"Riz!"
Pagpasok ko palang ng H.U ay nasalubong ko na sa gate sina Bea at Lianne.
"Ang aga niyo ah."
"Ito kasi!" Turo ni Lianne kay Bea. "Ang aga akong ginising. Dapat ay tulog pa ako ngayon."
Magkasama sila sa isang boarding house. Gusto ko din sanang sumama sa kanila pero hindi ko naman inaasahang may ipagagawa sa aking misyon ang mag-asawang Ho.
Tinignan ko silang dalawa pero bumalik ako ng baling kay Bea.
"May bago sayo Bea." Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Medyo pumayat na siya at.."Wala kang suot na salamin."
"Ito kasing kaibigan mo, pinilit akong maglagay na lang ng contact lens."
"Ayoko lang masabihan na may kasama akong nerd." Bwelta naman ni Lianne.
"Bagay sayo." Papuri ko sa kanya. Palihim naman siyang napangiti pero nakita ko parin iyon. "Oh ano na? Papasok ba tayo o dito na lang tayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
Maswerte ako dahil may mga kasama akong kaibigan. Kung mag-isa lang siguro ako ay habang buhay na akong magiging alone sa school na ito.
Naglakad kami sa mahabang hallway. Maaga pa ngunit napakarami ng estudyante.
Sa dulo ng hallway na iyon ay makikita kaagad ang isang malaking bulletin board. Apat ang debisyon ng bawat kahon.
Sa umpisa ay mga Announcements, mga araw at petsa kung kelan ang mga nalalapit ng events.
Ang pangalawa ay ang Courses and student ranking.
Sumimple ako ng tingin sa dalawa kong kaibigan. Abala din sila sa pagtingin sa board.Mabilis kong sinuyod ang bawat pangalan na nandoon pero hindi ko namataan ang pangalang hinahanap ko.
Bakit ba ako umaasang nandito siya sa ranking eh daig pa yata niya ako kung magbulakbol.
Bumaling ako sa pangatlong board. 'Others' ang nakalagay na pamagat ng board na iyon. Mga pictures iyon na pinaghalu-halo. Medyo magulong tignan pero ang cute. May mga memes ang mga pictures na iyon. Nakangiti kong pinagmasdan ang mga nandoon. Parang ang saya-saya namang mag-aral dito sa H.U.
Maya-maya pa ay namataan ko ang isang pamilyar na mukha. Nandoon siya sa bandang gitna. May katabi itong tatlong lalaki sa kanyang kanan, sa kaliwa niya naman ay si Donna. Nakaakbay siya dito.
Tsk!
Nawalan na ako ng ganang tignan lahat. Lumipat ako ng tingin sa pang-apat na board. Nandoon ang mapa ng school.
Ayus! Hindi kami mahihirapang hanapin ang mga papasukan naming subject.
Maya-maya pa ay bumaling ako sa kanila. "Tara muna sa canteen." Yaya ko.
Sabay naman silang bumaling sa akin. Napalingon pa si Bea sa kanyang relo.
"Tara." Si Lianne.
"Hindi ka pa ba kumain?" Tanong ni Bea.
Umiling lamang ako bilang sagot.
"Tsk! Ang yaman yaman ng mga umampon sayo tapos ay walang almusal?"
"Wag ka ngang maingay, Lianne! Kayong dalawa." Turo ko sa kanila. "Walang makakaalam na sa mga Ho ako nakatira."
"Wala namang magtatanong, ano ka ba?" Si Lianne.
Inismidan ko silang dalawa.
Kanina pa kami naglalakad ay hindi parin namin nararating ang canteen.
![](https://img.wattpad.com/cover/144480936-288-k576920.jpg)
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
RomanceIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...