Chapter 46

4.1K 190 12
                                    

Gavin's POV

Tahimik akong nakaupo katabi si Laz habang hinihintay na ihain ang iba pang mga pagkain sa malaki at engrandeng lamesa. Nakayuko lamang ako at nakatitig sa aking mga hita habang patuloy sa pakikipag-usap si Laz sa kaniyang ama.

Napasinghap ako sa aking pagkakaupo nang maramdaman ko ang kamay ni Laz na pumatong sa aking hita.

Napatingin ako sa kaniya, nakatunghay siya sa akin habang nakanuot ang kaniyang noo.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalala niyang tanong sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya at binigyan siya ng isang tango bilang sagot.

Nakarinig ako ng isang mahinang pagtikhim, agad dumako ang aking paningin sa lalaking seryosong nakatingin sa aming dalawa ni Laz.

"M-magandang g-gabi po." Kinakabahan at nauutal kong pagbati sa lalaki.

"You're Gab, right?" Tanong nito sa akin habang nakatingin sa akin. Ang mga mata nito ay di kakikitaan ng anumang emosyon. Dahilan upamg tumindi ang kabang namumuo sa aking dibdib.

"O-po, ako po si Gab." Pagsagot ko sa kaniyang tanong.

"I'm guessing, you already knew who am I, and what am I, right?" Muling tanong nito sa akin.

"You know what, for us to live in this kind of world, security is the most important thing." Tila makahulugan niyang pahayag.

"We can't take the risk of having someone being aware of our identity," pagpapaliwanag niya habang nakatingin sa akin.

"And if someone knew, we kill them immediately." Sabi niya sa akin habang nakangisi.

Tila nanigas ako sa aking kinauupuan. Maski ang paghinga ko ay tila tumigil dahil sa labis na takot. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako anumang segundo.

"Sir, you're scaring him." Seryosong sagot ni Laz.

Nagulat ako nang biglang dumagundong ang malakas na pagtawa ng lalaki.

"Hey, Gab... Don't take that seriously. I'm just joking." Sabi nito sa akin habang may matamis na ngiti sa kaniyang labi. "And by the way, welcome to the family." Dugtong pa nito.

Napatingin ako sa aking likuran nang makarinig ako ng mga yabag. Nanlaki ang aking mata nang makita ko si Maam Athena, kasama si Maximus.

Halata sa kanilang ekspresiyon ang gulat. Tila hindi nila inaasahang makikita nila ako ngayon.

"Maam Athena, Maximus... Magandang gabi po." Nagagalak kong bati sa kanila.

"G-gab, a-anong ginagawa mo dito?" Tila kinakabahang tanong ni Maam Athena sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksiyon niya ng makita ako.

"A-ano po kasi-" hindi ko na natapos ang aking sinasabi nang bigla-biglang sumabat si Laz.

"He's my boyfriend, and I want all of you to know that." Diretsong pahayag ni Laz.

Nakita ko sa mukha ni Maam Athena ang labis na pagkagulat samantalang seryoso lamang si Maximus.

"R-really, well congratulations for the both of you." Nagagalak na pahayag ni Maam Athena habang pumapalakpak pa.

"Let's have our dinner now, kanina pa namin kayo hinihintay." Utos naman ng lalaki.

Tinapunan ako ng isang ngiti ni Maam Athena bago siya umupo habang nananatiling seryoso naman ang mukha ni Maximus. Nginitian ko siya subalit, tila hindi na niya ako kilala sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Malamig at seryoso, walang anuman ang makikita sa kaniyang mga mata.

The BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon