Napakalakas ng ulan. Kung kanina ay nananalangin akong bumuhos 'yun ng malakas ngayon naman ay gusto ko na iyong tumigil.
Panay ang lingon ko sa sasakyan ni Liam habang nagmamaneho. Sana ay hindi nila ako mapansin.
Nang huminto iyon sa tapat ng isang hotel ay pumihit na ako ng daan. Ipinarada ko ang aking sasakyan sa di kalayuan.
Lakad takbo ang ginawa ko para makarating sa lobby ng hotel kung saan sila pumasok.
Medyo nabasa ako ng ulan. Pinagpag ko ang suot kong damit saka ako dumiretso pero agad akong hinarang ng guard.
"Ma'am saan po kayo?"
"Sa engagement party ng kaibigan ko."
"Invitation po. Kailangan lang po naming icheck kong kasama kayo sa guest list."
"Invitation." Anas ko. Naisip kong kailangan ko nga pala ng invitation. Napaismid ako. Invitation.
Patakbo akong bumalik sa aking sasakyan. Hinagilap ko doon kung saan ko nailapag ang invitation card na ibinigay sa akin ni Vince kahapon.
"Nasaan ka na.."
Hinablot ko ang aking bag saka ko iyon binuksan. Napangiti ako ng makita ko iyon doon. Agad ko iyong kinuha na para bang nakakita ako ng kayamanan.
Mabilis kong tinakbo pabalik ang bukana ng hotel. Basang basa na ako sa ulan pero hindi ko na iyon ininda pa.
Humakbang ako palapit sa guard.
Kapag tinanggap niya 'to isa lang ang ibig sabihin niyon. Kay Vince nga ang engagement party na ito.
Kinakabahan man ay iniabot ko na iyon sa guard. Tinignan niya iyon saka siya bumaling sa akin mula ulo hanggang paa. Batid kong nagtataka siya sa suot kong damit pero wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ay ang makasiguro.
"Tuloy po kayo."
Mariin akong napapikit. Patay! Kay Vince nga!
Inihakbang ko ang aking mga paa at wala sa sariling pumasok sa loob.
Kailangan kong makita si Lianne.
Hinagilap ko sila sa loob pero hindi ko sila makita. Panay ang baling ko sa paligid umaasang makikita ko sila agad pero bigo ako.
Dapat pala ay sumama na lang ako sa kanila kanina.
Maya maya pa ay nagsalita na ang host ng event. Nagpaligid ligid ako sa daan hanggang sa makarating ako sa bandang harapan. Sinuyod ko ang kabuuan ng hall na iyon hanggang mamataan ko sina Lianne. Nasa bandang gitna sila nakaupo.
Maglalakad na sana ako palapit sa kanila ng biglang dumilim ang ilaw pagkatapos ay umikot ang ibat-ibang matitingkad na liwanag sa paligid. Kasabay niyon ay ang pagtayo ng lahat. Masigabong palakpakan ang pumasailanlang sa apat na sulok ng lugar na iyon ng lumabas ang isang napakagandang babae. Natigilan ako ng makita ko kung sino ang may akay sa kanya.
Si Mr. Tamayo.
Pareho silang yumukod sa lahat upang magpasalamat.
Muli akong bumaling kina Lianne pero laking gulat ko ng biglang tumakbo si Van. Hinabol nito ang ibat ibang liwanag na umiikot sa paligid hanggang sa mabundol nito ang isang mataas na vase.
Akma akong tatakbo sa gilid ng intabladong iyon ng makita kong may yumakap sa kanya. Humarang ito sa pagbagsak ng vase na iyon.
BLAAAAGGG!!!!
Sabay sabay ang lahat na napabaling sa malakas na kalabog na iyon. Mariin akong napapikit hanggang sa marinig ko ang malakas na pagpalahaw ng iyak ni Van.
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
RomanceIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...