Chapter 43

4.6K 202 5
                                    

Gavin's POV

Natatakot ako, nararamdaman ko na ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. Tila paralisado ang buo kong katawan. Bagama't gusto kong tumakbo at isara ang pinto, hindi ko magawa. Nilulukob ng takot ang aking pag-iisip.

Muling may kumatok sa pinto. Mas malakas na ito kumpara sa mga naunang katok. Mas lalong tumindi ang kabang aking nararamdaman. Inilibot ko ang aking paningin, dumako ito sa may bandang kusina. Dahan-dahan akong naglakad patungo rito at daling kumuha ng isang kutsilyo.

Ang kaninang malakas na katok ay biglang naglaho. Marahan akong naglakad patungo sa pinto habang ang aking kaliwang kamay ay mahigpit na nakakapit sa patalim. Nakahanda sa oras na may estrangherong sumugod sa akin upang ako'y saktan.

Hawak-hawak ko na ang doorknob at marahan ko itong pinihit upang buksan ang pinto.

Nang mabuksan ko ito ay may nakita akong malaking bulto ng katawan. Sa sobrang takot ay napapikit ako at iginalaw ko ang aking hawak na patalim sa direksyon ng estranghero.

Nagulat na lang ako nang mabilis nitong tinapik ang aking kamay at sinipa ang aking tuhod, dahilan upang mapaluhod ako.

"Gab," tawag nito sa aking pangalan. Pamilyar ang baritonong tinig ng lalaki kaya naman iniangat ko ang aking paningin. Doon tumambad sa akin ang gulat at nag-aalalang mukha ni Officer Benneth.

Tumayo ako mula sa aking pagkakaluhod at niyakap ang pulis. Naramdaman ko ang marahan nitong pagtapik sa aking likod na tila nagsasabing magiging maayos din ang lahat.

"Natatakot po ako." Humahagulgol kong iyak sa kaniya.

"Anong nangyari, Gab?" Tanong nito sa akin.

Umalis ako sa pagkakayakap sa kaniya at dahan-dahan siyang hinila papasok ng bahay.

Nakita ko kung paano manlaki ang kaniyang mga mata. Marahil ay di rin niya inaasahan ang nasasaksihan niya ngayon. Napansin kong dumako ang kaniyang paningin sa may dingding, kung saan nakasulat ang nakakatakot na mensahe para sa akin.

"May gustong pumatay sa akin." Puno ng takot kong pahayag sa kaniya.

Seryoso siyang tumingin sa akin.

"Nasaan si Laz?" Wika niya. "Kailangan niyang malaman ito." Dugtong pa nito.

Napakabilis ng mga pangyayari sa akin. Nagulat na lamang ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal ang nag-aalalang si Laz.

Nang nagtagpo ang aming mga mata, tila awtomatikong kumilos ang aking mga paa. Tumakbo ako palapit sa kaniya at ikinulong ko ang aking sarili sa mainit niyang yakap habang umiiyak.

"Fuck, are you hurt?" Tanong niya sa akin habang hinahalikan ako sa aking ulo.

"Natatakot ako." Tanging sagot ko sa kaniya.

"I know, I'm already here. No one's going to hurt you now." Bulong niya sa akin. "I won't let them." Seryoso niyang bigkas.

"Hindi na ligtas ang lugar na ito para kay Gab." Saad ng pulis.

Napadako ang atensiyon naming dalawa sa pulis. Marahan at seryoso nitong sinusuri ang paligid. Naghahanap ng mga ebidensiya upang matukoy ang pagkakilanlan ng salarin.

Humarap ito sa direksiyon namin.

"Kailangan mong umalis sa bahay na ito Gab," paalala nito sa akin. "Sa ngayon, wala akong makitang ebidensiya na tutukoy sa pagkakakilanlan ng suspect." Ani pa nito.

"Pero huwag kang mag-alala, magsasagawa kami ng imbestigasyon upang makakalap ng mga ebidensiya."  Mahabang paliwanag nito.

Tila medyo kumalma naman ang aking puso sa aking narinig. Bagama't walang kasiguraduhang mahuhuli ang taong gustong pumatay sa akin, umaasa pa rin ako na magiging matagumpay ang imbestigasyon.

The BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon