53

72 8 0
                                    

Hindi ako lubos na makapaniwala.

Si Zydrick. Si Zydrick ang tunay na ama ng ipinagbubuntis ni Hanna.

Hindi ko alam kung paano iyon nangyari pero hindi iyon impossible.

Maraming beses ko ng nakasama si Zydrick. Alam niya ang takbo ng buhay ko. Matagal ko siyang nakasama sa America. Mula noong mag-umpisa ako sa pag-upo sa posisyon ni Daddy at magpagsahanggang ngayon. Hindi ko lang siya itinuturing na kanang kamay sa negosyo kundi isang tunay at mapagkakatiwalaang kaibigan.

Pero paano? Alam kong wala silang relasyon ni Hanna.

Hindi! Maaari kayang....trinatraydor ako ni Zydrick?!

Sana ay mali ang hinala ko.

Tiim bagang akong naglakad. Halos hindi ko namalayang nakalabas na ako ng Shinzan hotel.

Gustuhin ko mang sumunod sa ospital at alamin ang totoo ay mas itinutulak ako ng sarili kong hanapin si Gummybear.

Agad akong sumakay sa aking kotse. Pinaharurot ko iyon papunta sa kanyang condo pero wala na siya doon maging ang mga gamit niya.

Para bang ang bangungot na kinatatakutan kong mangyari ay nagkatotoo na.

Mabilis akong tumakbo palabas hanggang sa marating ko ang aking sasakyan. Idinial ko ang number ni Gummybear pero hindi ko na iyon matawagan.

Kakaibang kaba ang unti-unting bumabalot sa aking katawan.

Gummybear!

Hinanap ko siya sa lahat ng lugar na maaari niyang puntahan kagaya noong unang beses na mawala siya pero hindi ko siya nakita.

Gummybear, nasaan ka na?!

Nagpupuyos ang damdamin ko. Natatakot ako.

"Grae..

"Hmn?"

"Mahal kita. Ano man ang mangyari, mahal kita."

"Alam ko." Hinagkan ko ang kamay niya. "Ipangako mo sa aking hindi mo na gagawin 'to. Ipangako mo sa aking hindi mo ako iiwan."

Marahan siyang bumangon sa pagkakahiga. "Mawala man ako nasayo parin ang puso ko."

"Ano bang sinasabi mo--" Usal ko pero hinagkan niya ako para pigilan. Alam niyang hindi ko makakaya kapag nawala siya sa akin.

Napapikit ako para namnamin ang halik na iyon saka ko marahang hinaplos ang kanyang pisnge pero agad din akong natigilan ng maramdaman ko ang likidong dumaloy sa aking kamay.

Dahan dahan akong nagdilat ng mga mata. Nakita ko ang pagdaloy ng kanyang mga luha.

"Why?" Nag-aalalang tanong ko.

Umiling siya saka iyon pinahid. Bahagya siyang ngumiti. "Masaya lang ako. Masaya ako dahil dumating ka sa buhay ko." Napayuko siya. Batid ko ang lungkot sa kanyang tinig. Napasinghap siya saka bumaling sa akin. "Ikaw ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko."

Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko'y may iba iyong ibig sabihin. Para bang nagpapaalam na siya sa akin. Ayoko iyong isipin dahil hindi ko iyon makakayang mangyari.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Para bang ano mang oras ay bigla na lamang siyang mawawala at hindi na magpapakita.

Ngayon lang ako natakot ng ganito.

WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon