Grae's POV
Nagtataka ako sa mga ikinikilos ni Gummybear. Kahit pa mas naging sweet at maalaga siya ay ramdam kong may kakaiba parin sa kanya. Alam kong may itinatago siya sa akin. Ayokong mag-isip ng masama pero natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit pero ayoko ng nararamdaman ko.
Mula noong araw na bigla na lamang siyang nawala ay para bang may kakaiba na sa kanya ng bumalik siya. Hindi ko alam kung anong nangyari pero kinakabahan ako dahil pakiramdam ko bigla na lang siyang hindi magpapakita.
Napaparanoid ako at ayoko ng ganito!
"Sir Grae."
Pakiramdam ko'y saglit akong nawala sa sarili. Maang kong binalingan si Zydrick.
Tumikhim siya. "Sir Grae, dumating na po si Mr. Shin galing ng America. Iniimbitahan niya po kayong mag dinner mamaya sa Shinzan Hotel."
Si Mr. Shin.
Pinull out niya lahat ng shares of stock niya sa kumpanya ng malaman niyang nakipaghiwalay na ako kay Hanna.
Sumasakit parin ang ulo ko kung paano ko reresulbahin ang malaking problemang iyon dahil isang napakalaking kawalan para sa akin ang gaya niya. Pero mas gugustuhin ko na ang ganito, ang umahon sa sarili kong kakayahan ng hindi humihingi ng tulong sa kahit na kanino. Mas gugustuhin ko na ang mahirapan kaysa makulong sa isang kasunduang hindi ko maaatim na pasukin habang buhay.
Huminga ako ng malalim.
Hindi na niya mababago pa ang pasya ko kahit na mag-usap pa kami dahil hindi ko kayang mahalin ang anak niya at hindi niya pwedeng ipilit iyon sa akin. Pero dahil sa isa siya sa mga taong nirerespeto ko at pinagkakautangan ng loob ay haharapin ko parin siya.
Madilim na ng matapos ang meeting ko kasama ng mga stock holders. Tumayo ako saka ako lumabas kasama ni Zydrick. Dumiretso kami kung saan naghihintay si Mr. Shin.
Ang totoo ay kinakabahan ako hindi dahil sa natatakot ako sa kanya kundi sa mga bagay na maaari niyang gawin upang hawakan ako sa leeg. Makapangyarihan siya at alam kong wala pa ang nakakaligtas sa mga kamay niya.
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa Shinzan. Sinalubong kaagad kami ng mga nangangasiwa doon at inihatid kung nasaan siya naghihintay.
Pagpasok ko pa lamang sa bulwagan ay natanaw ko na ang likuran niya. Napakatahimik ng paligid. Para bang pinareserve niya ang lugar na iyon para lang sa pag-uusap naming dalawa.
Makailang ulit akong humakbang papalapit pero agad din akong natigilan ng makita ko ang dalawang babaeng kaharap niya sa mesa. Nanduroon si Hanna at si...Gummybear.
Agad siyang napalingon sa akin dahilan upang mapabaling din ang mag-ama.
Pakiramdam ko ay biglang kumulo ang dugo ko sa galit.
Ito na ba? Ito na ba ang hakbang na gagawin niya para pasukuin ako? Kung ganun ay napakagaling talaga niya. Nagawa niyang iharap sa akin ang kahinaan ko pero hindi niya naisip na ang nasa harapan niya ngayon ang siya ring nagbibigay sa akin ng lakas.
Sinamaan ko ng tingin si Mr. Shin saka ako bumaling kay Gummybear.
"Anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong ko sa kanya pero agad siyang yumuko.
"Mabuti naman at nandito ka na Andrew." Usal ng matanda. "Maupo ka."
Napasinghal ako. "Anong ibig sabihin nito Mr. Shin?"
"Andrew.." Si Hanna.
Mabilis akong lumapit kay Gummybear saka ko hinila ang kamay niya patayo.
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
RomanceIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...