"Oh mukha ka yatang nalugi?" Si Bea.
"Ang sakit!" Binagbag ko ang dibdib ko sa harapan nilang dalawa ni Lianne. "Para niyang winasak ang puso ko."
"Tsk! Tigilan mo na kasi ang pagpapantasya sa Sunflowerman na 'yan." Si Lianne. Hawak nito ang tray na may nakapatong na mainit na kape. Umuusok iyon ng maglakad siya papunta sa table ng dalawang costumer.
"Hindi ko akalaing may girlfriend na siya." Nanlulumong usal ko.
"Ang sabi mo ay gwapo siya. Hindi mo ba naisip na madaming magkakandarapa sa kanya?"
Tama si Bea.
"Ang akala ko ba ay crush mo lang siya pero bakit parang in love ka na yata sa kanya." Nakangising lapit ni Lianne.
"In love na nga yata ako." Anas ko sa sarili.
Wala ng masyadong tao. Dalawang pares nalang ng mukhang magkasintahan ang nasa loob ng shop. Ubos na ang kape at slice cakes sa mesa nila. Nagkukwentuhan sila. Ang sweet tignan dahil kilig na kilig yung babae.
Napabuntong hininga ako.
"Nag-take ako ng entrance exam sa Horizon University." Si Bea. Sa talino nyang iyan ay makakapasa siya sa pristihiyosong unibersidad na iyon.
Hanggang ngayon ay hindi ko parin sinasabi sa kanila na napangasawa ng kuya ko ang unica hija ng pinakamayamang pamilya sa bansa. Ang Pamilya Ho.
"Sigurado namang makakapasa ka doon." Si Lianne.
"Eh ikaw, saan mo balak mag enroll?" Tanong ni Bea kay Lianne.
"Hindi ko parin alam eh. Ang sabi ng kuya ko ay susuportahan niya ako sa pag-aaral."
"May kuya ka pala?" Tanong ulit ni Bea.
"Hmmn..nasa Amerika siya kasama ng Papa ko. Pinili niyang samahan si Papa. Ang sabi kasi niya ay mas maraming oportunidad ang nandoon. Nakapasa nga sya sa entrance exam sa Harvard."
"Woahhh!!!!" Sabay kaming namangha ni Bea.
Isa iyong sikat na Unibersidad sa buong mundo. Sa pagkakaalam ko ay mayayaman at matatalinong tao lamang ang nakakapasok doon.
"Ang galing ng kuya mo!!!" Si Bea. "Siguro ay napakatalino nya."
"Heheh. Hindi masyado. Napakayaman lang talaga ng napangasawa ulit ni Papa."
"Bakit hindi ka sumama?" Tanong pa ulit ni Bea.
Tumingin naman sa akin si Lianne.
"Kasi ayoko kayong iwan."
Natawa kaming pareho ni Bea.
"Ang plastik mo talaga!"
"Ikaw, Riz. Saan ka mag-eenrol."
Napalunok ako ng tanungin ako ni Lianne. Pareho nila akong binalingan ng hindi ako kumibo.
Napangisi ako dahil pareho nilang hinihintay ang isasagot ko.
Sasabihin ko na ba ang totoo?
Huminga ako ng malalim. Walang dahilan para maglihim ako sa kanila. Mga kaibigan ko sila at nagtitiwala ako sa kanilang dalawa.
Ikwenento ko sa kanila ang lahat ng nangyari. Ang paglipat namin sa mansyon, ang pagkikita naming muli ni sunflowerman at ang kasal ni kuya.
"Ang ibig mong sabihin ay iyong Sunflowerman na tinutukoy mo ay kapatid nung napangasawa ng kuya mo?"
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
RomanceIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...