40

70 11 5
                                    

"Mahal kita, Gummybear. Mahal kita. Sana hintayin mo ako."

"Nakauwi na si Grae last week hindi ba?"

"Ikaw, anong gagawin mo? Paano kung bumalik na siya?"

Ano ang gagawin ko ngayong nasa harap ko na ang taong hinintay ko ng kay tagal.

Aatras ba ako o tatakbo palapit sa kanya?

Hindi ko alam.

Maraming beses kong pinangarap na muli ko siyang makita. Pero bakit ngayong nasa harapan ko na siya ay hindi ko magawang lumapit sa kanya? Tumatalon ang puso ko sa kagalakan pero bakit? Bakit ako nasasaktan?

Hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng aking mga luha. Nilulunod ako ng emosyong nararamdaman ko.

Tatakbo na lang ba ako palayo? Pero paano gayong batid kong nakapako na ang paningin niya sa kinaruroonan ko.

Mula sa kanyang kinauupuan ay nakita ko kung paano siyang dahan dahang mapatayo.

Hindi ko alam kung gaano katagal naming pinagmasdan ang isat-isa. Napakalapit niya na ngayon pero para bang napakalayo parin ng agwat niya sa akin.

Humakbang siya ng ilang ulit papalapit pero agad din siyang natigilan sa pagdating ng isang babae.

Napalunok ako ng makita ko kung paano siyang yakapin ng babaeng iyon at bigyang ng isang masuyong halik sa pisnge. Ngumiti siya sa babaeng iyon na para bang hindi niya ako nakita.

Napayuko ako. Ngayon ay alam ko na ang lahat ng sagot sa mga katanungan ko. Ang lahat ng bakit na gumugulo sa isipan ko.

Pinahid ko ang mga luhang dumaloy sa aking pisnge saka ako naglakad papalapit sa kanila.

Habang lumalapit ang distansya ko sa kanya ay pabilis naman ng pabilis ang tibok ng aking puso. Para bang sasabog na iyon sa sakit.

Nang tumapat ako sa harapan nila ay muli ko siyang binalingan hanggang sa mapako ang paningin namin sa isa't-isa pero agad ko rin iyong binawi. Dumaan ako na para bang hindi ko rin siya nakita.

Lumapit ako kay Liam. Bahagya ko siyang inuga. "Liam." Tawag ko sa kanya.

Agad naman siyang napabaling sa akin. Gegewang-gewang na ang ulo niya sa kalasingan. Umangat ang kilay niya ng makita ako. "Rainy Riz." Nakangiting usal niya.

"Umuwi na tayo."

Nakangiti niya akong pinagmasdan. "Ang tagal kitang hinanap." Anas niya. "Nakita rin kita."

"Lasing ka na, iuuwi na kita."

"Riz, hindi mo na ba talaga ako natatandaan? Ako si Liam.."

"Ikaw nga si Liam." Sagot ko sa kanya.

"Maaalala mo rin ako." Lasing na siya.

"Halika na." Inalalayan ko siya sa pagtayo.

"Who are you? Ikaw ba ang kapatid ni Liam?"

Binalingan ko ang babaeng iyon pero hindi ko na siya sinagot pa. Ang gusto ko na lang ay ang makaalis sa lugar na iyon.

Nang makalabas kami ng bar na iyon ay marahan ko siyang inalalayan papasok sa loob ng aking sasakyan. Tulog na siya.

Habang nagmamaneho ay hindi ko na napigilan pa ang mapahikbi. Ayokong marinig iyon ni Liam kaya naman pinihit ko ang audio ng aking sasakyan.

Ang sakit sakit!

Hindi ko akalaing magiging ganito kasakit ang muli naming pagkikita.

Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw.

WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon