Gavin's POV
Nagmamadali kong kinuha ang cellphone sa aking bulsa. Sinagot ko ito at tinanong kung sino ang tumatawag.
"Hello po, sino po sila?" Magalang kong tanong sa kabilang linya.
"Maganding gabi ho, kayo po ba si Gavin Andrada? Anak ni Mark Andrada?" Tanong sa akin ng lalaki sa kaniyang baritonong boses.
"O-opo, ako nga po iyon." Kinakabahan kong sagot sa lalaki.
"Ako po si officer Gil Benneth ng Redwood Police Department," pagpapakilala ng lalaki sa akin. "Ako ang may hawak sa kaso ng pagpatay sa stepdad mo," dugtong niya pa. "Mayroon kaming nakalap na bagong impormasyon na makakatulong sa pagresolba ng kaso." Paliwanag niya sa akin.
Tila nakaramdam ng ibayong saya ang aking puso. Hindi man maibabalik nito ang buhay ng aking stepdad, naniniwala at umaasa ako na makakamit naman niya ang katarungan.
"Maraming salamat po." Pagpapasalamat ko sa lalaking kausap.
"Kung maaari sana ay pumunta ka sa istasyon ngayon upang mapag-usapan natin nang maayos ang tungkol sa kaso ng stepdad mo." Mahabang paliwanag ng pulis sa akin.
Tinapos ko ang tawag at agad kong ipinaalam kay Laz ang nangyari.
"Laz, samahan mo ako so police station." Bungad ko kay Laz. Nakita kong kumunot ang kaniyang noo. Marahil naguguluhan sa kung ano ang dahilan kung bakit ako nagpapasama sa police station. Hindi pa man niya nabibigkas ang tanong ay sinagot ko na siya.
"May nakalap na impormasyon sa kaso ng stepdad ko," masaya kong tugon sa kaniya. "Makakamit na namin ang katarungan." Wika ko habang may luhang pumapatak sa aking mga mata.
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Hindi man naging maganda ang trato sa akin ni Mark, itinuturing ko pa rin siya bilang aking tunay na ama. Kaya naman nagagalak ang aking puso na mabibigyang linaw na ang pagpatay sa aking stepdad.
Nagulat ako nang bigla akong niyakap ni Laz ng mahigpit. Damang-dama ko ang init ng kaniyang yakap. Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib habang patuloy ako sa pag-iyak. Naramdaman ko ang marahan niyang paghagod sa aking likod. Pinapakalma niya ako at di kalaunan ay tuluyan na akong tumahan sa aking pag-iyak.
"Hey, why are you crying?" Tanong niya sa akin habang ako ay nakakulong sa kaniyang mga braso. "You're supposed to be happy, right?" Dugtong niya.
"Umiiyak ako dahil masaya ako. Dahil malapit ng makuha ni Mark ang katarungan." Sabi ko sa kalmadong boses. "Mananagot sa batas ang gumawa ng bagay na iyon sa kaniya." Sabi ko na may puno ng pagbabanta.
"Is that really you?" Tanong ni Laz sa akin. Napakunot ang aking noo nang marinig ko ang tinuran niya. Inilayo ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib at tumingala upang tanungin kung ano ang kaniyang ibig- sabihin.
"The way you talked, it's way too different than the usual." Pagpapaliwanag niya. "I can literally hear the venom in your voice awhile ago." Natawa pa siya habang sinasabi sa akin ang kaniyang obserbasyon.
Hindi ko na lamang pinansin ang kaniyang sinabi. Hinila ko ang kaniyang kamay at naglakad kami patungo sa kaniyang sasakyan.
"Hey, not too fast babe, you'll have to pay me after this okay?" Sabi niya sa akin habang nakangisi. Tumango na lamang ako bilang tugon sa kaniya. Mukhang kailangan kong humanap ng bagong trabaho para makabayad sa mga utang ko.
Ilang minuto ang lumipas at narating na namin ni Laz ang Redwood Police Station. Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan. Sa may tapat ng istasyon ay nakita ko ang isang mataas na lalaking nakasuot ng uniporme ng pulis. Hinantay kong makalabas si Laz sa sasakyan at sabay kaming naglakad patungo sa direksyon ng lalaki.
BINABASA MO ANG
The Bully
RomanceNanlamig ang aking buong katawan ng makita ko ang pares ng berdeng mga mata na nakatingin sa akin. Di ko maipaliwanag ang takot na aking nararamdaman sa oras na ito. Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na pader at na...