Gavin's POV
Ilang araw pa ang itinagal ko sa loob ng hospital bago ako tuluyang pinayagan ng mga doktor na lumabas. Sinagot ni Laz lahat ng mga bayarin ko. Mula sa mga gamot hanggang sa mga bayarin sa hospital ay siya ang nag-asikaso. Wala akong inilabas na kahit isang barya, subalit alam kong may kapalit ang lahat ng iyon. Alam kong may hihingiing kapalit si Laz at nararapat kong ihanda ang aking sarili.
Matapos akong tuluyang makalabas sa hospital ay balik sa normal ang aking buhay. Ngayon nga ay papasok akong muli dahil napakarami ko ng mga nalaktawang klase. Kailangan kong makasabay sa mga lessons dahil kung hindi, siguradong matatanggal ako sa scholarship na siyang hindi ko papayagan.
Palabas na sana ako ng bahay nang makarinig ako ng malakas na busina ng kotse sa labas. Dali kong pinihit ang doorknob at itinulak ang pinto.
Tumambad sa aking mata ang pamilyar na pulang kotse sa harap ng aking bahay. Maya-maya pa ay bumaba ang bintana at doon ko nasilayan ang pagmumukha ni Laz.
Nakasuot siya ng isang simpleng asul na t-shirt na bumagay sa hulma ng kaniyang katawan. Komportableng nakahawak ang kaliwang kamay niya sa manibela habang seryosong nakatitig sa daan.
Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan dahil sa itsura ni Laz ngayon. Kahit anong klaseng damit ang suotin niya ay bumabagay sa kaniya. Hindi ko namalayang napatagal na pala ako sa pagtitig.
"Stop looking at me like that," Sabi ni Laz habang nakatingin sa aking direksyon. May mga ngisi sa kaniyang labi na nagpamula sa aking mukha.
"I might do something you'll regret." Dugtong niya habang nakatitig sa aking mukha. Ang kaniyang mata ay kakikitaan ng pananabik at pagnanasa.
"L-Laz, b-bakit napadaan ka?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya.
Nakita kong lalong mas lumapad ang ngisi sa kaniyang labi. Mas lalo siyang gumwapo sa aking paningin.
"You answer your own question," sabi niya sa akin na para bang nanunukso. "Why do you think I'm here?" Tanong niya sa akin.
Pilit akong nag-isip ng mga maaaring sagot kung bakit nandito ngayon si Laz. Sa sobrang pag-iisip ay di ko namalayang nakatayo na pala siya sa aking harapan at titig na titig sa aking mukha.
"L-laz, a-anong g-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla siyang nagsalita.
"Have you forgotten already?" Tanong niya sa akin. Ang kaniyang boses ay kakikitaan ng pagkairita. Kanina lamang ay todo ngisi pa siya subalit ngayon, tila ibang Laz na ang aking kaharap. Seryoso ang kaniyang mukha subalit bakas sa kaniyang mata ang pagkainis.
"A-anong sinasabi mong nakalimutan ko?" Tanong ko sa kaniya. "Yung utang ko ba?" Dugtong ko.
Nakita kong mas lalong kumunot ang noo ni Laz. Mukhang pinipigilan niyang magalit at ayoko ring nagagalit siya.
"H-huwag k-kang mag-alala, babayaran ko naman lahat ng iyon eh. Magtatra- ahhhhhhhhhh!" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla na lamang hinampas ni Laz ang pintuan sa aking likuran. Wala akong nagawa kung hindi ang sumigaw dahil sa labis na gulat.
"Mukhang kailangan kong ipaalala sa iyo Gab." Seryoso niyang bulong sa aking tainga. Ang init na dulot ng kaniyang hininga ay gumapang sa bawat sulok ng aking katawan. Dahilan upang makaramdam ako ng kiliti sa aking puson.
BINABASA MO ANG
The Bully
RomanceNanlamig ang aking buong katawan ng makita ko ang pares ng berdeng mga mata na nakatingin sa akin. Di ko maipaliwanag ang takot na aking nararamdaman sa oras na ito. Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na pader at na...