"Wifey!"
"First love ko. Hek!"
Halos sabay na usal ng dalawa na pareho pang napakaway.
"Naku, patay!" Si Lianne.
"Girlfriend ko ba ang tinutukoy mo, pare?" Asik ni Grae kay Liam.
"Girlfriend?"
"Girlfriend ko si Riz."
Bumaling sa akin si Liam. Kahit na lasing ay batid ko ang pagbabago ng kanyang reaksyon.
"Hindi ko ba nabanggit sayo ang pangalan niya?"
Sininghalan siya ni Grae. "Hindi ba si Tanya ang tinutukoy mo?"
Tanya?
Umiling siya saka humiwalay sa pagkakaakbay kay Grae. "Kelan pa naging kayo?"
"Last week." Taas noong sagot ni Grae.
"Tsk! Kapag sinaktan mo siya ulit, aagawin ko siya sayo." Seryosong ani Liam.
"Anong sabi mo?!"
"Kuya, ano bang sinasabi mo dyan. Halika na nga, pumasok na tayo sa loob." Mabilis siyang hinila ni Lianne saka inakay papasok ng bahay.
Kakamut-kamot sa ulo na lamang akong kumaway sa magkapatid. Nang makapasok sila ay agad kong nilapitan si Grae.
"Ikaw ang first love ni Liam?"
Natigilan ako.
"Kailan mo pa siya nakilala?"
Kailangan ko pa bang sabihin sa kanya?
"N-noong unang beses kitang nakita. 'Yun din 'yung araw na nakilala ko siya." Naiilang kong sagot. Wala naman akong dapat na ilihim sa kanya.
Humakbang siya palapit saka niya ako niyakap ng mahigpit. "Hindi mo naman ako ipagpapalit sa kanya hindi ba?"
Batid ko ang pangamba sa kanyang tinig.
"Ano ba 'yang sinasabi mo?"
"Wifey.." Usal niya. "Ako lang 'di ba?"
Para siyang bata.
"Ikaw lang, Hubby." Sinsero kong sagot.
"Sorry sa lahat. Hinding hindi na kita sasaktan ulit. Sorry mahal ko, sorry."
Mahal ko.
Para bang may hatid na kiliti ang mga salitang iyon.
Bahagya siyang lumayo saka ako pinakatitigan.
Hinaplos ko ang pisnge niya. "Grae, wala akong ibang minahal kundi ikaw lang. Ikaw ang una at huling pag-ibig ko tandaan mo yan."
Kitang kita ko kung paano siyang magpigil ng ngiti pero hindi parin niya iyon napigilan.
"Kinikilig ka ba?" Tanong ko.
"H-hindi ah.." Pagkasabi niya niyon ay mabilis siyang pumihit patalikod saka naglakad patungo sa sasakyan.
Binuksan niya iyon para sa akin.
"Oy, kinikilig siya." Tukso ko. "Hubby, nakita ko 'yun! Kinilig ka!"
"Pumasok ka na nga."
Nang makapasok ako sa loob ay mabilis siyang umikot papunta sa driver seat. Binuhay niya ang makina niyon pagkatapos ay bahagyang lumapit sa akin upang ikabit ang aking seatbelt.
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
عاطفيةIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...