Nakarating kami ng ligtas sa mansyon. Ang akala ko ay katapusan ko na.
Para kaming nakipaghabulan kay kamatayan.Buhay pa ba ako?
Sapo ko ang sariling dibdib. Halos mangatog ang buo kong katawan sa takot.
Madali kong tinanggal ang seatbelt na iyon.
"Natakot ka ba?"
Lalabas na sana ako ng mag-salita sya. Natigilan ako habang nakahawak sa pihitan ng pinto ng sasakyang iyon.
Ang tono ng boses nya ay banayad ngunit may ibang pahiwatig. Lumingon ako sa kanya.
"Hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan kung bakit naikasal si Anika sa kuya mo." Usal niya habang tinatapik-tapik ang manibela. Napasinghal sya saka makailang ulit na umiling. "I mean, anong mapapala nya sa pagpatol sa kuya mo? Dahil lang sa buntis sya at si Summer ang ama?"
Agad akong pinangunutan ng noo.
"Medyo mahina ang utak ni Anika pero hindi ko akalaing isa siyang tanga." Natatawa niyang sabi. "Pupulot na lang sa basura ng taong bubuntis sa kanya ay pumili pa ng mas mahirap pa sa daga." Agad syang napabaling sa akin saka umismid.
Hindi ko akalaing ganito sya kasakit magsalita.
"Ikaw, hanggang kailan mo balak manatili sa mansyon? Ahhh...mali, mali ang tanong ko. Magkano ang kailangan niyo ng kuya mo?"
Pinaningkitan ko sya ng mga mata. Ang totoo'y gustung gusto ko na syang suntukin. Kinuyom ko ang aking kamao. "Hindi namin kailangan ng pera nyo."
"Marami na akong narinig na ganyan."
"Hindi kami kagaya ng iniisip mo."
Kailangan kong pigilan ang sarili kong emosyon. Gusto kong umiyak pero mas gusto ko syang sapakin!
"Huwag kang mag-alala. Aalis ako sa lalong madaling panahon." Buong tapang ko syang tinitigan sa mga mata.
Nagkamali ako. Pinaniwala ko ang sarili ko na mabuti syang tao pero nagkamali ako. Siya na yata ang pinakamasamang lalaking nakilala ko.
Agad kong itinulak ang pinto ng sasakyang iyon. Kasabay ng pagbaba ko ay ang pag-guhit ng mga luhang hindi ko napigilang kumawala sa aking mga mata.
Dumiretso ako sa aking kwarto. Halos takbuhin ko iyon sa aking pagmamadali dahil ayokong abutan niya ako.
Marahan kong isinara ang pinto. Napasandal ako doon. Hindi ko alam kung kailan ako huling umiyak ng ganoon. Parang naipon ang lahat ng luha ko sa mahabang panahon at ngayon ay hindi na iyon mapigil sa pagdaloy.
Naglakad ako at umupo sa malambot na kama. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwartong iyon.
Hanggang ngayon ay namamangha parin ako sa ganda niyon. Pero ginising nya ako sa katotohanang hindi ako nababagay sa mundong iyon.
Basura.
Pinahid ko ang aking mga luha.
Hinugot ko ang isang maliit na kahon sa ilalim ng aking kama. Binuksan ko iyon. Nandoon ang mga natuyong bulaklak ng sunflower kasama ng pulang kahon.
"Para kang araw.." Hinaplos ko ang talulot niyon. "..at ako naman ang ulan. Ang araw ay nababagay sa tulad niyang nakasabit sa kalangitan. Samantalang ako ay nakatadhana lang na bumagsak sa lupa."
Muli kong isinara iyon. Binitbit ko iyon palabas. Nasa hagdan pa lamang ako ng masalubong ko siya ngunit hindi ko man lamang siya binalingan.
"Aalis ka na agad? Pinasundo ka sa akin ni lola. Baka naman sa akin ka nila hanapin kapag nawala ka na lang bigla?"
Usal niya pero hindi ko siya pinansin.
![](https://img.wattpad.com/cover/144480936-288-k576920.jpg)
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
RomanceIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...