Grae's POV
Hi! I'm Grae Andrew Ho. 23. Mayaman, gwapo, matalino. Nasa akin na ang lahat. I can easily get whatever I want in just a flick of my fingers.
Walang babae ang hihindi sa isang tulad ko.
Ngunit kagaya ng ibang normal na tao ay naranasan ko din ang malungkot na yugto ng buhay, ang mawalan ng ina sa mismong araw ng pagluwal niya sa amin ng aking kakambal. Namatay si mommy noong ipanganak kami ng kambal kong si Gillian. Gayun pa man ay minahal kami ng husto ni Dad. Pinalaki sa karangyaan.
Pitong taon ako ng ipakilala niya sa amin si Margarette. May anak ito sa pagkadalaga, si Vienna Marlia na si Yumi Anika Ho na ngayon. Halos magkasing-edad lamang kami. Nagpakasal si Dad at Margarette ng sumunod na taon. Itinuring namin silang parte ng pamilya at gayun din sila.
Masaya kami noon. Buo ang pamilya. Ngunit dumating ang araw na pinakakinatatakutan ko. Maraming beses kong hiniling na sana ay masamang panaginip lamang ang lahat ngunit hindi iyon nangyari. Hindi ako nagising sa bangungot na iyon.
Naaalala ko pa kung paano kong paliparin ang kotse ko makarating lang ako sa bahay.
Pakiramdam ko ay kalahati ng katawan ko ang unti-unting nauupos sa bawat hakbang ko sa hagdan paakyat. Tumakbo ako ng mabilis. Nakaawang ang pinto ng kwarto niya ng makarating ako sa tapat niyon. Makailang ulit ko siyang tinawag ngunit wala akong narinig na sagot.
Dahan dahan kong itinulak ang pinto ng kanyang kwarto. Magulung magulo iyon. Muli ko siyang tinawag. Mula sa banyo ay narinig ko ang mahinang patak ng tubig.
Kinatok ko ang banyo niya. Nakalock iyon. Habang tinatawag ko ang pangalan niya ay unti-unti akong binabalot ng kaba. Kabang noon ko lamang naramdaman sa buong buhay ko.
Kinalampag ko iyon ng kinalampag ngunit wala akong narinig na sagot. Sinipa ko ang pinto niyon ng buong lakas. Sa pagbukas niyon ay tumambad sa aking harapan ang nakalubog na katawan ni Gillian sa bath-tub.
Pakiramdam ko ay biglang sumikip ang dibdib ko. Iniling-iling ko ang ulo ko. Hindi ito totoo. Makailang ulit akong humakbang upang makalapit sa kanya. Hinawakan ko siya. Pinakiramdaman ang malamig niyang katawan.
"Gillian, nandito na si kuya."
Pero huli na ang lahat. Nahuli ako sa pagsagip sa kanya.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Nagmakaawa akong bumalik siya. Na wag niya akong iwan. Pero hindi niya ako pinakinggan. Bumitaw siya ng ganun lang kadali.
Sobrang sakit. Ang akala kong yaman na makapagliligtas sa amin sa lahat ng pagkakataon ay binigo ako. Ibigay ko man ang lahat ng iyon ay hindi ko na mababawi pa ang buhay ng aking kapatid.
Nagmahal siya sa murang edad at nasaktan din ng dahil doon. Iniwan siya ng lalaking nakabuntis sa kanya. Oo, dalawa ang nawala sa amin. Si Gillian at ang batang ipinagbubuntis niya.
Masakit mang tanggapin ay kailangan. Nagpatuloy ang lahat. Muling nagbagong buhay ang lahat. Ngunit ako. Naiwan akong mag-isa sa pagkakalugmok ng pagkawala niya.
Hindi ko kayang tanggapin ang sinapit niya. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nakikilala ang lalaking gumawa niyon sa kapatid ko. Hindi ako titigil hanggat hindi ko naipaghihiganti ang kamatayan ng kakambal ko.
Ilang taon na ang lumipas pero pakiramdam ko ay parang kahapon lang ang lahat. Ang sakit ay ganung ganun parin. Hindi nabawasan at lalo lang nadagdagan. Ginawa ko ang lahat upang makalimot ngunit patuloy ko lang naaalala ang sakit ng pagkawala niya.
Babae, sugal, alak at barkada. Lahat yata ay nasubukan ko na. Ngunit walang nagbago sa buhay ko. Lalong lumalala, lalong nasisira.
Si Dad ay lalong naging abala sa trabaho. Isa siya sa mga taong sinisisi ko sa pagkawala ni Gillian. Nawalan siya ng panahon sa amin. Ang mahalaga lang sa kanya ay ang pagpapayaman.
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
RomansaIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...