27

109 8 0
                                    

Wala na akong sinayang pang sandali. Bumalik ako kaagad sa Blue Horizon para ayusin ang mga gamit ko.

Naisip kong mas makakabuti na umalis muna. Mas makakabuti sa aking sundan si Donna sa Europe. Para makapagpahinga. Para makalimot.

Siguradong masusurpresa siya sa pagdating ko. Kinuha ko ang lahat ng impormasyon kung saan ko siya makikita maging ang schedule ng art exhibit niya.

Hindi pa man sumisikat ang araw ay nakarating na ako kaagad ng Barcelona.

Nasasabik na akong makita siya.

Iniwan na ako ng tatlong babaeng mahalaga sa buhay ko. Si Donna na lamang ang natitira sa akin.

Excited akong makita siya. Alam kong kapag nakita ko siya ay gagaan ang bigat ng nararamdaman ko.

Inihatid ako ng sasakyan sa harap ng isang prestihiyosong hotel sa Barcelona kung saan siya tumutuloy. Nag-check in ako sa lobby. Nang mapirmahan ko iyon ay agad akong dumiretso sa kwarto na kalapit ng sa kanya.

Nag-ayos ako ng sarili ko bago ko pindutin ang doorbell ng kanyang kwarto. Ilang minuto akong naghintay doon pero hindi niya ako pinagbuksan. Siguro ay tulog pa siya. Mamaya na lang ulit ako babalik.

Naglakad ako palapit sa aking kwarto. Pinihit ko ang pinto niyon saka ako pumasok. Pero hindi pa man ako nakakapasok ng tuluyan ng marinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Ang saya-saya ko talaga."

Napangiti ako ng marinig ko ang boses niya.

"Thank you, baby."

Pero ang ngiting iyon ay agad ding nawala. Baby?

"You're always welcome my princess."

Pakiramdam ko ay huminto ang mundo. Ang boses na iyon. Hindi! Hindi ito maaari.

"Sayang at ilaw araw lang tayong makakapagbakasyon dito. Pero sana, ulitin natin 'to."

"Oo naman. Kelan mo ba gusto?"

"Hmmm...? Next month?"

"Sure, kahit nga pagkatapos ng graduation ay pwede na tayong bumalik dito."

"Oo nga pala. Next week na yun. I'm so proud of you baby. I love you."

"I love you more."

Pakiramdam ko ay unti-unti akong nauupos na parang isang kandila. Iniling iling ko ang ulo ko. Hindi ito totoo.

Gusto kong magwala. Pakiramdam ko ay sasabog ako. Pero pinigilan ko ang sarili ko.

Kailan pa, Donna? Kailan niyo pa ako niloloko ni Kurt.

Masakit. Sobrang sakit. Nasalo ko ang sarili kong dibdib. Hindi ko ito inaasahan. Hindi ako makapaniwala.

Marahan kong isinara ang pinto ng aking kwarto. Wala na akong lakas. Pabagsak akong napaupo sa sahig. Gusto kong sumigaw. Gusto kong umiyak pero para bang naubos iyon ng ganun kadali.

Masakit na masakit. Durug na durog ako.

Ilang sandali pa ay tumayo ako saka ako naglakad palapit sa aking maleta. Hinablot ko iyon saka hinila palabas.

Wala na akong dahilan para magtagal pa dito. Pero hindi ako nagsisisi sa pagpunta ko dahil ngayon ay nalaman ko na ang panlolokong ginagawa niyo.

Naglakad ako palabas ng hotel na iyon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala sa sariling pumara ako ng sasakyan papunta ng airport.

Ilang oras na akong nanduruon. Para na akong mababaliw. Paulit-ulit kong naririnig ang pagtataksil nilang dalawa sa akin. Kumikirot na ang ulo ko sa kakaisip.

WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon