Chapter 22

11.2K 303 18
                                    

Gavin's POV

Unti-unti kong iminulat ang aking mata nang maramdaman ko ang mainit na sikat ng araw na tumatama sa aking katawan. Napapikit ako nang tumama ang nakabubulag na liwanag na nanggagaling sa bukas na bintana ng aking kuwarto. Dahan-dahan akong bumangon sa aking pagkakahiga nang bigla kong maramdaman ang matinding pagkirot ng aking pang-upo. Bigla ring sumakit ang aking buong katawan at pakiramdam ko ay nabugbog ako dahil sa pananakit ng aking kasu-kasuan. Napayuko ako at labis nanlaki ang aking mga mata nang makita kong walang kahit anong tela ang bumabalot sa aking katawang punong-puno ng mga kulay pula at lilang mga marka. Napayakap ako sa aking katawan habang unti-unting pumapasok sa aking isipan ang mga kaganapang nangyari kagabi. Ang maiinit niyang haplos sa aking katawan. Ang matatamis na halik na kaniyang ginagawad sa aking labi. Ang kaniyang boses na napakalalim na nagpapatayo ng balahibo sa aking katawan. Ang lahat ng mga ala-ala ay biglang sumabog sa aking isipan na parang isang bomba. 

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid ng aking kuwarto, umaasang masisilayan ng aking mga mata ang lalaking unang nakatikim sa aking birheng pagkatao. Nakaramdam ako ng pagkalungkot at pagkadismaya sa di malaman na dahilan nang mapagtanto kong wala na si Laz sa aking kuwarto. Sigurado akong umalis na siya at hindi man lang siya nagpaalam. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Dapat ay nagagalit at nasusuklam na ako sa kaniya sa kadahilanang inabuso niya ako. Subalit, iniisip ko pa lang ang magtanim ng sama ng loob sa kaniya ay para na akong pinapatay ng aking konsensiya. Para bang hindi kaya ng aking sistema na magalit at kamuhian ang lalaking gumawa ng mga bagay sa aking katawan na hindi ko inaasahan. Para bang kontrolado na ng kaniyang presensiya ang buo kong pagkatao. Pakiramdam ko ay isa akong usa na pilit tumatakas sa teritoryo ng isang mabangis na leon.

Dahan-dahan akong tumayo at pumasok sa banyo ng aking kuwarto. Doon, agad tumambad sa salamin ang aking repleksiyon. Kitang-kita ko ang aking medyo namamagang labi dahil sa sugat dulot ng marahas na pagkagat ni Laz doon. Mula sa aking leeg pababa sa aking tiyan ay punong-puno ng mga markang tila nagsasabi na ako ay kaniyang pagmamay-ari. Habang pinagmamasdan ang aking sarili sa salamin ay gusto kong umiyak dahil sa aking itsura. Sa buong-buhay ko ay hindi ko inaasahan na dadating sa punto ng aking buhay na mangyayari sa akin ang mga ganitong bagay. Pero sa kabilang banda ay di ko maipagkakaila ang munting kasiyahang bumabalot sa aking puso. Hindi ko alam subalit nakita ko na lang ang aking sariling matamis na nakangiti habang pinagmamasdan ang sarili kong repleksiyon sa salamin.  

Dali akong naligo at naglinis ng aking katawan. Habang banayad kong hinahaplos ng sabon ang aking katawan ay di mawaglit sa aking isipan ang pakiramdam ng mga haplos ni Laz sa aking katawan. Pakiramdam ko ay habang-buhay ng nakatatak sa aking balat ang pakiramdam ng init ng kaniyang mga palad.  Matapos kong linisin ang aking katawan ay dali-dali akong nagtuyo ng aking sarili. Kumuha rin ako ng isang kulay asul na t-shirt sa aking drawer at isang maong pants. Dali ko itong sinuot at agad na lumabas ng kuwarto ko at pumasok sa silid ng aking ama. Pagkapasok ay agad tumambad sa aking mga mata ang kahon na nakapatong sa mini-drawer. Agad ko itong pinuntahan at muling binuksan. Muling tumambad sa aking paningin ang mga larawan namin ni mama at mark noong mga panahong masaya at kumpleto pa kami. Habang muli kong sinasariwa ang mga alaala ay di ko mapigilang muling lumuha. Unti-unti kong nararamdaman ang munting pagbagsak ng maalat na likido sa aking mga mata. Bumuntong-hininga ako bago ko ipinasok ang mga larawan sa loob ng kahon. Alam kong walang dahilan upang malungkot ako dahil alam kong magkasama na sila ngayon. Magkasama na ang dalawang pinakaimportanteng tao sa aking buhay at alam kong masaya na sila at ginagabayan nila ako ngayon. Bago ko lisanin ang silid ay inayos ko muna ang aking itsura. Sinigurado kong hindi na mugto at namumula ang aking mga mata. Nang makuntento sa ginawa kong pag-aayos, lumabas na ako ng bahay at dumiretso na sa aking destinasyon. 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Habang naglalakad ay dinadama ko ang banayad na paghampas ng mapayapang simoy ng hangin sa aking katawan. Ang mga mumunting himig ng mga ibon ay tila musika sa aking pandinig. Napakaganda ng araw ngayon. Ang asul na kalangitan ay tila isang malawak na karagatan. Ang katamtamang temperatura ay nagdudulot ng masarap na pakiramdam sa aking balat. Hindi ko maiwasang pumikit at damhin ang payapang presensiya ng lugar kung saan nakahimlay ang katawan ng aking ama-amahan. Patuloy akong naglakad sa malawak na damuhan hanggang sa marating ko ang puntod ng aking ama. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Agad akong lumuhod upang hanapin ang susing aking iniwan sa puntod ng aking yumaong ama subalit labis akong nanlumo nang walang kahit anong susi ang tumambad sa aking paningin. Tanging mga tuyong dahon lamang ang tanging nakapalibot sa malamig na lapida. Habang patuloy ako sa paghahanap ay nakaramdam ako ng presensiya na tila nagmamasid sa akin. Lumingon ako sa aking gawing likuran at may nahagip na postura ang aking mata. Tila pamilyar ang istruktura ng pangangatawan ng lalaki subalit hindi ko nasilayan ang kaniyang mukha dahilan upang hindi ko makilala ang kaniyang pagkakakilanlan. Nakaramdam ako ng labis na kaba ata takot sa isiping may nagmamatyag sa aking mga kilos. Iwinaksi ko na sa aking isip ang susi at daling umalis sa lugar. Mas pipiliin ko ang seguridad ng buhay ko kaysa sa susi na iyan. Isip-isip ko sa aking sarili habang mabilis na naglalakad paalis sa payapang sementeryo.

The BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon