Gavin's POV
Dumagundong ang tunog ng bell sa buong building, hudyat na tapos na ang klase sa araw na ito. Dali-dali kong ipinasok sa luma kong Jansport na bag ang mga ginamit kong notebook at libro. Nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay nanatili muna akong nakaupo sa aking upuan. Hinihintay ko kasi munang maunang lumabas ang iba ko pang mga kaklase bago ako lumabas sa classroom. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin maayos ang pagtrato sa akin ng mga kaklase ko. Sa tuwing nagagawi ang tingin ko sa kanila ay nakikita kong punong-puno ng pagkadisgusto ang kanilang mga tingin sa akin. Wala naman akong ibang magawa kung hindi yumuko na lamang at piliting huwag silang pansinin. Hindi ko naman sila masisisi kung hindi nila ako matanggap bilang kamag-aral nila. Pang mayaman ang eskwelahang ito kaya nararapat lang na mayayaman rin ang mga estudyante. Isang dakilang dukha lamang ako at alam ko na ang estado ko sa buhay ang dahilan ng kanilang labis na pandidiri sa akin.
Nang makita kong nakalabas na ang lahat ng aking mga kaklase sa loob ng silid, dali akong tumayo at agad isinukbit sa aking magkabilang balikat ang strap ng bag ko. Agad kong tinungo ang pintuan at marahang pinihit ang doorknob upang buksan. Lumabas na ako ng classroom namin at tinungo ko ang student locker's area ng floor namin. Hinanap ko ang locker ko na nakapuwesto sa pinakadulo, malapit sa hagdanan papuntang 5th floor. Bawat floor kasi ay may locker's area. Nang marating ko ang locker ko ay agad kong kinuha ang susi sa aking bulsa. Ipinasak ko ang susi sa maliit na kandado ng pinto at nang marinig ko ang mahinang tunog, hudyat na naalis na sa pagka-lock ang kandado ay agad ko itong tinanggal sa pinto. Binuksan ko ang pinto ng locker at tumambad sa akin ang medyo maalikabok na loob nito. Halatang matagal ng walang gumagamit dito kaya siguro medyo maalikabok.
Binaba ko ang bag ko sa malamig na sahig at agad itong binuksan. Hinanap ko ang wet wipes sa loob ng aking bag . Nang makita ko ito ay agad ko itong inilabas . Kumuha ako ng ilang pirasong wipes at ginamit ito upang linisin ang locker ko. Nang makuntento ako sa ginawa kong paglilinis, agad kong iniwan sa loob ang ilang mga aklat at notebook na hindi ko kakailanganin. Isinara ko ang bag ko at muling isinabit ito sa aking balikat.
Tinahak ko ang daan pababa gamit ang hagdan. Ilang minuto lang ang lumipas ay narating ko na ang unang palapag ng main building. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa aking noo. Medyo hinihingal rin ako dahil sa anim na palapag ang aking nilakad. Lumabas ako sa building at naghanap ng mga security guards sa paligid. Hindi pa kasi ako puwedeng umuwi dahil sa nangyari kanina. Pinapapunta ako ni Maximus sa opisina ng student council. Wala naman akong ideya sa kung ano ang nais niyang kapalit para lang hindi niya ako isumbong. Medyo nakakaramdam ako ng kaba pero sinabi ko na lang sa aking isip na para ito sa aking pag-aaral at pananatili sa unibersidad na ito.
Naglakad-lakad ako sa paligid hanggang sa marating ko ang cafeteria. Nakakita ako ng isang security guard malapit sa pintuan ng cafeteria. Mabilis ko namang tinungo ang kinatatayuan ng guard. Nang makarating ako sa kaniyang harapan ay binati ko siya. Nakita kong tiningnan niya ako na para bang kinikilala niya kung sino ako.
"Magandang hapon po kuya, pwede po bang magtanong? magalang kong pagpapaalam sa kaniya.
"Uwian na diba? Bakit nandito ka pa?" tanong naman niya sa akin.
"Ahhhm, ano po kasi, pinapapunta po ako ng student council president sa office nila. May iuutos po sa akin. Pwede ko po bang malaman kung nasaan po yung office ng council?" mahaba kong pagpapaliwanag sa kaniya.
"Ahhhh, ganon ba. Doon, nakita mo ba yong dalawang palapag na building na yon. Yun yung office nila." pagsagot niya sa akin.
Itinuon ko naman ang aking paningin sa direksyong itinuturo ng guard. Doon ko nakita ang dalawang palapag na building na tinuturo niya. Mga ilang metro lang ang layo nito sa cafeteria.
BINABASA MO ANG
The Bully
RomanceNanlamig ang aking buong katawan ng makita ko ang pares ng berdeng mga mata na nakatingin sa akin. Di ko maipaliwanag ang takot na aking nararamdaman sa oras na ito. Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na pader at na...