Chapter 18

11.8K 359 24
                                    

Kastanyo- Hazel 

Mae-encounter niyo po ang salitang kastanyo as you read this chapter. Kastanyo is Hazel sa wikang Ingles.

Happy reading :)

Gavin's POV

Para akong isang lantang gulay habang nilalakad ko ang daan papunta sa Clifford University. Hapong-hapo ang aking katawan at nararamdaman ko ang bahagyang pagkirot ng aking mga mata dahil sa labis na puyat. Halos alas-tres na ng madaling araw nang matapos ko ang homework na pinapagawa sa akin ni Laz.  Nang matapos ay hindi naman ako dalawin ng antok dahil sa patuloy umiikot sa aking isipan ang pagkamatay ni Mark. Napakabilis ng mga pangyayari. Hindi ko inaasahan na sa loob lamang ng ilang araw ay magbabagong bigla ang takbo ng aking buhay. Hindi ako makapaniwala na simula ngayong araw ay wala na akong amang uuwian sa tahimik naming pamamahay. Alam ko sa aking sarili na hindi matatawag na isang ama si Mark dahil sa mga bagay na ginawa niya sa akin. Subalit hindi matiis ng aking puso na hindi siya ituring bilang aking ama. Baligtarin man ang mundo, pinakasalan niya si mama at siya ang aking stepdad. 

Habang naglalakad ay natagpuan ko na lang ang aking sariling marahang hinahaplos ang kulay lilang bato na nasa kuwintas ni Mark. Wala sa akin ang kwintas na susi, sa pagkakaalam ko bago ako himatayin sa sementeryo ay iniwan ko iyon sa puntod ni Mark. 

Patuloy lang akong naglalakad nang bigla na lang ako makarinig ng isang malakas na busina ng sasakyan. Nagulat ako at napabalikwas. Muntikan pa nga akong matumba dahil sa pagkagulat. Huminto ako sa aking paglakad at napagtanto ko na nasa gitna pala ako ng kalsada. Sa sobrang lalim ng aking pag-iisip ay hindi ko namalayan na dire-diretso ako sa aking paglalakad.

"Hoy! Tangina mo! Kung gusto mong mamatay, doon ka sa bahay niyo. Magbigti ka! Hindi yung idadamay mo pa ako sa kaartehan mo. " Sigaw ng lalaki habang nakadungaw sa bintana ng kaniyang sasakyan.

Nananatili lamang akong nakatayo at nakatitig sa lalaking sumigaw. Hindi ko naigalaw ang aking katawan dahil sa gulat . Muli siyang bumusina ng pagkatagal-tagal at doon na ako muling natauhan. Dali-dali akong nanakbo sa kabilang dako ng kalsada at daling umarangkada ang sasakyan niya paalis.

Napabuntong-hininga ako. Muntikan na akong maaksidente doon. Buti na lang talaga at pumreno siya. 

Ilang minuto pa ang dumaan at nakita na ng aking dalawang mata ang gintong gate ng unibersidad. Dali akong lumapit sa guard upang muling mag-makaawa na papasukin ako dahil hindi pa ibinabalik sa akin ni Laz ang ID ko. 

"Kuya, please papasu-" Naputol ako sa aking pagmamakaawa nang bigla siyang nagsalita.

"Huwag ka nang magmakaawa, mukha ka na ngang pulubi sa itsura mo magmamakaawa ka pa." Punong-puno ng pagkadisgusto na turan sa akin ng matabang guard.

"Sige na, pumasok ka na." Muling sabi sa akin ng guard.

Dali-dali naman akong pumasok sa gate at daling tinungo ang main building. Wala pang masyadong estudyante dahil medyo maaga pa. Natuwa naman ako dahil walang masyadong makakapansin sa akin. Gusto kong manatiling isang anino sa loob ng paaralang ito. Ayokong may makapansin sa akin dahil sigurado akong may masamang mangyayari sa akin kapag nagkataon.

Papasok na sana ako sa entrance ng main building nang mahagip ng aking mata ang taong dahilan ng aking pagkapuyat. Nakita ko siyang prenteng nakatayo sa entrance habang may isang babaeng nakakapit sa kaniyang matipunong braso. Nakatitig sa akin ang pares ng kaniyang berdeng mata at tila hindi niya pansin ang babaeng parang linta kung makakapit sa kaniya. Medyo ikinikiskis pa ng babae ang mala-pakwan nitong dibdib sa mga braso ni Laz pero hindi niya ito tinapunan maski isang titig. Para bang walang epekto ang ginagawa ng babae sa kaniya.

The BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon