Gavin's POV
"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa lalaking nakatayo sa aking harapan.
Tinitigan ko siya sa kaniyang mata at dali niyang iniwas ang paningin niya sa akin.
"G-gab," mahinang pagtawag ni Maximus sa aking pangalan.
Nakita kong yumuko siya at tinignan ang kahong hawak niya sa kaniyang magkabilang kamay.
"Pumunta ako dito upang bisitahin ka sana," simula niyang pagpapaliwanag sa akin. "Gusto rin sana kitang imbitahan sa party, kaso napansin kong walang tao sa bahay mo." Dugtong niya pa.
"G-ganon ba." Kinakabahan kong sagot sa kaniya.
"By the way," muli niyang saad sa akin. "I saw this box at your front door." Sabi niya habang may nang-aasar na ngiti sa akin.
"Look's like someone has an admirer." Sabi niya habang nakangisi. Awtomatiko namang namula ang aking pisngi. Iniyuko ko ang aking ulo dulot ng kahihiyan.
"H-hindi naman." Nakayuko kong sagot sa kaniya.
Narinig ko ang malakas niyang halakhak. Tanging pagtawa lamang niya ang maririnig na ingay sa paligid, kasama ang tunog ng mga kulisap at ang dalisay na paghampas ng hangin sa matatayog na puno.
Naramdaman ko na lamang ang unti-unting paglapit niya sa akin. Sa loob ng ilang segundo, nakatayo na siya sa aking harapan habang marahan niyang hawak ang aking baba. Nakatunghay siya sa aking mata. Ang puting liwanag na nanggagaling sa buwan ay naaaninag sa kaniyang matang mapupungay na tila isang salamin.
"You're beautiful," bulong niya sa akin. "Hindi imposibleng magustuhan ka ng ibang tao." Aniya.
Muling nag-init ang aking pisngi. Tila nakiliti ang aking puso dahil sa kaniyang sinabi.
Napansin ko na lang na tila lumalapit ang mukha ni Maximus sa akin. Ang kaniyang mapupungay na mata ay may dala-dalang kakaibang enerhiya, dahilan upang maestatwa ako sa aking kinatatayuan. Nararamdaman ko ang pagtama ng kaniyang mainit na hininga sa aking labi. Kaunting distansiya na lamang ay maglalapat na ang aming labi nang bigla akong matauhan. Agad kong iginilid ang aking mukha. Biglang sumama ang aking pakiramdam. Tila may nagsasabi sa aking mali ang aking ginagawa.
"M-maximus, s-sige... Pasok na muna ako para makapagbihis." Kinakabahan kong sabi sa kaniya. Nilingon ko ang kaniyang mukha at tila naguluhan ako sa aking nasilayan. May kakaibang ngiti ang naglalaro sa kaniyang labi. Agad rin niya itong ikinubli sa pamamagitan ng isang matamis na ngiti. Isang ngiting nararamdaman kong may sikretong itinatago.
"Are you going to the party?" Tanong niya sa akin.
Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kaniya.
"Okay, I'll wait for you here." Sabi niya sa akin. "Sabay na tayong pumunta sa venue." Dugtong niya.
Mabilis akong tumango at agad na pumasok sa loob ng bahay. Tinungo ko agad ang aking kuwarto at daling nag-ayos ng sarili. Napag-desisyunan kong magsuot ng puting t-shirt at black jeans. Nagsuot na rin ako ng isang black na leather jacket upang maprotektahan ko ang aking sarili sa hamog.
Bago bumaba, sumilip ako sa aking bintana upang tingnan si Maximus. Nakita ko siyang nililibot ng tingin ang paligid. Tila may hinahanap siya. Dali kong sinarado ang kurtina nang biglang dumako ang direksiyon niya sa akin. Sa di mapaliwanag na dahilan, kumabog ang aking dibdib sa labis na kaba. Pinakalma ko ang aking sarili bago tuluyang bumaba at lumabas ng bahay.
"You look so good." Bungad na bati sa akin ni Maximus. "Guys will surely hit on you." Sabi niya habang may nanunudyong ngiti sa kaniyang labi.
Nahihiyang ngumiti na lamang ako at lumapit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Bully
RomanceNanlamig ang aking buong katawan ng makita ko ang pares ng berdeng mga mata na nakatingin sa akin. Di ko maipaliwanag ang takot na aking nararamdaman sa oras na ito. Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na pader at na...