"Sa isang araw ay pasukan na at gusto kong batiin ka ngayon pa lamang dahil alam kong pagbubutihin mo ang iyong pag-aaral."
Yumukod ako upang magpasalamat. "Salamat po, President Ho."
Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang hindi masayang ang tiwala at pagkakataong ibinigay nila sa akin para makapag-aral.
Isang tipid na ngiti ang itinugon niya sa akin. "Hindi ko na patatagalin pa ang usapang ito, hija. May nais sana akong ipakiusap sayo."
"A-ano po 'yun President?" Maang kong tanong.
"Si Grae."
Si Grae?
Pakiramdam ko'y may diperensya na ako sa pandinig. "P-po?" Utal kong tanong.
"Napakatigas ng ulo ng batang iyon." Wika niya na napahawak sa kanyang noo. Bahagya niya iyong hinilot. "Huling taon niya na ngayon sa kolehiyo pero para bang hindi parin siya nagseseryoso." Tumikhim siya saka bumaling sa akin. "Gusto ko sanang humiling sayo ng isang pabor, hija. Ang nais ko ay bantayan mo siya sa kanyang mga kilos."
"A-ano po?"
"Oo, hija. Gusto ko sanang ipaalam mo sa akin ang lahat niyang ginagawa." Tumayo siya saka makailang beses na humakbang na para bang napakalalim ng iniisip. "Siya lamang ang aking tagapagmana. Ang papalit sa aking posisyon at mamamahala sa lahat ng aming mga ari-arian ngunit hindi ko alam kung kaya kong ipagkatiwala sa kanya ang lahat ng iyon."
Para bang bigla akong kinilabutan dahil sa pabor na iyon. Hindi ko maisip na magbabantay ako ng lalaking saksakan ng yabang. "Pero President Ho, hindi ko po alam kung paano ko po iyon gagawin."
"Wala kang ibang gagawin hija. Ipapaalam mo lamang sa akin ang lahat niyang ginagawa. Sa gayun ay masupil ko pa ang katigasan ng kanyang ulo."
Gusto niya ba akong mag-spy sa sarili niyang anak? Mayaman naman sila, bakit hindi nalang sya mag hire ng imbistigador!
"Maaasahan ba kita, hija?"
Kung alam mo lang Mr. President, ayoko ng makita pa ang pagmumukha ng anak mong iyon tapos ay babantayan ko pa lahat ng gagawin niya. Mababaliw na yata ako!
Ngunit naisip kong ito lamang ang magagawa ko para mabayaran ang kabutihan nila sa akin. Kahit labag sa kalooban ko ay kailangan ko itong gawin.
Tumango ako sa Presidente. Gumuhit ang ngiti nito sa labi. Ang totoo'y ngayon ko lamang siya nakitang ngumiti ng bukal sa kanyang puso.
Napaka-priceless!
Napakaswerte ni Grae dahil may mga magulang pa siya. Bagay na hindi ko naranasan sa paglaki ko. Batid kong mahal na mahal siya ni President Ho kahit pa parang napakalayo ng loob nito sa ama.
"Bukas ay pasasamahan kita kay Margarette."
Kay Misis Ho.
"Ayusin mo na ang lahat ng iyong mga gamit."
🌻🌻🌻
"GET OUT!!!!!!!!!!!"
Gulat ko siyang binalingan ng hablutin niya ang aking maleta saka siya mabilis na naglakad palabas ng pinto.
Halos lumuwa ang mga mata ko ng ihagis niya iyon sa labas. Galit na galit siya at talagang nakakatakot iyong makita.
Ngayon pa lamang ay gusto ko ng tumakbo pauwi. Natatakot ako sa maaring sapitin ng buhay ko kapag nagtagal pa ako dito.
"Grae Andrew!!!" Sigaw sa kanya ni Misis Ho.
"Get out!!! Kung ayaw mong kaladkarin kita sa labas ay umalis kana!" Galit na galit niyang sigaw sa akin. Halos dumagundong iyon na para bang atungal ng lion.
"Grae!!!!!" Si Misis Ho.
"Ano ma? Hindi pa ba sapat na nasa mansyon 'yan at kailangan niyo pang dalhin dito?!" Turo niya sa akin.
"Grae! Calm down!!!"
"Mom! How can I calm down?!!" Napasabunot sa buhok na sigaw niya. Halos pumutok ang mga litid nito sa leeg.
"Ang Papa mo ang nagdesisyon nito, Grae!"
"For what, ma?!"
Huminga ng malalim si Misis Ho. Sa itsura nito ay para bang nauubos na din ang kanyang pasensya para sa anak.
"Paano ka ba namin makakausap ng maayos?"
Kumunot naman ang noo nito.
"You're not a kid anymore!!!" Sigaw ni Misis Ho sa kanya. Halos dumagundong ang boses nito sa napakalaking bahay na iyon. "Kailan ka magtitino ha?!!" Galit na asik ni Misis Ho ngunit hindi nito nasindak ang anak.
Nakakatakot. Para bang nasa gitna ako ng nag-uumpugang bato.
"So tell me, anong kinalaman ng sinasabi niyo sa pagdala niyo sa kanya dito? Ang daming niyong pag-aaring hotel bakit hindi niyo siya doon patirahin? Bakit dito pa sa bahay ko?!!"
"Masyado bang maliit ang bahay na ito para sayo ha?!"
"Malaking malaki! Pero ngayon ay sumikip na!" Pagkasabi nito ay bumaling siya sa akin ng napakatalim. Naglakad ito malapit sa sofa saka hinablot ang kanyang jacket. Pinagpag pa niya iyon pagkatapos ay dumiretso sa pinto.
"Grae! Saan ka pupunta?!"
Hindi man lamang niya nilingon ang ina. Umalis ito ng walang pasabi. Maya maya pa ay umugong ang makina ng kotse nito saka humarurot paalis.
"Hindi ako makapaniwala!" Usal ni Misis Ho. Hawak nito ang kanyang sintido.
Halos manghina sya sa sariling kinatatayuan. Inalalayan ko siyang makaupo sa sofa. Gusto ko sana siyang bigyan ng tubig ang kaso ay hindi ko naman alam kung nasaan ang kusina.
"Misis Ho, okay lang po ba kayo?" Tanong ko sa kanya.
"Pasensya ka na hija." Siguro ay sumuko na din siya.
Mission aborted.
"Simula ng mamatay ang kakambal niya ay nagkaganyan na siya."
Kakambal? May kakambal siya?
"Si Gillian. Sinisisi parin niya ang sarili niya sa pagkamatay ng kakambal niya." Nangilid ang mga luha niya. "Sa bahay na ito nagpakamatay si Gillian." Mula sa mga mata nito ay naglagos ang kanyang mga luha.
Napalunok ako. Tumingin ako sa paligid. Pakiramdam ko tuloy ay may nakamasid sa amin.
"Nagpakamatay si Gillian. Huli na ng madatnan siya ni Grae." Tumayo siya saka tumingin sa kabuuan ng modernong bahay na iyon. "Ang bahay na ito ay puno ng ingay ng tawanan noon, pero ngayon ay punung puno na ito ng kalungkutan."
Pinagmasdan ko din ang paligid. Maaliwalas iyon ngunit madarama mo ang lungkot.
"Mula ng mamatay si Gillian ay nagbago na din siya. Napakaresponsable niyang tao noon. Ibang iba sa Grae ngayon."
Kaya ba siya nagkaganun?
"Nag-aalala ang papa niya sa kanya dahil unti-unti niyang sinisira ang buhay niya." Hikbi ni Misis Ho. Maya maya pa ay mapabaling siya sa akin. "Hija, tulungan mo sana kami. Tulungan mo si Grae."
Pero bakit ako? Hindi ba niya nakita na halos ipaktulan ako ng lalaking iyon paalis?
Huminga ako ng malalim saka ako nag-angat ng tingin sa ginang. "Gagawin ko po ang makakaya ko, Misis Ho."
"Salamat hija, salamat."
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
RomanceIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...