Gavin's POV
Naramdaman kong nakalapat ang aking katawan sa isang malambot na bagay. Pilit kong ginagalaw ang aking katawan subalit tila walang akong enerhiya upang kumilos. Naririnig ko ang mahinang bulungan sa aking paligid. Dalawang taong nag-uusap, subalit, hindi ko maunawaan ang kanilang mga sinasabi. Ang mga boses nila ay di maunawaan ng aking utak.
Unti-unti kong iminulat ang aking mga talukap. Dama ko ang panginginig nito, dulot ng matagal na pagkakapikit.
Sumambulat sa aking mga mata ang nakasisilaw na liwanag. Muli akong napapikit at nagpakawala ng isang ungol sa aking tuyong labi.
"Oh my God! He's awake!" Sigaw ng isang pamilyar na tinig.
"Sandali lang, tatawag ako ng doctor." Nagmamadaling sigaw ng isa pang pamilyar na tinig.
Naimulat ko nang mabuti ang aking mata. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Puting kisame, at mga pang-ospital na mga aparato. Dumako ang paningin ko sa aking mga kamay. Nakita kong may bagay na nakaturok doon. Unti-unti kong ginalaw ang mga ito subalit nananatiling manhid ito.
"Oh God, thanks that you're already awake. May masakit ba sayo?" Tanong sa aking ng isang pamilyar na lalaki.
"N-noah." Mahina kong bulong sa kaniya.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" Muling tanong sa akin ni Noah. Halata sa kaniyang mukha ang labis na pag-aalala.
"A-anong n-nangyari sa akin?" Tanong ko sa kaniya. Pilit akong bumangon sa aking pagkakahiga subalit nakaramdam ng kakaibang sakit ang aking katawan. Napasigaw ako sa sakit.
"Hey, don't force yourself too much. You're not fully healed yet." Paliwanag sa akin ni Noah. "You've been shot, badly. Fortunately, Gio found you. Nakita ka niyang nakahigang duguan in a middle of nowhere," Mahabang paliwanag niya sa akin. Unti-unting bumalik sa aking utak ang mga pangyayari. Kung paano tumagas ang dugo sa dibdib ng babae at kung paano umulan ng bala sa paligid.
"G-gaano a-ako k-katagal d-dito?" Nanghihina kong tanong.
"You've been sleeping here for about a week." Sagot sa akin ni Noah.
"Uhmm, Noah, kailangan ko ng umuwi. Wala akong pambayad sa hospital." Sagot ko sa kaniya.
"Sshh, don't worry about the bills. Laz had taken care all of your expenses here. Besides, kanila naman itong hospital na pinag-admit-an mo." Mahaba niyang paliwanag sa akin.
Si Laz ang nagbayad ng mga gastusin ko. Napakarami ko ng utang sa lalaking iyon. Hindi ko na alam kung ano pang paraan para mabayaran ko ang mga utang ko sa kaniya.
Napalingon ako sa pintuan nang bigla itong bumukas. Niluwa nito si Sean, kasama ang isang doktor at isang nurse.
"Gab, mabuti naman at gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Sean sa akin habang patakbong lumalapit sa akin.
"A-ayos na ako. Medyo masakit lang yung mga sugat ko. " Sagot ko kay Sean.
"Excuse me po sir, i-che-check lang po namin ang pasyente." Sabi ng doctor kay Sean.
Agad namang tumabi si Sean at hinayaan ang doctor na suriin ako.
BINABASA MO ANG
The Bully
RomanceNanlamig ang aking buong katawan ng makita ko ang pares ng berdeng mga mata na nakatingin sa akin. Di ko maipaliwanag ang takot na aking nararamdaman sa oras na ito. Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na pader at na...