39

73 10 1
                                    

"Pwede naman kung papayag siya."

Lunok. Nakakahiya!

Maang akong nagpabaling baling ng tingin sa kanilang dalawa pero agad akong natigilan. Pakiramdam ko ay saglit na nagslow-mo ang paligid ng bigla siyang ngumiti. Sa tingin ko ay iyon na ang pinakanakakakabang bagay na nangyari sa buhay ko.

"Ah..heheh..A-ang sarap ng mga pagkain." Tatawa tawa kong bulalas ng maya maya ay matauhan. Juice colored!

"Palabiro talaga itong kaibigan ko kuya." Lumapit siya sa akin saka niya ako inakbayan.

Siya pala ang kuya ni Lianne. Mukha siyang pamilyar. Parang nakita ko na siya noon pero hindi ko alam kung saan.

"Hindi naman siya nagbibiro sa sinabi niyang masarap yung mga pagkain hindi ba?" Tanong niya sa kapatid ngunit nasa akin ang tingin.

"Ahh..hindi..hindi..masarap talaga." Kinakabahan kong sagot.

Muli siyang napangiti. OMG! Killer smile!

"Ikaw yung sa simbahan kanina hindi ba?" Saad niya.

"Ha?" Maang kong tanong.

Simbahan? Nang maisip ko iyon ay agad kong naalala ang lalaking nakabangga ko kanina sa simbahan. Hindi ko siya masyadong napansin dahil nagmamadali ako pero sigurado akong siya nga ang lalaking iyon.

"Ikaw nga! Ikaw yung lalaki kanina." Turo ko sa kanya ng maalala ang pagsalo niya sa akin. "Pasensya ka na hindi na ako nakapagpasalamat sa pagsalo mo sa akin kanina nagmamadali kasi ako. Thank you nga pala." Napayukod kong sabi.

"No worries. Sanay ako ng may sinasalo." Biro naman niya.

Parang gusto ko ng himatayin.

"So, nagkakilala na pala kayo kanina." Usisa ni Lianne.

Umiling siya. "Hindi pa, hindi ko pa siya kilala." Humakbang siya palapit sa akin. "By the way, I'm Liam. Liam Lim." Inilahad niya ang kanyang kanang kamay sa aking harapan.

Inabot ko naman iyon. "Rain--"

"Rainy Riz Sanchez." Nakangiti niyang itinuloy ang pangalan ko.

Lunok. Paanong...

"Nabasa ko lang." Turo niya sa nakasuot kong I.D.

Para bang nabasa niya ang isip ko. "Ah..heheh.." Agad naman akong napayuko ng balingan ko ang aking I.D. Hindi ko pa pala iyon nahuhubad. "Nice to meet you." Nahihiyang bati ko sa kanya. Just call me, Riz."

Ang totoo ay nakakapanglambot ng tuhod ang mga titig niya at parang biglang ka na lang aatakihin kapag ngumiti siya.

"Oh Doktora, nandyan ka na pala." Bigla akong natauhan ng marinig ko ang sinabi ni Lianne. Agad naman akong napabaling sa pinto kung saan naroon si Bea.

"Nahuli na ba ako?" Nakangiting usal niya. Napakaganda niyang tignan. Lumapit ako sa kanya saka ko siya hinalikan sa pisnge at niyakap.

"Lalo ka yatang gumaganda?" Puri ko sa kanya.

"Hay naku, gumaganda dahil may pinagagandahan." Pagpaparinig ni Lianne na agad ding bumaling sa kanyang kuya.

"Tsk! Ano ka ba Lianne." Namumulang sita nito na pasulyap sulyap naman kay Liam.

"Kung umiyak ka ng sobra kay Zaimin noon, mas lalo kang iiyak dyan kay kuya." Bulong nito na nahagip naman ng aking pandinig.

Oo nga pala. Si Bea at Zaimin. Ilang taon din ang naging relasyon nilang dalawa pero hindi rin iyon nagtagal dahil mas pinili nilang tahakin ang kaniya kaniya nilang mga pangarap. Si Zaimin, isa na siyang sikat na artista. Si Bea naman ay patuloy parin ang pag-aaral upang maging isang doktor.

WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon