BAAAAGGG!!!
Inihagis ko sa kanya ang walang lamang timba. Gumulong ito sa harap niya.
Pagkatapos naming pumunta sa office ni Miss Chua ay dinala niya kami sa guidance office kung saan namamahinga ang Principal.
"Graduating na kayo! Para kayong mga bata!"
Nakayuko lang kaming dalawa habang sinisermonan.
"Bukas, kailangan kong makausap ang mga magulang niyo!"
Patay! Lagot ako kay kuya nito!
"Sorry po. Hindi na po mauulit! Wag niyo na pong papuntahin dito si Inay." Naiiyak na pagmamakaawa ni Lianne.
"Anong gusto niyong gawin ko? Hindi ko mapapayagan ang ganyang mga pag-uugali!"
"Sorry po." Mahina kong sabi. Tumingin ako kay Lianne. "Sorry, Lianne."
"Sorry din."
Hinila ko siya tsaka niyakap..ng mahigpit. Yung hindi siya makakahinga! Pero ginantihan niya lang ako.
Napatikhim ang Principal. "Sana ay hindi na maulit ang ganito."
"Opo." Sabay naming sagot.
"Miss Chua, bantayan mong mabuti ang dalawang 'yan. Sa susunod ay ipapatawag ko na talaga ang mga magulang nila!"
"Opo, Principal."
"Salamat po." Si Lianne.
"Salamat po."
Nakahinga ako ng maluwag ng lumabas na kami ng kwartong iyon.
Hinatid kami ni Miss Chua sa harap ng malawak na garden ng school.
Inutusan niya kaming magdilig ng mga halaman. Lahat ng makita naming halaman.
"Kumilos ka na dyan!" Utos ko sa kanya.
"Ang galing ng drama mo kanina." Nakangising singhal niya.
"Wag kang mag-alala, mas magaling ka!"
"Tsk!" Binuksan niya ang faucet. Umagos ang tubig na iyon sa timba. Kinuha niya ang tabo at isinalok. "Bakit hindi natin gamitin 'yung mahabang hose?"
"Hindi kayang abutin ng hose na 'yun ang lahat ng halaman dito. Kailangan mong mag-igib ng tubig sa timba at buhatin sa malalayong parte."
"Ganun ba?"
Tumingin siya sa akin. Bigla siyang ngumiti. Sumeryoso ako ng mukha. Ang totoo ay bigla akong kinabahan sa ngiti niyang iyon. 'Yun iyong mga ngiti niyang mapanganib.
Dahan-dahan akong napatingin sa hawak niyang tabo na puno ng tubig.
At ayun na nga!
PLASSSSKKK!!!
Ibinuhos niya ang laman niyon sa mukha ko!
Nasinghot ko ang kaunting tubig na ibinuhos niya kaya naubu ako ng husto.
"Wahahahahahahhhh!!!!!" Salo niya ang sariling sikmura. Halos mamatay siya sa kakatawa.
Pinahid ko ang basa kong mukha ng mahimasmasan ako.
Bruha talaga!!!
Agad kong binuhat ang timbang nakasahod. Halos puno na iyon.
Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pagbuka ng bibig niya.
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
RomanceIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...