Chapter 23

9.7K 288 36
                                    

Warning !!! 

SECRET MESSAGE AHEAD

Gavin's POV 

"I want you to work for me." Diretsong sabi sa akin ni Laz na para bang napakasimple lang ng hinihiling niya.

Magtrabaho sa kaniya? Ano namang magiging trabaho ko? Tsaka may trabaho naman na ako sa restaurant kaya hindi ko na kailangan pa ng panibagong trabaho.

"S-salamat n-na l-lang, pero may trabaho na kasi ako. Ayos na sa akin iyon." Nauutal kong saad sa kaniya.

Nakita ng aking dalawang mga mata kung paano dumilim at tumalas ang paraang ng kaniyang pagtitig sa akin. Ang kaniyang panga ay nag-iigting ng sobrang diin na para bang pinipigil niya ang matinding galit na namumuo sa kaniyang kaibuturan. Labis akong natakot sa kaniyang itsura ngayon kaya naman dali-dali akong tumalikod at tumakbo patungo sa hagdan upang umakyat sa aking kuwarto subalit bago ko pa man maihakbang ang aking mga paa ay naramdaman ko na ang marahas na pagkapit niya sa aking braso. Napakahigpit ng kaniyang pagkapit, pakiramdam ko ay bakat na ang kaniyang kamay sa aking maputlang balat. Marahas niya akong hinila palapit sa kaniyang katawan dahilan upang tumama ang aking mukha sa kaniyang matigas at matipunong dibdib. Naamoy ko ang kaniyang natural na panlalaking amoy na unti-unting nagpawala sa aking katinuan. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa aking baywang at ang pag-angat niya ng aking baba. 

Tumambad sa akin ang magaganda niyang matang seryosong nakatitig sa akin.

"Kapag sinabi ko, susundin mo. Naiintindihan mo ba?" Punong-puno ng awtoridad ang kaniyang tinig. Unti-unting nanlambot ang aking tuhod dahil sa tono ng pananalita niya.

Pilit kong ikinalas ang aking katawan sa kaniya at sa kabutihang palad ay nagawa ko naman.

"A-ano ba! S-sinabi ko ng ayaw ko ng trabaho! May trabaho na ko. Di ko kailangan ng tulong mo!" Malakas kong sigaw sa kaniya.

Nakita kong mas lalong nagdilim ang kaniyang paraan ng pagtitig sa akin at sa isang iglap ay naramdaman ko na lang ang marahas niyang pagtulak sa akin. Tumama ang aking likod sa dingding. Napadaing ako dahil sa sakit ng pagtama ng aking ulo at likod sa malamig na dingding.

"Ayoko sa lahat ay sinusuway ako. Alam mo, sa isang kagaya mo, masyado kang matapang. Wala pang nakakagawang sigawan ako. Ikaw pa lang." Mariin niyang bulong sa aking tainga na nagdala ng kakaibang takot sa aking sistema.

"A-ano b-ba k-kasing problema mo? Bakit mo ko pinipilit eh ayoko nga?" Takot kong tanong sa kaniya.

"Wala ka ng magagawa. Kapag sinabi kong gagawin mo, gagawin mo. Tandaan mo yan." Senswal niyang bulong sa aking tainga. "Akin ka na, at wala ka ng magagawa doon." Sabi niya sa akin bago sinunggaban ng halik ang aking labi. 

Labis akong nagulat sa kaniyang ginawa. Nanlaki ang aking mata habang patuloy niyang sinisipsip ang aking labi. Hindi ako makagalaw, para akong natuod sa aking kinatatayuan. 

Inilayo niya ang kaniyang mukha sa akin at kita ko ang pagdila niya sa kaniyang labi na para bang may kinain siyang putaheng napakamalinamnam. 

"Still so sweet huh." Sabi niya habang malademonyong nakangisi sa akin.

"By the way, madali lang naman ang magiging trabaho mo. You will be my personal assistant. So it means na kailangan lagi kitang kasama kahit nasaan ako. Kapag sinabi kong pumunta ka doon ay dapat pupunta ka. " Pagpapaliwanag niya sa akin habang may ngising naglalaro sa kaniyang labi. " Sundin mo lang lahat ng utos ko ay magiging maayos ang buhay mo." Kaswal niyang pagbigkas.

"At sa sahod naman, huwag kang mag-alala. Dodoblehin ko ang sahod mo sa pinagtatrabahuhan mo. Di kita pipigilan kung magtatrabaho ka pa din sa restaurant pero siguraduhin mo lang na kapag inutusan kita ay magagawa mo agad." Pormal niyang sabi sa akin na para bang napakadali ng pinapagawa niya sa akin.

The BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon