"Misis Ho, ano pong ginagawa niyo dito?"
"Nabalitaan kong hindi ka na umuuwi sa bahay ni Grae."
Napalunok ako saka dahan dahang yumukod. "Misis Ho, patawarin niyo po ako pero hindi ko na po kayang tumira sa bahay niya." Naiilang kong sagot. Hindi ko alam kung tama ba ang pinagsasabi ko. "Mabuti po ang kalagayan ko dito kasama ng mga kaibigan ko."
"Bakit hindi ka nagsabi sa akin?"
"Misis Ho, patawad po pero ayoko na po kayong abalahin pa dahil nasa maayos naman po akong kalagayan. Maswerte po ako dahil nandyan ang mga kaibigan ko. Masaya po ako na kasama sila." Sinserong paliwag ko.
Saglit namang natigilan si Misis Ho. Alam kong maiintindihan niya. "Kung ganun ay lumipat na kayo sa bahay na ipinaayos ko para sayo."
Taka naman akong bumaling sa kanya.
Agad nitong ibinuka ang kanyang pamaypay. "Hindi magugustuhan ng ate at kuya mo kapag nalaman nilang nakatira ka dito. Napakaingay, napakasikip at napakainit."
Napangisi ako. "Sanay naman po ako." Bulong ko.
"Huwag mo na sana akong tanggihan pa, hija. Ang gusto ko ay mapabuti ka. Doon ay hindi niyo na kailangan pang mangupahan. Kumpleto ang gamit at siguradong ligtas."
"Ano po ang ibig ninyong sabihin?"
Napangiti siya. "Lumipat na kayo kasama ng mga kaibigan mo."
Tama ba ang narinig ko? Taka ko siyang tinitigan. Sinagot niya ako ng magkasunod na tango. Napayukod ako. "Napakabuti niyo po, Misis Ho. Hindi ko po alam kung paano kayong mapasasalamatan."
"Riz, hija. Sapat na sa akin ang makitang nasa maayos ka. Patawarin mo kami dahil pinilit ka naming bantayan si Grae. Tama ka, siya lang ang pwedeng magdesisyon sa buhay niya. Siya ang responsable sa lahat ng gagawin niya. Sa paglipat niyo ng mga kaibigan mo ay hindi mo na kailangan pang gawin iyon."
"Misis Ho." Naglagos ang mga luha ko sa aking pisnge.
"At isa pa, hindi ba sinabi ko na sayong tawagin mo akong Tita." Nagtatampong aniya.
Hindi ko napigilan ang mapangiti. Pinahid ko ang aking mga luha. "Opo, Tita."
"Pumapayag ka na ba? Huwag mo akong tatanggihan. Ipinalabas ko na ang mga gamit niyo."
"Lilipat na po kami ngayon, Tita."
"Kung ganun ay tara na. Sasamahan ko kayo sa paglipat."
Sabay kaming bumaba papunta sa harap ng boarding house kung saan naruruon sina Lianne at Bea.
Pagbaba namin ay nakita namin kung paano makipaghilaan ng mga gamit ang dalawang ito sa mga lalaking humahakot ng mga iyon.
"Bitawan niyo yan!" Si Lianne. Nanghihina parin siya.
Sabay silang napabaling ng makita ang paglapit namin.
Umayos sila ng mapansin na kasama ko si Tita. Sabay silang napayukod dito upang bumati. "Magandang gabi po, Misis Ho." Pagkatapos ay pareho silang bumaling sa akin.
Bahagyang yumukod si Tita at nakangiting pinaunlakan ang kanilang pagbati. "Nagpapasalamat ako sa inyong dalawa dahil sa pagpapatuloy niyo kay Riz. Pero gusto ko sanang hilingin sa inyo na pauwiin na siya sa Blue Horizon. May inilaan ako sa kanya doong bahay."
Pareho silang maang na nagkatinginan.
"Ang sabi niya sa akin ay masaya siya na kasama kayo. Kaya sana ay mapagbigyan niyo ang kahilingan ko sa inyong dalawa. Gusto ko sanang tanggapin niyo ang aking alok. Gusto kong tumira kayo kasama ni Riz sa bahay na iyon."
![](https://img.wattpad.com/cover/144480936-288-k576920.jpg)
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
Storie d'amoreIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...