Malapit na ang bakasyon. Masaya ako dahil matatapos na ang unang taon ko sa H. U. Parang kailan lang. Ang akala ko ay hindi ako makakatagal.
Mula ng sabihan ni Grae ang mga bully sa School ay naging tahimik na ang buhay naming magkakaibigan.
"Makinig kayong lahat! Walang sino man ang pwedeng gumalaw sa kanya, sa loob o sa labas man ng H.U. Akin siya at ako lang ang pwedeng manakit sa kanya."
Pa-knight in shining armor.
"K-kahit na gusto mo ako ay hindi mo parin pwedeng gawin na lang 'yun basta. May girlfriend na ako..isa pa, hindi kita..k-kailanman magugustuhan."
"..hindi kita..k-kailanman magugustuhan."
Tsk! Iniling-iling ko ang ulo ko bago ko dinampot ang tray na may dalawang tasa ng kape. Hanggang sa trabaho ay ginugulo niya ang isip ko.
Nang makalapit ako sa table ng mga costumer ay ibinaba ko ang kanilang order.
"Rainy?"
Rainy?
Wala sa sariling napabaling ako sa costumer na iyon. Tinawag niya ba ang pangalan ko? Pero paano niya namang malalaman ang pangalan ko? Sa aming lahat na nagtatrabaho dito ay ako lang ang walang nameplate. Nawala ko kasi iyon at hindi pa napapalitan.
Tinignan ko siyang mabuti. Siningkitan ko siya ng mga mata. Mukhang pamilyar ang mukha niya.
Ngumiti siya.
Biglang nanlaki ang mga mata ko.
Naaalala ko na! Kokey!
Siya iyong classmate ko noong elementary. Isa sa mga nabully ko noon.
Napalunok ako. Paanong ibang iba na ang itsura niya ngayon? Hindi na siya mukhang alien! Sabagay, ang tagal na nun.
"Kamusta ka na? Hindi mo na ba ako nakikilala?"
Napangisi ako. Ang gwapo na niya ngayon.
"Dito ka pala nagtatrabaho." Nilibot niya ng tingin ang kabuuan ng shop saka tumingin sa akin mula ulo hanggang paa. "Nice."
"K-kamusta?" Naiilang namang bati ko.
Hindi ko akalaing magkukrus pa ang landas namin.
Nang matapos ako ng elementary ay lumipat kami ni kuya sa Hillmore. Lumipas na ang maraming taon at hindi ko akalaing magkukrus pa ang landas namin ng lalaking ito na nabully ko noon ng husto.
Napakatagal na noon kaya pati ang pangalan niya ay hindi ko na maalala.
"Sino siya, Zaimin?"
Zaimin. Kent Zaimin Nievarza
"Classmate ko siya noong elementary ate." Sagot naman nito sa kaharap niyang babae sa table.
Nilingon naman ako ng babaeng iyon pero agad ding bumaling sa kung saan.
Aalis na sana ako ng muli siyang magsalita.
"I'm happy to see you here, Rainy Riz." Ngumiti siya. "See you around." Pagkatapos ay kumindat.Ngayon pa lang ay pinagsisisihan ko na ang pambubully na ginawa ko sa kanya noon.
Napangisi ako saka yumukod at naglakad paalis.
Gusto kong batukan ang sarili ko.
Nang makarating ako sa counter ay palihim ko siyang binalingan.
Mukhang kailangan ko ng umpisahang mangumpisal at magsisi sa lahat ng ginawa ko noon. Ilan pa kaya silang nabully ko na nagkaganyan ang itsura? Ang gwapo!
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
RomansaIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...