32

104 10 0
                                    

Grae's POV

"Mapapatay kita!!!!!" Galit na galit na sigaw ni Lianne. Para itong lion na umatungal at handa ng lurayin ang buo kong katawan.

Mahigpit siyang napakapit sa kwelyo ng aking damit. Pero hindi ako nagpasindak.

"Lianne, tama na yan!" Awat ni Vince.

"Mapapatay kita kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko!" Pagbabanta nito. Patulak niya akong binitawan saka siya dumiretso sa pasilyo ng ospital na iyon.

Nakita ko kung paano siyang mataranta ng makita ang pagbagsak ni Gummybear at mawalan ng malay.

Pero doble noon ang naramdaman ko.

"Riz, bakit bumangon ka na? Okay kana ba?" Tanong ni Vince.

Agad akong napalingon sa kanya. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko ng makita siya.

Gusto ko siyang tanungin kung okay lang ba siya, kung may masakit ba sa kanya o kung may kailangan siya.

Pero para siyang hangin na dumaan sa aking harapan na para bang hindi niya ako nakita.

"Uuwi na kami. Ihatid mo na kami sa Maynila." Usal ni Lianne kay Vince.

"S-sige, pero okay na ba siya?"

"Okay na ako." Maikling tugon ni Gummybear.

Batid ko ang lungkot sa kanyang tinig.

"Ah Grae, baka gusto mong sumabay na din--"

"Vincent! May nakikita ka ba na hindi namin nakikita?" Sarkastikong tanong ni Lianne. "Tayong tatlo lang ang nandito."

Galit siya sa akin. Hindi ko siya masisisi.

"Tara na." Mahinang usal ni Gummybear.

Ngunit bago pa man siya makalayo ay hinabol ko siya at pinigilan. Inabot ko ang kamay niya pero agad niya iyong hinawi.

"Riz, I'm sorry." Sinsero kong sabi.

Tumangu-tango siya. Ngunit hindi man lamang siya bumaling sa akin.

Bahagya siyang ngumiti ngunit batid ko ang sakit sa kanyang mga mata.

Sa unang pagkakataon naranasan kong maramdaman ang sakit na iyon. Ang sakit na ako ang nagpadama. Sa unang pagkakataon naranasan kong masaktan ng dahil sa kanya.

"Huli na ba ang lahat?" Mahina kong tanong.

"Huli na." Walang alinlangan niyang sagot.

Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa. Huli na.

🌻🌻🌻
RIZ'S POV

Nakarating kami ng Maynila ng hindi ko namamalayan. Natulog ako sa buong byahe pero pag-gising ko ay hinang hina parin ako. Ginaginaw ako at napakasakit ng ulo ko.

"Huli na ba ang lahat?"

Hindi ko parin maisip kung bakit ako nagpakatanga ng sobra sa kanya.

"Riz, mabuti naman at gising ka na. Okay kana ba?" Tanong ni Lianne. "Nandito na tayo." Kasabay niyon ay ang pagtigil ng sasakyan.

Inayos ko ang sarili ko. Marahan kong pinihit ang pintuan ng sasakyan. Lumabas ako ng hindi pinapahalata na masama ang pakiramdam ko.

Hinintay kong makalabas si Lianne.

"Salamat sa paghatid." Maangas na sambit nito.

"Basta ikaw." Nakangisi namang turan ni Vince. Nakadungaw ang ulo nito sa bintana ng kanyang magarang sasakyan.

WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon