7

119 11 0
                                    

Maaga akong pumasok. Inihatid ako ng magarang sasakyan ng mga Ho. Ang sabi ko ay kaya ko namang magjeep pero nagpumilit parin si ate Anika na ipahatid ako. Sinabi pa niyang sasamahan ako ng mga bodyguards hanggang makauwi pero tumanggi na ako.

Nagpababa ako mismo sa kantong papasok papunta sa bahay namin.

Tinignan ko ang relo ko. Masyado pang maaga. Siguro ay kung sa dating bahay pa namin kami nakatira ay tulog parin ako hanggang ngayon. Nakakahiya din kasing gumising ng tanghali lalo't hindi naman namin bahay yun. Nakakailang, parang lahat ng kilos at galaw namin ni kuya ay may nakamasid. Hindi ko alam kung paano akong makakatagal sa mansyong iyon.

Nakakalungkot pa dahil mula noong makasabay kong kumain si Sunflowerman ng lumipat kami sa mansyon ay hindi ko na siya ulit nakita.

Buong akala ko ay araw-araw ko siyang masisilayan.

Haay!!!

Naglakad ako palapit sa bahay namin.
Pinagmasdan ko iyon. Ilang araw palang pero miss na miss ko na ang bahay namin.
Maya-maya pa ay may lumabas na babae mula sa gate. May bago ng nakatira.

"Riz!"

Napabaling ako sa pamilyar na boses na iyon. Si Lianne. Ilang araw ko siyang hindi nakita.

"Buti naman at pumasok ka na." Nakangiti siya habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ayos ah!"

"Tsk!" Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko siya pinansin. Naglakad ako at sumunod naman siya.

"Hindi ka late ngayon. Kung kailan malapit na ang graduation." Binilisan niya ang lakad niya tsaka naglakad ng paatras habang nakatingin sa akin. Napakawerdo ng ginagawa niya. "Bakit nga pala hindi ka pumasok ng ilang araw?"

"Nag-diarrhea ako."

"Tibay mo ah. Hindi ka pumayat lalo kang tumaba." Tatawa-tawa niyang sabi saka umayos ng lakad.

"Anong plano mo pagkatapos ng graduation?" Tanong ko para maiba ang usapan.

"Kailangan kong magtrabaho habang bakasyon."

Bigla akong napabaling sa kanya. "Saan naman?"

"Sa coffeeshop ng isang kaibigan ni Papa."

"Pwede ba ako dyan? Isama mo naman ako."

"Sige ba. Para may kasama ako."

"Ako? Hindi niyo ba ako isasama?"

Sabay kaming napalingon sa likod. Si Bea.

🌻🌻🌻

"Rainy Riz Sanchez."

Mula sa mikropono ay tinawag na ang pangalan ko. Kinakabahan talaga ako.

"Riz!" Tawag ni kuya.

Aligaga akong tumayo. Inayos ko ang toga ko. Nagmadali akong lumapit sa kanya.
Humawak ako sa braso niya tsaka kami nagmartsa papunta sa itaas ng stage.

"Ito na yata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko." Kumikislap ang mga mata ni kuya.

Nang makarating kami sa gitna ay iniabot ng Principal kay kuya ang diploma.

"Congratulations!" Nakangiting bati ng Principal. Kinamayan niya kaming dalawa.

"Baby, baby, isang picture muna dyan." Si ate Anika. Nasa baba siya ng stage. Mukha siyang artistang kumukuha ng picture para sa charity program.

WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon