Riz's POV
Ilang oras na akong naghihintay sa kanya. Maliwanag pa ng dumating ako sa parking area. Ang sabi niya ay samahan ko daw siyang mag grocery pero mukhang hindi naman siya darating. Pwede din kasing pinagtripan niya lang ako.
Napabuntong hininga ako.
Bakit ba kasi ako nagpapaniwala sa kumag na iyon?!
Ang dami kong nasayang na oras sa paghihintay sa wala.
"Riz?"
Nag-angat ako ng tingin ng marinig ko ang pangalan ko. Si Vince.
Kaninang umaga ay nakita ko siya. Nilapitan ko siya para muling magpasalamat. Tinanggap naman niya iyon.
"Vince."
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ahh..kasi..." Atubili kong sagot.
"May hinihintay ka ba?" Nagpabaling baling ito ng lingon sa paligid. "Nasaan ang mga kaibigan mo?"
"Ah..kanina pa sila umuwi. Nag..papahangin lang ako dito."
"Ha? Bakit dito? Puro usok ng sasakyan ang malalanghap mo dito."
"Aheheh..Okay lang naman eh..a breathe of fresh air. Heheh." Napangisi ako. Gusto kong batukan ang sarili ko. "Para maiba naman. S-sige, mauna na ako."
Ang tanga ko talaga. Ngingisi-ngisi akong naglakad.
"Sumabay ka na sa akin."
"Ha?" Dahan-dahan akong lumingon sa kanya.
Binuksan nito ang pinto ng kotse niya.
"Tara, ihahatid na kita."
"Naku, hindi na."
"Sakay na."
Hindi na ako nagpapilit pa.
Masyado siyang mabait para tanggihan. Sumakay ako sa sasakyan niya. Isinara niya iyon pagkatapos ay umikot sa driver seat."Saan ka nakatira?"
Ooppss!! Patay! Nawala sa isip kong sa bahay ako ni Grae nakatira.
"S-sa H-hillmore." Sa dati naming tirahan.
Hindi niya pwedeng malaman na nakatira ako sa Blue Horizon Subdivision na pag-aari ng mga Ho.
"Hmm..medyo malayo pala ang inuuwian mo."
Ngumiti lang ako sa kanya.
Pinaandar nito ang sasakyan.
Hindi pa man kami nakakalayo ng magring ang cellphone niya. Sinalpak nito ang wireless headset sa kanyang tenga.
Tahimik naman akong bumaling sa labas ng bintana. Madilim na.
Naiinis parin ako sa tuwing maaalala ko ang mga nakita ko kagabi. Hindi ko inisip na ganoon siyang klase ng tao.
Hindi ko alam pero nasaktan ako ng makita kong hinahalikan niya ang babaeng iyon. Gusto kong mainis sa sarili ko dahil alam kong hindi naman ako dapat makaramdam ng ganun.
"Hello..
..pauwi pa lang ako..
..ha? Ano naman sa akin..hahah..
..ngayon na ba yun? Sorry, nakalimutan ko..
..sige, pero may kasama ako."
Batid ko ang paglingon ni Vince sa akin ng sabihin iyon sa kausap.

BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
RomantizmIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...