"Anong ginagawa niyo dito?" Maang na tanong ni Bea.
"Ayaw magpaawat ng kaibigan mo." Sagot ko saka umupo sa harap ng lamesa.
Pinagmasdan ko ang paligid ng unuupahan nila.
Open space ang bahay na iyon. Pagpasok mo ay makikita mo agad ang dalawang kama sa bandang gilid. May maliit din na pinto doon kung saan lumabas si Bea na bagong ligo. Sa gitna ay ang kanilang sala. Nakaharap ang dalawang maliit na sofa sa isang maliit na t.v. May mga stereo at cd player. Sa kabilang gilid naman ay ang kanilang kusina. May sink at lutuan. May maliit din silang refregirator. Nandoon din ang kanilang lamesa na may tatlong upuan.
"Para sa akin ba itong isang upuan?" Tanong ko.
Inilapag ni Lianne sa mesa ang mga pagkain na binitbit niya galing sa ospital. Hindi ko siya tinulungan. Binitbit niya ang lahat ng iyon.
"Hindi." Sagot niya.
"Wag ka ng magpakipot. Para sa akin 'to eh." Nakangiti kong sabi saka ako dumampot ng mansanas. Kakagatin ko na iyon ng bigla niyang agawin.
"Kay Kuting yan."
"Kuting? Sinong kuting? May pusa kayo?"
"Kuting!" Tawag naman ni Bea.
Maya-maya pa ay lumabas ang isang kumakawag-kawag na tuta. Oo tuta!
Hinimas himas ni Bea ang ulo niyon.
"Bakit kuting?"
"Gustung-gusto ni Bea ng pusa pero hindi pwede dahil may hika siya kaya ayan binigyan ko siya ng tuta. Kunyari na lang pusa." Si Lianne.
"Tsk! Saan mo naman pinulot yan?"
"Dyan lang sa kapit bahay."
"Tsk! Taba ng utak mo ah."
"Ako pa ba?" Ngiting ngiting sabi nito saka kumagat sa mansanas. "Hmm..ang tamis nito ah..salamat!"
"Wag kang magpasalamat sa akin. Hindi ako ang bumili niyan."
"Ha? Sino?"
"Si Vince!" Si Bea.
"Sinong Vince?"
"Yung bumangga sayo kanina." Sagot ko. "Yung kalaban mo sa titigan contest."
Kumunot ang noo niya. Nag-isip. Maya-maya pa ay nanlaki ang mga mata niya.
"Yung..yung!!!"
Tumangu-tango ako.
"Aaaaaahhhhh!!!!" Tili niya.
Gulat kaming napabaling sa kanya. Halos magtatatalon siya sa tuwa.
"Tinamaan ba yan sa ulo?" Bulong ni Bea.
"Dati ng may tama yan sa ulo."
"Ano ba kayo!" Kumikislap ang mga mata nitong niyakap ang sarili. "Vince."
"Uuwi na ako. Painumin mo ng gamot yang kaibigan mo baka matuluyan."
Tumangu-tango naman si Bea na hindi inaalis ang tingin kay Lianne.
"Gummybear, uuwi ka na?"
Gummybear.
"Tsk! Baliw!" Dinampot ko ang isang mansanas sa mesa saka dumiretso sa pinto palabas.
"Riz, mag-iingat ka." Si Bea. Kumaway-kaway pa ito.
"Sige, kita tayo bukas."
Naglakad ako ng mag-isa papunta sa waiting shed kung saan dumadaan ang mga bus. Hinugot ko sa bulsa ang cellphone ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/144480936-288-k576920.jpg)
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
RomanceIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...