. Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang hinihiling ko sa akong sarili na sana ay ganito na lamang lagi ang lalaking katabi ko.
Akma ko nang ilalayo ang aking ulo upang sana ay mag-ayos na ng aking sarili nang maramdaman ko ang mahigpit na pagyakap ng braso ni Laz sa aking baywang. Mas lalo niya akong hinapit papalapit sa kaniya, dahilan upang tumama ang aking ilong sa kaniyang maskuladong dibdib. Amoy na amoy ko ang panlalaking amoy niya. Hindi ko maiwasang mapapikit at mas lalong damhin ang halimuyak ng lalaking nakayakap sa akin.
Nagulat ako nang maramdaman ko ang pagbaba ng kaniyang kamay sa aking pang-upo. Bahagya akong nagpumiglas upang ilayo ang aking sarili at para na rin gisingin siya.
"Laz, gumising ka na." Mahina kong bulong sa kaniya.
Mas lalong humigpit ang kaniyang pagkakayakap sa akin at ipinulupot niya ang kaniyang paa sa aking hita. Di inaasahan niyang natamaan ang aking sugat, dahilan upang magpakawala ako ng mahinang hiyaw.
"Shit! Are you alright? Did I hit you that bad? Shit! Shit! Where's the doctor?" Natataranta niyang sabi habang unti-unting umaalis sa hospital bed.
Akma na siyang babangon ngunit hinawakan ko ang kaniyang braso upang pigilan siya.
"Okay lang ako, Laz. Huwag ka nang tumawag ng doctor." Mahinahon kong paliwanag sa kaniya.
"Are you sure? Paano kung bumuka yung sugat? Shit! This is my fault. Just wait there, I'm gonna call the doc-" Hindi ko na siya pinatapos pagsalitain. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nagawa ko ang bagay na iyon.
Hinila ko ang braso niya at mabilis na inilapat ang aking labi sa kaniyang labi. Nakita ko sa kaniyang mata ang labis na gulat. Tila naestatwa siya sa kaniyang lugar habang magkalapat ang labi naming dalawa.
Inilayo ko ang aking mukha sa kaniya at bahagya siyang itinulak. Hindi ako makaharap sa kaniya. Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha sa labis na kahihiyan.
"S-sorry, hindi ko sinasadya." Paghingi ko ng paumanhin sa kaniya.
Itinaas ko ang aking paningin. Tumambad sa akin ang seryosong mukha ni Laz. Walang emosyon at bahid ng anumang damdamin ang mukha.Akma na akong aatras sa kaniya nang biglaan niyang inilagay ang kaniyang kamay sa aking batok at puwersahang inalapat ang kaniyang labi sa aking bibig. Ipinasok niya ang kaniyang dila sa loob at nilakbay ang aking bibig.
Itinulak ko ang kaniyang dibdib dahil sa nawawalan na ako ng hangin. Nang inilayo niya ang kaniyang labi sa akin ay pinagdikit niya naman ang aming mga noo.
Nakapikit siya at malalim ang kaniyang paghinga. Para bang may pinipigilan siyang gawin.
"Shit Gab. I think I am madly inlove with you." Sabi niya sa pagitan ng kaniyang paghinga.
Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo. Kasabay ng pagbagal ng oras ay ang pagbagal ng pintig ng aking puso. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Kinakabahan ako subalit may kakaibang sayang nararamdaman ang puso ko.
"L-Laz." Nauutal kong bulong sa kaniya.
Bigla siyang tumayo at tumalikod sa akin.
"Shit."Rinig kong bulong niya.
BINABASA MO ANG
The Bully
RomanceNanlamig ang aking buong katawan ng makita ko ang pares ng berdeng mga mata na nakatingin sa akin. Di ko maipaliwanag ang takot na aking nararamdaman sa oras na ito. Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na pader at na...