Chapter 29

8.6K 287 23
                                    

Gavin's POV

Nagising ako sa matinding sikat ng araw na direktang tumatama sa aking mukha. Unti-unti kong iminulat ang aking dalawang mata. Nilakbay ko ang aking paningin sa loob ng silid. Nakita ko si Laz na prenteng nakaupo sa isang maliit na sofa sa tapat ng kamang hinihigaan ko. Direkta siyang nakatitig sa akin habang ang kaniyang kaliwang hita ay nakapatong sa kaniyang kanang hita. Hindi kakikitaan ng anumang emosyon ang kaniyang mukha. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin.

Unti-unti kong iginalaw ang aking katawan. Nararamdaman ko ang pananakit ng aking mga kasu-kasuan. Pakiramdam ko ay parang nabugbog ang aking katawan. 

Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi nang maalala ko ang kaganapan kagabi. Simula sa loob ng kotse hanggang sa makapasok kami rito sa kuwarto. Hindi ako makapaniwalang na hinayaan ko ang lalaking iyon na gawin ang bagay na iyon sa akin. At ang mas malala, nagustuhan ko ang lahat ng iyon. Hindi ko alam kung anong masamang espirito ang sumapi sa akin kagabi kaya't nagawa ko ang bagay na iyon. 

Napaangat ako ng tingin kay Laz nang mapansin kong tumayo na siya mula sa kaniyang pagkakaupo.

"Get up, pup. Breakfast is ready . It's getting late." Rinig kong sabi niya sa akin. 

Dumako ang aking paningin sa kaniyang hubad na katawan. Kitang-kita ko kung gaano kamaskulado ang kaniyang tiyan at dibdib. Hindi ako makapaniwala na kagabi lang ay malaya kong nailalapat ang aking palad sa matipunong pangangatawan ng lalaking ito. 

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Dumako ang aking mata patungo sa kaniyang mukha at doon ko nasilayan ang mapaglarong ngisi sa kaniyang labi.

"If you want me so bad, you can just ask. " Sabi niya sa akin habang patuloy na nakangisi. "I might give you what you like." Dagdag pa niya bago ako tuluyang talikuran at lumabas sa loob ng silid. 

Naiwan akong tulala at namumula sa kaniyang sinabi. Hindi ko napansin na medyo napatagal na pala ang pagtitig ko sa kaniya. Hindi ko alam na napansin niya na pala ako. 

Maya-maya, napagdesisyunan ko ng tumayo at mag-ayos ng aking sarili. Dali-dali kong iniligpit ang aking pinaghigaan at hinanap ang aking damit sa buong silid. Hindi ko na natagpuan ang mga damit na aking isinuot kagabi. Tanging ang kulay puting brief ko na lamang ang aking nakita sa may maliit na sofa na kinauupuan ni Laz kanina. 

Habang nananatiling nakapulupot ang isang puting kumot sa aking katawan. Napalingon ako sa may pintuan nang bigla-bigla itong bumukas. Iniluwal nito si Laz na nananatiling walang pang-itaas. Nakita kong may bitbit siyang mga damit. 

"Here's your clothes. Medyo maluwag lang." Sabi niya sa akin bago muling umalis at lumabas ng silid. 

Pagkalabas niya ng kuwarto ay dali-dali kong kinuha ang mga damit at agad na pumasok sa loob ng banyo upang ayusin ang aking sarili. Ilang minuto rin ang aking tinagal sa loob bago ko napagdesisyunang lumabas ng banyo habang suot ang napakalaking T-shirt. Abot ito hanggang sa aking tuhod kaya mukha akong walang suot pang-ibaba ngayon sa kadahilanang naka boxer shorts lang ako. 

Lumabas ako ng kuwarto at nakita ko si Laz na prenteng nakaupo sa harap ng lamesa. May hawak siyang tasa ng kape. Nalaman kong kape ito dahil sa matapang na amoy nito. Nakita kong napalingon sa akin si Laz at nasubaybayan ng aking mata kung paano magtaas-baba ang kaniyang tingin sa aking katawan. Nakaramdam ako ng kaunting hiya kaya naman minabuti ko na lamang iyuko ang aking ulo habang naglalakad palapit sa may lamesa. 

Nagsimula na akong kumain ng almusal. Sa totoo lang, hindi ko rin masasabing nakakain talaga ako ng mabuti kahit masarap ang nakahaing pagkain. Sobra akong naiilang dahil sa seryosong pagtitig ni Laz sa akin. Para bang sinusubaybayan niya ang bawat kilos ko. Hindi pa nakatulong ang madalas niyang pagdila sa kaniyang labi na para bang may masarap na putaheng nakahain sa kaniya na gustong-gusto na niyang lantakan. 

The BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon