Ayoko ng masaktan. Ayoko na.
"Riz, mabuti naman at gising ka na. Pinaghanda kita ng lunch."
Napabaling ako kay Liam. Hawak nito ang tray ng pagkain. Inilapag niya iyon sa aking bedside table.
Bumangon ako pero agad akong napahawak sa aking sintido. Kumikirot iyon sa sakit.
"Okay ka lang?"
Tumango ako sa kanya.
Napangiti siya. "Huwag ka ng bumangon. Sumandal ka na lang, susubuan kita."
Maang ko siyang pinagmasdan. Umupo siya sa gilid ng aking kama. Sumalok siya ng sabaw sa kutsara saka iyon hinipan.
"Ahh.." Inilapit niya iyon sa aking bibig.
Agad naman akong napatikom.
Hindi pa ako nagtoothbrush.
"Ahh.." Ulit niya.
Umiling ako saka tumayo. Tumakbo ako papasok sa aking banyo.
Kumikirot ang ulo ko sa sakit niyon pero pinilit kong bumangon. Mabilis akong nagsipilyo at naligo.
Bago ako lumabas ay nagpabaling baling muna ako sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala na doon si Liam. Nakatapis ako ng tuwalyang tumakbo palapit sa pinto. Isasara ko sana iyon ng bigla akong matigilan.
"What the hell are you doing here, Liam?!"
Kay Grae ang boses na iyon.
"Ako ang dapat magtanong sayo nyan pare, anong ginagawa mo dito?"
"Tumabi ka! Gusto kong makausap si Gummybear."
"Sandali lang pare, lasing ka. Ihahatid na kita sa inyo." Si Liam.
BLAAAAGGG!!!!
Halos lumuwa ang mata ko ng makita ko ang pagbagsak ni Liam sa sahig. Sapo nito ang sariling pisnge.
"Liam!" Tumakbo ako palapit sa kanya saka ako nag-angat ng tingin kay Grae. "Ano ba, Grae! Ano pa bang ginagawa mo dito?"
"Please mag-usap tayo."
"Umalis ka na!"
Napasuklay siya sa buhok. "Kaya ba pagod ka na ha? Kaya ba ayaw mo ng lumaban.." Gumaralgal ang boses nitong napabaling kay Liam. "..dahil sa kanya?!"
Hindi ako makapaniwala!
Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Kitang kita ko kung paanong nagkuyom ang mga palad nito dahil sa galit.
"Ngayon alam ko na kung bakit." Pagkasabi niya niyon ay agad siyang tumalikod at naglakad palabas ng pinto.
Ang totoo ay gusto ko siyang habulin pero naisip kong wala na ring halaga kung gagawin ko iyon. Masyado na akong nasaktan. Masyado na akong nagpakatanga.
Hinarap ko si Liam pero nagulat ako ng bigla niyang ibalot ang suot niyang coat sa aking katawan.
"Bakit lumabas ka pa?" Nakapatong ang mga kamay niya sa aking magkabilang balikat. Bahagya siyang nakayukod sa akin.
Maang ko siyang tinitigan. May dugo ang gilid ng labi nito.
"Pasensya ka na." Usal ko. Hahawakan ko sana iyon ng bigla niya akong pigilan.
"Okay lang ako. Magbihis ka na."
Tumango ako saka ako nagpabaling baling ng tingin sa kanya at sa kamay ko na hawak niya.
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
RomansaIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...