Riz's POV
Inilubog ko ang sarili ko ngunit naramdaman ko ang mga bisig na umahon sa akin.
Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo. Ang nalulunod kong puso ay hindi niya na binigyan ng pagkakataong makaahon.
Pinagmasdan ko siya na puno ng pagtataka. Nananaginip lang ba ako dahil nakikita ko siya ngayon?
"Anong ginagawa mo sa akin?" Tanong niya.
Batid ko sa mga mata niya ang pag-aalala.
Muling pumatak ang luhang iyon sa aking mga mata.
"I'm sorry." Marahan niya akong binitawan sa kanyang pagkakahawak.
Ngunit bago pa man niya ako mabitawan ay hinagkan ko siya.
🎶🎵
At nakita kita sa tagpuan ni bathala
May kinang sa mata na di maintindihan
Tumingin kung saan
Sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo
Nung ako'y ituro mo
Siya ang panalangin ko..🎶Napapikit ako ng dumampi ang labi ko sa labi niya.
LUBDUG! LUBDUG! LUBDUG!
Para iyong bultahe ng kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan.
Maging ako ay nagulat sa ginawa ko.
Dahan-dahan akong nagmulat. Inilayo ko ang sarili ko pero mas nagulat ako ng bahagya siyang yumukod. Isinuklay nito ang kanyang mga daliri mula sa ilalim ng aking tenga hanggang sa aking batok saka ako siniil ng halik.
Marahas ang halik na iyon. Naghahanap. Nanghihingi ng katugunan.
Hindi ko alam pero kusang sumunod ang labi ko sa labi niya. Tinugon ko ang halik na iyon. Ang marahas nitong halik ay naging marahan. Masuyo.
Pareho naming habol ang hininga. Magkadikit ang noo naming dalawa.
Mariin siyang napapikit. "I'm sorry." Nagsisisi. Pagkatapos noon ay mabilis siyang lumabas.
Naiwan akong tulala.
"I'm sorry."
Muling naglagos ang mga luhang iyon sa aking pisnge.
Ang tanga-tanga ko! Ibinigay ko ang una kong halik sa lalaking hinding-hindi ako magugustuhan kahit kailan.
Nang gabing iyon ay umalis na ako ng bahay niya. Binitbit ko ang lahat ng gamit ko. Hindi ko na maaatim pa ang makasama siya sa iisang bubong pagkatapos ng nangyari.
Magmumukha lang akong katawa-tawa sa kanya.
"Riz?"
Binuksan ni Lianne ang pinto ng boarding house nila.
Dumungaw din si Bea. Puno ng pagtataka at pangamba.Pagkakita ko pa lamang sa kanila ay pumatak na ang mga luha ko. Niyakap ko silang dalawa.
🌻🌻🌻
Grae's POV
Ang tagal ko siyang hindi nakita. Alam kong iniiwasan niya ako. Pero hindi parin nawawala ang galit ko sa kanya.
Pakiramdam ko ay mababaliw ako ng malaman kong nag-uwi siya ng lalaki sa bahay ko.
Ang lakas ng loob niya! Pasalamat siya at hindi ko sila nakita.
Ikinuyom ko ang palad ko. Ilang suntok at sipa ang pinakawalan ko sa mahabang boxing bag na iyon bago ako matapos sa pagwowork-out.
Mula ng araw na iyon ay hindi ko na siya nakita. Isang bwan? Dalawa? O tatlo? Hindi ko alam. Pakiramdam ko ay taon na ang lumipas.
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
RomanceIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...