Riz's POV
Takut na takot ako.
Habang nararamdaman ko ang mga sipa at suntok sa katawan ko ay paulit-ulit kong naaalala ang mga taong mahal ko.
Kung ito na ang katapusan ng buhay ko ay masaya akong papanaw. Wala akong magiging pagsisisi.
Si kuya..
"Suntukin mo ako!"
Suntok.
"Lakasan mo."
Suntok.
"Lakasan mo pa!!!"
Suntok.
"Ahhhh!!! Bakit mo ako sinuntok sa mukha!!!!!!"
Si Ate Anika...
"Okay sissy, smile!"
CLICK! CLICK! CLICK!
Si Bea...
"Ang lapit lapit lang ng bahay niyo nalilate ka pa."
Si Lianne...
PLASSSSKKK!!!!
"Teka, anong gagawin mo?"
REVENGE!!!
Si Liam...
"Sa pangatlong beses nating pagkikita ihaharap na kita dito."
At si Grae...
"Sa kalye mo rin ba natutunan ang manghalik?"
"Kalimutan na natin."
"K-kalimutan?! Alam mo bang halos mabaliw ako kakaisip---bakit ba ako nagpapaliwanag..Hindi mo pwedeng halikan na lang basta ang gusto mong halikan!"
"Ginawa ko 'yun dahil gusto kita!"
"Anong sabi mo?"
"Gusto kita."
"Hindi kita magugustuhan kahit kailan."
"Sinabi kong gusto kita pero hindi ko sinabing gustuhin mo rin ako."
--
"Kahit kailan ay hindi siya naging sayo dahil akin siya!"
--
"Naniniwala ka ba sa love at first sight?"
"Oo, pero hindi naman totoong nagkakatuluyan sila kahit pa magtama ang mga mata nila sa unang beses nilang pagkikita."
"Ipapakita ko sayong posible iyong mangyari."
--
"Gummybear, mahal kita. Hintayin mo sana ako."
--
BLAAAAAAAGGGGGG!!!!!!!
"Aaaaaaahhhhhh!!!!" Namimilipit kong daing habang paulit-ulit akong sinisipa at sinusuntok ng mga lalaking hindi ko kilala.
Bigla na lamang nila akong hinarang ng makalabas ako sa Shinzan hotel at dinala sa airport.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero sumunod ako sa lahat ng utos nila dahil pinagbantaan nila akong papatayin ang pamilya ng kuya ko kasama ng mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
RomanceIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...