Chapter 2

17.4K 471 17
                                    

Village na tinitirhan ni Gavin.

See the multimedia screen above

Happy reading :)

Gavin's POV

Tahimik akong naglalakad at iniiwasang gumawa ng anumang ingay na maaaring magpagising kay Mark. Simula kasi nang mamatay si mama ay nagbago na ang pakikitungo niya sa akin. Kung dati ay isa siyang napakabuti, mapagmahal at responsableng  ama sa aking paningin, ngayon ay nagbago na ang lahat. Naging lasenggero, babaero at  iresponsableng tao na ngayon ang aking ama. Madalas nga ay napagbubuhatan pa niya ako ng kamay sa tuwing lasing siya. Ako naman ay walang magawa kundi tanggapin ang lahat ng mga pang-aabuso niya sa akin. Pilit ko na lang siyang iniintindi sapagkat alam kong iyon ang pinakakailangan ni Mark ngayon. Ang taong makakaunawa sa sakit at lungkot na kaniyang nararamdaman. Taong makikinig sa kaniyang mga problema nang walang panghuhusga.

Unti-unti kong binuksan ang pintuan at muling sinilayan ang mapayapang anyo ni Mark habang natutulog. Marahan kong isinara ang pinto upang maiwasang magising ang aking stepdad. 

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang mamangha at i-appreciate ang ganda ng village na aking tinitirahan. Malinis ang kalsada at walang basura kang makikita sa kahit anong sulok. Sariwa ang hangin dahil na rin sa mga ilan-ilang punong nakatanim sa gilid ng bawat bahay. Halatang disiplinado ang mga tao rito at iniiwasan  talaga nila ang mga aktibidad na sisira sa kaayusan ng paligid. 

Ilang minuto rin ang nilakbay ko upang marating ang dream university ko. Ang Clifford University. Sobrang sikat ng paaralang ito sapagkat dito naka enrol yung mga anak ng mga mai-impluwensiyang tao gaya ng mga politiko, artista, businessman at iba pa. In short, puro mayayaman ang mga estudyante dito. Siguro ngayon ay nagtataka kayo kung paano ako nakapasok sa eskwelahang ito. Simple lang, dahil sa scholarship. Nagtake ako ng scholarahip sa school na to para makapag-aral. Maganda kasi ang kalidad ng edukasyon dito, di gaya ng ibang mga paaralan ngayon na basta't may pera ka ay siguradong maka-kagraduate ka. Dito ibang-iba ang patakaran. Kung bagsak ka bagsak ka talaga at walang magagawa ang pera mo sa loob ng paaralang ito sapagkat mayayaman naman ang lahat ng dito. Kaya nga medyo nai-intimidate ako kasi pakiramdam ko ako lang ang mahirap dito. Pakiramdam ko ayaw kong umapak sa sahig ng school kasi parang marurumihan lang ito ng marumi at luma kong rubber shoes. Pero wala nang sukuan to, nandito na ko kaya wala nang atrasan.

Tanaw ko ang malaki at magarang kulay gintong gate ng unibersidad. Sobrang liwanag nito sa tuwing natatamaan ito ng sinag ng araw. Para bang isang palasyo ang aking papasukan ng makita ko ang gate. Ako, dahil sa mahirap lang ay natameme na lamang sa aking kinatatayuan. Manghang-mangha ako sa nasisilayan ng aking dalawang mata.

Nagising na lamang ako sa aking pagkatulala ng makarinig ako ng mga bulungan sa paligid. Iginala ko ang aking paningin at bigla naman akong nakaramdam ng pagkahiya nang  makakita ako ng iba't-ibang pares ng mga matang puno ng  panghuhusga. Nanliliit ako sa kanilang mga titig. Hindi ako makatingin sa kanila ng diretso dahil sa hiyang lumukob sa akin.

Narinig ko ang kanilang mga bulungan. Mga bulungang puno ng pangungutya sa aking pagkatao. Sa tingin ko, kailangan kong magbaon ng extrang pasensya sa tuwing papasok ako. Sigurado akong hindi magiging madali ang buhay ko dito.

Hindi ko na lang ininda ang mga bulungan ng mga kapwa ko estudyante. Dumiretso ako sa may entrance ng school ngunit hinarang ako ng isang security guard.

"Hoy bata! Bawal ang pulubi at mga outsider dito. Layas!" bulyaw sa akin ni mamang guard.

Nagulat ako sa lakas ng pagkakasigaw niya sa akin. Pakiramdam ko ay mababasag ang aking dalawang eardrums dahil sa sigaw ng guard. Nasaktan naman ako sa tinuran ng guard sa akin. Alam kong luma ang mga damit na aking suot pero maayos at mukha pa naman itong desente sa paningin. Hindi naman pang-pulubi ang suot ko ngayon pero ano pa nga bang inaasahan ko. Mayayaman ang nag- aaral dito kaya sigurado akong isa lang ako hampaslupa sa kanilang paningin.

"Pero kuya dito po ako nag-aaral kaya papasukin niyo na ako." mahinahon kong sabi sa guard.

" HAHAHAHAHA! Nagpapatawa ka ba? Sa itsura mong iyan, dito ka nag- aaral ? Wala kang maloloko dito boy, mas mukha ka pang magnanakaw kesa isang estudyante eh."

"Pero totoo po ang sinasabi ko. Ito nga po ang ID ko eh. Nakapasa po ako sa scholarship kaya po ako dito nakapag-aral, kaya please kuya papasukin niyo na ako. Male-late na ako sa klase ko eh." naluluha kong sabi sa guard.

Naiiyak ako hindi dahil sa male-late na ko. Naiiyak ako dahil sa mga pangungutyang natanggap ko. Nasa labas pa lang ako ng gate at ito na ang sinapit ko, paano pa kaya kung makapasok na ako. Haysss! Pasensya lang, pasensya lang.

Mukhang nagda-dalawang-isip pa si manong guard kung papapasukin niya ako. Pero sa huli, naniwala rin siya at pinapasok ako. Nagpasalamat naman ako sa kaniya kahit di gaanong maayos ang naging pagtrato niya sa akin. Naniniwala kasi akong kailangan mong magpakumbaba palagi para makaiwas ka sa gulo. Kasi kung parehong nag-iinit ang ulo niyo, siguradong parehong mababasag din ang mga ulo niyo HAHAHA.

Pagkapasok ko, bumungad sa akin ang napakasosyal na lobby ng school. Napakaganda ng disenyo ng mga kisame't dingding nito. Di ko maipaliwanag ang aking pakiramdam habang labis na namamangha sa ganda ng lugar.

Patuloy akong naglakad at mas lalo akong namangha nang dumapo ang aking mata sa field ng Clifford University. Sa kabilang dulo ng field makikita mo ang isang napakalawak at napakalaking building. Kulay puti ito at salamin ang gitna. Nakaukit sa mga salamin ang pangalan ng unibersidad sa kulay gintong mga letra.

Naglakad lang ako ng naglakad at patuloy binubusog ang aking mga mata sa ganda ng paligid. Hanggang sa narating ko ang main building. Ramdam ko ang mapanghusgang mga tingin ng mga estudyante, ngunit hindi ko na lamang ito pinansin. Lumapit ako sa isang security guard upang tanungin kung saan makikita ang admission office. Nangingilatis na tingin ang isinukli ng guard sa akin, ngunit sinagot rin niya ang aking tanong.

"Diretsuhin mo yang corridor na yan at yung pang limang room ang admission office." sagot ni manong guard.

Agad akong nagpasalamat at dali-daling pumunta sa direksyong kaniyang sinabi.

Pagdating sa office. Isang eleganteng babae ang bumungad sa akin.  Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti na malugod ko ring sinuklian ng isa.

"Anong maitutulong ko sa iyo?" tanong sa akin ng babae.

Bigla na lamang ako nakaramdam ng matinding kaba. Alam kong wala akong dapat ikatakot sa babaeng nasa aking harapan ngunit dahil sa natural akong mahiyain ay naging ganito ang reaksyon ko.

"Uhmmm A-ako po si Gavin Jacob Andrada. Yung scholar po." medyo kabado kong sagot.

"Ahhhh yung kauna unahang nakapasa sa scholarship exam dito. Alam mo ba sikat ka sa faculty kasi ikaw lang ang tanging nakapasa sa scholarship exam simula nang itayo itong school."

Labis akong nagulat sa aking nalaman . Di ko inaasahan na tanging ako pa lang ang nakapasa sa exam nila.

"Matalino ka talaga sigurong bata. By the way, I guess you're here to get your schedule right?"

"Ahmm yes po maam."

Inabot niya sa akin ang aking schedule. Nagpasalamat ako sa kaniya at nginitian niya lamang ako. Lalabas na sana ako ng office nang bigla siyang nagsalita.

"Sana maging maayos ang pag-aaral mo rito and advice ko lang sayo. Palagi ka lang magpakumbaba para makaiwas ka sa gulo. Sa tingin ko kasi hindi ikaw yung tipong sanay sa away kaya ayaw kong madawit ka sa gulo."

Tumango na lamang ako sa payo niya at tuluyang lumabas ng opisina. Tiningnan ko ang kapirasong papel na naglalaman ng aking schedule at section.
























Main building

6th floor

I- Zeus














-Jay

The BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon