Chapter 11

11.2K 440 11
                                    

Gavin's POV

Naiwan ako sa loob ng woods ng mag-isa at gulat na gulat. Hindi ma proseso ng aking utak ang nangyari sa amin ni Mr. Green-eyed man kanina. Tila naging tuod ang aking katawan at hindi ko magawang umalis sa aking kinatatayuan sa labis na pagkagulat.

Ba-bakit niya ko hinalikan? Ano bang problema ng lalaking iyon? Normal na lang ba sa kaniyang gawin ang mga ganong bagay? 

Nahinto lamang ako sa aking pagkaparalisa ng makarinig ako ng isang tinig sa aking harapan.

Napabalikwas ako ng kaunti ng makita ng aking dalawang mata ang isang lalaking nakatayo. Maputi ang kutis ng kaniyang balat at sim-pula ng dugo ang kaniyang  labi. May nakakagiliw na ngiti sa kaniyang bibig na lalong nagpa-gwapo sa kaniyang mukha.

" H-Hi, what are you doing here?" medyo nahihiya niyang tanong sa akin.

Unti-unti kong naramdaman ang pamumula ng aking mukha nang muli kong maalala ang mga kaganapan kani-kanina lang. 

" Ahhhh w-wala n-naman, napadaan lang ako. Gusto ko kasing magpahangin." nahihiya kong tugon sa kaniyang tanong.

"Nakita ko kasing lumabas din si Laz dito kanina, kaya naisipan kong tingnan kung anong ginawa niya dito. Baka kasi nambugbog na naman  yon." mabilis niyang tugon sa akin.

Laz. Sino naman iyon? Di kaya siya si Green-eyed man?

"S-sino naman si Laz?" tanong ko sa kaniya.

"Ahhhhh, si Van Lazarus Smith, many people call him Laz. Pamilya niya ang may-ari ng school na ito." sagot niya sa aking tanong.

Oh my god! Ang lalaking iyon ang may-ari ng school na ito. Shit! Hindi pwede. Pagkausap ko sa aking sarili.

" Oh, bakit parang namumutla ka? May ginawa ba siya sayong masama? Ayos ka lang ba?" sunod-sunod niyang tanong sa akin habang kinapa-kapa niya ang aking katawan upang ma-check kung wala ba akong galos sa katawan.

Namula naman ako sa kaniyang ginawa at mukhang na-realize naman niya kaagad iyon.

" Ahh, sorry. Baka akala mo feeling close ako, hehehehe. Nag-alala lang talaga ako." pag-hingi niya ng paumanhin sa akin.

" W-wala yon, o-okay lang. Di lang kasi ako sanay na may humahawak sa akin." 

Napasulyap ako sa aking nokia na cellphone at napa-shit ako sa aking isip ng makitang malapit na palang magsimula ang una kong klase.

Mabilis akong nag-paalam sa kaniya na mauuna na ako at dali akong tumakbo palabas ng woods. Narinig ko pang sumigaw siya at tinawag niya ako sa aking pangalan, ngunit hindi ko na lamang siya binigyan ulit ng tingin.

Teka! Paano niya nalaman ang pangalan ko? Hindi naman ako nagpakilala sa kaniya eh? 

Habol ko ang aking pag-hinga ng marating ko ang main building. Dali kong tinungo ang 6th floor at hinanap ang aking classroom.

Nang makita ko ang gintong pintuan ay dahan-dahan ko itong itinulak at tumambad sa akin ang ilan-ilang estudyante na kaniya-kaniya sa kanilang mga ginagawa. Ang iba ay nagbabasa, mayroong nag-uusap at may mga kababaihang nagme-make-up rin.

Buti na lang at hindi nila napansin ang aking pagdating kaya naman agad kong tinungo ang aking upuan. Bigla kong naalala na katabi ko nga pala ang lalaking iyon. Ano nga ba ulit ang pangalan niya? Ayon Laz, naalala ko na.

Unti-unti na ring nagsidatingan ang iba kong mga classmate pero napansin kong wala ang dalawa kong katabi. Wala si Laz at yung lalaking nabugbog kahapon. 

Wag nilang sabihan na nagbubugbugan ulit sila. Ang aga-aga basagan agad ng bungo ang inaatupag nila. Hayssss, mga lalaki nga naman.

Maya- maya pa ay dumating na ang propesor namin. Naging maayos naman ang talakayan ngunit labis nadismaya ang lahat ng ianunsiyo nito ang isang pagkahaba-habang assignment na ipapasa bukas.

Bukas talaga? Eh ang dami non eh, di ba puwede tomorrow? Charot, corny ko talaga.

________________________________________________________________________________

Natapos na ang mga klase ko sa morning period at muling dumagundong ang tunog ng bell, hudyat na simula na ng lunch break. Napag desisyunan kong mag-banyo muna kasi kanina pa ako naiihi, parang sasabog na ang pantog ko sa sobrang bigat nito. 

Dali kong tinahak ang daan papunta sa CR. Sa sobrang pagmamadali ay tumama ang aking ulo sa dibdib ng isang lalaki. Naamoy ko ang napaka-lalaking halimuyak nito. Grabe, ang bango-bango niya. 

Tumaas ang tingin ko sa kaniya at agad kong nakilala ang kaniyang itsura. 

Siya yung lalaking nabugbog kahapon. Ang gwapo pa rin niya kahit medyo may sugat at maga yung lips niya. Fairness kay kuya.

" S-sorry po, di ko po kasi kayo napansin." Magalang kong paumanhin sa kaniya.

Nakita ko siyang nakatitig lamang sa aking mukha. Hindi naman mukhang galit ang kaniyang ekspresyon subalit di rin naman ito kakikitaan ng tuwa. Kumbaga poker-face ang peg niya.

" Okay lang. Just be careful next time para di ka rin masaktan." malumanay niyang saad sa akin at daling tumalikod at naglakad palayo sa akin.

Natuwa naman ako dahil hindi siya nagalit sa akin. Akala ko kasi madadagdagan na naman ang kamalasan ko sa unibersidad na ito. 

Akala ko di na madaragdagan ang kamalasan sa buhay ko. Pero mukhang trip talaga ako ng universe ngayon eh. Matapos umalis nung lalaki sa harapan ko kanina. Dali akong humarap sa direksyon kung saan ang daan papuntang CR. Parang biglang umurong yung ihi ko ng makita ko si Laz na nakasandal sa isa sa mga lockers, ang kaniyang kamay ay nasa loob ng kaniyang bulsa. Nakasuot siya ng itim na leather jacket. In short, ang gwapo niya sa outfit niya pero, hindi ang damit niya ang nagpa-urong sa aking ihi. Kundi ang nakamamatay niyang titig na pinupukol niya sa akin. Napakasama ng tingin niya sa akin na para bang may nagawa akong hindi niya gusto. Kitang- kita ko ang apoy sa kaniyang luntiang mata. 

Nakaramdam ako ng panginginig sa aking katawan. Labis ang takot at kabang dumadaloy sa aking sistema. Para bang matatae ako na di ko malaman sa oras na ito. 

Sa sobrang takot ay dali kong ipinihit ang aking katawan patalikod sa kaniya. Akmang tatakbo na ako nang bigla kong maramdaman na may malaki at malakas na kamay ang nakakapit sa aking mga braso. 

Sobrang higpit nito at pakiramdam ko ay unti-unti nang nagmamarka ang mga daliri niya sa maputi kong balat. 

Sinubukan niya akong hatakin upang sumunod sa kaniya subalit, mariin akong tumanggi. Sinubukan kong alisin ang kaniyang pagkakahawak sa akin. Subalit masyado siyang malakas. 

" Ano ba! bitawan mo ako! Nasasaktan na ako!" Malakas kong sigaw sa kaniya at nakita kong nakatitig ang mga estudyante sa amin, subalit walang nagtangkang tulungan ako.

Nagulat ako ng bigla niya akong binuhat na parang isa akong sako. Ang aking mukha ay nasa kaniyang likod habang mahigpit niyang hapit ang aking baywang. 

Sigaw lang ako ng sigaw, pero nagulat ako at napa aray ng bigla niyang hinampas ang aking pwet gamit ang kaniyang malaking palad.
























"Serves you right, you've been a bad boy, Gab." bulong niya sa akin na nagpatahimik sa aking bibig.


















Author's note

Sa lahat po ng nakapansin ng istorya ko. Marami pong salamat sa inyo. Kahit po sobrang konti niyo lang po. Super thankful ako sa inyo. Sana ay patuloy niyong abangan. Share niyo na rin sa mga friends niyo kung gusto niyo lang naman. Pero kung ayaw niyo, okay ang din sa akin. Maraming salamat sa inyo.

-Jay


The BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon