Chapter 10

11.6K 380 10
                                    

Gavin Jacob Andrada and Van Lazarus Smith in the multimedia screen  above

Enjoy reading :)

Gavin's POV

Pinanatili kong kalmado ang aking buong katawan matapos kong basahin ang bagong text message na aking natanggap. Hindi ito naka-rehistro sa aking phone pero malakas ang aking kutob na si Green-eyed man  ang nagpadala ng mensahe sa akin. 

Naglalakad ako habang nagdarasal sa Diyos na sana ay walang mangyari sa aking masama. Alam ko naman kasi kung anong kayang gawin ng lalaking iyon. Di ko man siya gaanong kilala, kita ko sa kaniyang mga mata na hindi siya pangkaraniwang tao. Di ko naman sinasabi na isa siyang Supernatural being , di naman kasi totoo ang mga iyon. Sa mga libro at pelikula lang uso ang mga ganung nilalang.

Patuloy kong binabaybay ang daan, tahimik akong naglalakad at hindi pinapansin ang mga bulungan ng mga taong nakamasid sa akin.Sigurado akong damit ko na naman ang kanilang pinagtatawanan, pero wala naman akong magagawa. Tumawa na lang sila hanggang sa mangalay ang kanilang mga panga.

Lumipas ang ilang minuto at tanaw ko na ang daan papunta sa gazebo. Tanaw na nang aking dalawang mata ang tila maliit na kagubatan sa loob ng mala- higanteng unibersidad na ito. Pumasok na ako sa woods kung tawagin ng karamihan. 

Muli kong naamoy ang sariwang halimuyak ng mga dahon. Yumakap sa aking balat  ang malamig na simoy ng hangin na siyang nagpakalma sa kumakabog kong dibdib. Tila nalimutan kong muli ang lahat ng mga bagay na nagpapahirap sa aking buhay. 

Naglakad lang ako ng naglakad habang patuloy dinadama ang kapayapaang ibinibigay sa akin ng lugar. Patuloy nabubusog ang aking mga mata dahil sa maganda at malinis na paligid. Nagulat ako ng tumama ang aking mukha sa isang matigas na pader. Pero teka! pader ba talaga ito? Bakit parang ang bango at parang humihinga? Tanong ko sa aking sarili.

Umatras ako ng ilang hakbang at itinaas ang aking paningin upang tingnan kung saan ako bumangga. Nanginig ang aking katawan ng makakita ako ng pares ng luntiang mga mata. Nanlambot ang aking tuhod at pakiramdam ko ay matutumba ako sa aking kinatatayuan. Tila ba hinihigop ng kaniyang mga mata ang lahat ng tinatago kong enerhiya sa katawan.

"Look who's here?" Tanong niya sa akin habang may ngisi sa kaniyang labi.

Lumayo ako sa kaniya at pilit kong tiningnan siya ng buong tapang. Hindi ko ipapakita sa lalaking ito kung gaano niya ako naapektuhan.

"H-hoy! A-alam kong n-asaiyo ang I.D ko! Kaya ibalik mo na." medyo pasigaw kong sabi sa kaniya.

"You are cute while trying not to act like a scared puppy." Sabi niya sa boses na puno ng pang-aasar.

Arrrrrggggghhhhhhhh! Naiinis na talaga ako sa lalaking to. Sabi ko sa aking sarili. Bigla siyang may binunot sa kaniyang bulsa at medyo nanlaki ang aking mata ng makita ko kung ano ang hawak niyang bagay. Sabi na nga ba eh! Nasa kaniya ang I.D ko. Magnanakaw talaga ang lalaking to! May I.D naman siya, bakit kailangang kunin pa yung akin.

Sumugod ako sa kaniya at akma ko na itong hahablutin ng bigla niyang itinaas ang kaniyang kamay at sabay hablot sa aking baywang gamit ang isa niya pang kamay. Naramdaman ko ang pamumula ng aking mukha ng mas hinigpitan niya ang kapit niya sa aking baywang.

Rinig ng aking tainga ang pilyo niyang tawa, sinulyapan ko ang kaniyang gwapong mukha at bakas ang nakakalokong ngiti sa kaniyang mala-rosas na labi.

Sinibukan kong kumawala sa kaniyang pagkakahapit sa kin ng bigla na lamang dumapo ang kaniyang kamay sa aking puwitan at walang hiya-hiyang pinalo ito. Napadaing naman ako sa bahagyang sakit at gulat ng kaniyang pagkakapalo sa akin. Tumingin ako sa kaniya ng matalim at sabay sigaw ng:

"MANYAK KA TALAGA! BASTOS KA! BITAWAN MO KO." sigaw ko sa kaniya.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko, sa halip ay ngumisi lang siya sa akin at walang pasabi niyang inilingkis ang kaniyang braso sa aking baywang at binuhat ako. Itinulak niya ako sa malapit na puno at muli akong napadaing sa sakit ng pagkakatama ng aking likod sa katawan ng puno.

"A-ano bang g-ginagawa mo? I-balik m-mo na sa a-a-akin yung I.D ko." pagsusumamo ko sa kaniya. Muling sumilay ang mala-demonyong ngisi sa kaniyang labi.

"Ito ba ang gusto mo?" tanong niya sa akin habang ipinapakita ang ID ko.

"Ibibigay ko sa iyo to sa isang kondisyon." Sabi niya habang sobrang lapit ng kaniyang mukha sa akin. Kitang-kita ko ang makinis niyang mukha. Walang bakas ng kahit anong peklat o sugat ang kaniyang kutis. 

"A-anong k-ko-kondisyon n-naman iyan?" nanginginig kong tanong sa kaniya. Nagulat ako ng mas idikit niya ang kaniyang katawan sa akin. Ramdam ko ang mga masel niya sa braso na mahigpit na yumayakap sa maliit kong katawan. Ikiniskis niya ang ibabang parte ng kaniyang katawan sa akin at labis akong natakot ng maramdaman kong may matigas na bagay na tumutusok sa aking tiyan.

Isiniksik niya ang kaniyang mukha sa aking leeg at naramdaman kong sinisinghot niya ito. Naramdaman ko ang kaniyang dilang unti-unting lumalapat sa sensitibo kong leeg pataas sa aking tainga. Kinagat niya iyon ng marahan at napa-ungol naman ako ng di ko namamalayan. Ramdam kong nakangisi na siya kahit di ko nakikita ang kaniyang mapang-akit na mukha. Senswal siyang bumulong sa akin na labis nagpadagdag sa aking kaba.

" Later sweetie, sabihin ko sa iyo kung anong kondisyon ang gusto ko."  

Binitawan na niya ang nanginginig kong katawan. Nakita ko siyang mariing nakatitig sa akin. Iginilid ko ang aking mukha upang umiwas sa kaniyang mainit na mga titig. 

Nagulat ako ng marahas niya akong isinandal sa puno. Magrereklamo na sana ako ng bigla na lamang niya ako siniil ng halik. Malalim at marahas ang paghalik na iginawad niya sa aking labi. Nagtagal rin ng ilang segundo ang paglapat ng kaniyang labi sa aking labi. Inilayo niya ang kaniyang mukha sa akin. Gulat na gulat ang aking mukhang nakatitig sa kaniya. Binigyan niya lang ako ng isang ngising demonyo at agad tumakbo paalis sa aking harapan.
















"Diyos ko! Patawarin niyo po ako sa aking kasalanan. " Bulong ko sa aking sarili.



























-Jay




The BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon