Chapter 25

7.9K 258 30
                                    

Gavin's POV

Nagising akong nakahilata sa isang madilim na espasyo. Unti-unti kong binangon ang aking sarili sa pagkakahiga. Napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman ko ang matinding pagkirot nito. Inilibot ko ang aking paningin sa aking paligid at labis akong nagulat nang walang masipat na kahit anumang bagay ang aking dalawang mata. Tanging kadiliman lamang ang naaaninag ng aking mga mata. Sinubukan kong tumayo. Naramdaman ko ang panlalambot ng aking tuhod. Dahil siguro sa matagal kong pagkakahilata kaya ganito ang aking pakiramdam. 

Nagsimula akong maglakad sa madilim na kawalan na tila walang hanggang at katapusan. Unti-unti kong nararamdaman ang pagsilay ng kaba at takot sa aking dibdib. Nagsisimula nang bumilis ang pagtibok ng aking puso at marahan na akong kinakain ng aking takot. Ang kanina-kanina'y mabagal na paglakad ay nagsisimula nang bumilis hanggang sa natagpuan ko na lamang ang aking sariling walang humpay na tumatakbo. 

Ramdam ko ang pagkaubos ng hangin sa aking baga. Hingal na hingal na ako subalit hindi ako tumitigil sa pagtakbo. Maya-maya ay naramdaman kong may pumatak na likido sa aking mga mata. Mula sa mga mata, dumausdos ito sa aking pisngin hanggang sa gilid ng aking labi. Dahilan upang malasahan ko ang maalat-alat na likido na siyang luha ko pala. Di ko namalayang lumuluha na pala ako dulot ng takot at kabang kumakain sa aking buong sistema.

Naramdaman kong tinakasan ng kaluluwa ang aking katawan nang maramdaman kong tila may mga hakbang na sumusunod sa aking pagtakbo. Lumingon ako sa aking likuran at doon tumambad sa akin ang pigura ng isang maskulado at malaking lalaki. Hindi ko masilayan ang kaniyang itsura pero masasabi kong malapad ang kaniyang dibdib at namumutok sa mga matitigas na laman ang kaniyang mga braso. Nakita ko siyang tumatakbo at hinahabol ako. 

Dahil sa kabang nararamdaman, mas binilisan ko ang pagtakbo kahit pa ramdam na ramdam ko na ang hingal at pagod. Pakiramdam ko ay hindi ko na kaya. Gusto ko nang tumigil at sumuko subalit ibinubulong rin ng aking utak na sa oras na tumigil ako ay may hindi magandang pangyayaring mangyayari sa akin. Kaya naman pinagpatuloy ko ang pagtakbo.

Nanindig ang aking balahibo ng makarinig ako ng baritonong tinig na tila nang-aasar sa akin. Malamig at senswal ang tono ng kaniyang pananalita na tila nang-aakit.

"Bakit hindi ka pa tumigil sa pagtakbo, Gab?" Bulong ng lalaki sa aking utak. "Pagod ka na di ba?" Patuloy sa pag-ikot ang kaniyang mga salita sa aking utak. " Tumigil ka na at isuko mo na lamang ang sarili mo sa akin, ang katawan mong inaasam-asam ko." Pagtatapos ng lalaki.

Lalong tumindi ang pagkabog na nararamdaman ng aking dibdib. Lalong umagos ang mga luhang nakakubli sa aking mga mata. Mas binilisan ko ang pagtakbo ngunit napahinto ako nang biglang matanaw ng aking mata ang isang puting kambing na nakatayo sa gitna ng madilim na kawalan. Napatingin sa akin ang kambing. Hindi ko alam kung dulot lamang ito ng aking imahinasyon ngunit nakita kong naka-angat ang gilid ng bibig nito na tila ba nakangisi ito sa akin na para bang nangungutyang demonyo.

Mas lalong tumayo ang balahibo sa aking katawan nang unti-unting sumulpot sa likod ng kambing ang bulto ng isang lalaki. 

Siya yung lalaking humahabol sa akin.

Nakatayo siya habang nakayuko, dahilan upang hindi ko masilayan ang kaniyang mukha. 

"S-sino ka? B-Bakit mo ako h-hinahabol? A-anong kailangan mo sa akin?" Pagtatanong ko sa lalaki.

Nakita kong gumalaw ang kaniyang mga balikat. Hindi ko man narinig at nakita ang kaniyang mukhang tumawa. Sigurado akong may malokong ngisi na nakakubli sa kaniyang mga labi.

"You are mine Gab" Bulong ng lalaki sa seryosong tono.

"Akin ka lang at walang makikinabang sa katawan mo kung hindi ako lamang." Patuloy na sabi ng lalaki habang naglalakad palapit sa akin.

The BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon