Francisco Lachowski as Maximus Rosdale
See the multimedia above
Happy reading :)
Gavin's POV
Halos sampung minuto na akong late sa una kong klase nang marating ko ang gate ng unibersidad. Naglakad ako patungo sa gate upang sana ay makiusap sa guard na papasukin ako kahit wala akong I.D. Hanggang ngayon kasi ay nasa kamay pa rin ng manyakis na Laz na yon ang I.D ko. Punyetang lalaki iyon! Sarap talagang bigwasan eh.
Nakita ko si kuyang guard na prenteng nakatayo sa may guard house sa tabi ng gate habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Mukhang busy talaga siya sapagkat kahit isang lingon sa kaniyang paligid ay hindi niya magawa.
Kung takasan ko na lang kaya si kuya? Oo, tama. Sana lang talaga huwag niya akong mapansin.
Pagkausap ko sa aking sarili habang nanalangin na sana ay manatiling nakapokus ang atensyon ni manong guard sa kaniyang cellphone. Marahan akong naglakad palapit sa gate. Hindi ako gumagawa ng kahit anong ingay na maaaring magpabaling ng kaniyang atensyon sa akin. Ilang hakbang na lang ay malapit na ako sa may gate.
Sa wakas makakatakas na rin! Thank you lord at dininid niyo ang aking mga dasal.
Papasok na akosa gate ng bigla na lang umalingawngaw ang tunog ng radyo sa paligid. Napahinto ako sa aking paglalakad at marahang nilingon ang guard. Nannuyo ang aking lalamunan ng makita kong matalim siyang nakatitig sa akin habang malapit sa kaniyang bibig ang radyo. Tila ba may kinakausap siya sa kabilang linya. Nakita kong ibinaba na niya ang radyo sabay sigaw ng:
"Hoy bata! Saan ka pupunta!"
Hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya ang una kong ginawa ay tumakbo na lamang ng mabilis papasok sa unibersidad.
"Hoy! Gago ka talaga! Bumalik ka ditong hinayupak kang pulubi ka!" narinig kong sigaw niya sa akin. Hindi ko siya binigyan ng tingin, sa halip ay itinuon ko ang buo kong atensiyon sa pagtakbo at pagtakas sa pangit na guard na yon. Maya-maya, hindi ko na narinig ang mga pagsigaw niya, indikasyon na malayo na ang aming distansya upang mahanap niya pa ang kinalalagyan ko.
Nanlalambot ang aking mga tuhod na naghanap ng aking mapagpapahingahan ng sandali. Naglakad ng saglit bago ko nakita ang isang puno sa may bandang likuran ng unibersidad. Dumako ang aking paningin sa aking cellphone upang tingnan ang oras. Lalo akong nanlumo ng makita kong halos 30 minutes na akong late sa una kong klase. Nagdesisyon akong sa pangalawang subject na lang ako papasok at magpapahinga na muna ako sa ngayon dahil sobra akong hiningal sa ginawa kong pagtakbo.
Dali akong umupo sa ilalim ng puno. Agad akong nakaramdam ng kaginhawaan ng maisandal ko ang aking likod sa malaking katawan ng puno. Ramdam ko ang init ng sikat ng araw na agad ring pinapawi ng malamig na simoy ng hanginng umaga. Ganito ang mga pagkakataong gusto kong ipikit ang aking mga mata at matulog. Ito ang mga pagkakataon na lagi kong idinarasal sapagkat nakakalimutan ko ang mga problema ko at nakakatakas ako sa miserable kong buhay. Unti-unti ko nang nararamdaman ang antok. Unti-unti nang bumibigat ang aking mga talukap. Nakatulong rin ang malamig na simoy ng hangin na tila ba yumayakap sa aking katawan at sinasabing "magiging ayos din ang lahat."
BINABASA MO ANG
The Bully
RomanceNanlamig ang aking buong katawan ng makita ko ang pares ng berdeng mga mata na nakatingin sa akin. Di ko maipaliwanag ang takot na aking nararamdaman sa oras na ito. Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na pader at na...