33

98 11 0
                                    

GRAE'S POV

"Mahal kita." Sa wakas ay nasabi ko rin sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya pero hindi ko na kaya pang itago ang nararamdaman ko para sa kanya. Gusto ko mang sabihin sa kanya ito ng harapan pero wala akong lakas ng loob, lalo pa at alam kong hindi niya na ako kayang bigyan ng isang pagkakataon.

Alam kong nasaktan ko siya ng sobra at pinagsisisihan ko iyon. Hindi ko alam kung papaanong babawi o kung may natitira pa siyang pagmamahal sa akin. Pero kahit na sinabi niyang huli na ang lahat ay hindi ako susuko. Gusto kong patunayan sa kanya na mahal ko siya at gagawin ko ang lahat mahalin niya lang ako ulit.

"Riz, mahal kita. Sorry dahil ngayon ko lang narealize na mahal na mahal kita."

🌻🌻🌻
RIZ'S POV

"M---- kita."

"Riz, gising ka pa ba? papasok na ako." Si Lianne.

Napakunot ang noo ko dahil hindi ko naintindihan ang huling salitang sinabi ni Grae sa kabilang linya. Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa pagbukas ng pinto. Iniluwa niyon si Lianne. Bitbit nito ang tray.

Mataman niya akong tinitigan. Agad akong naalarma sa mga luhang hindi ko napigilang dumaloy sa aking pisnge. Nakayukod ko iyong pinalis.

Inilapag niya ang tray ng tubig at gamot sa ibabaw ng aking maliit na lamesa saka lumapit sa aking kama. Inilahad niya ang kanyang palad sa aking harapan. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Batid ko ang pagkabagot sa kanyang itsura. Muli kong tinignan ang palad niya saka ako bumaling sa kanya.

Napalunok ako ng mapagtantong gusto niyang kunin ang hawak kong cellphone.

Ibibigay ko ba sa kanya?

Pero maagap niya iyong hinablot sa aking kamay.

Gusto ko man iyong bawiin ay wala na akong nagawa.

Tumalikod siya sa akin saka iyon itinapat sa kanyang tenga. Humakbang siya ng makailang ulit pero agad din siyang napahinto.

Marahan siyang pumihit paharap sa akin. Ang kaninang galit niyang mukha ay napalitan ng pagkabigla. Sapo nito ang sariling bibig. Halos lumuwa ang mga mata nito habang nakatitig sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang narinig niya pero nakita kong nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

Napasinghap siya. "Hoy! Bakla ka ba? Bakit hindi mo sabihin sa kanya yan ng personal?" Tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya. Napaangat ako sa aking pagkakaupo. "Lianne, ano bang sinasabi mo? Akin na nga yan."

"Wahahahahahahhhh!!!!" Malakas niyang tawa. Parang tawa ng kontrabida sa telenovela. "Pumunta ka na dito bilisan mo. Baka hindi mo na siya maabutan." Usal niya sa kausap. "Oo, ikaw ang dahilan kung bakit siya inaapoy ng lagnat ngayon. Bilisan mo na para gumaling na agad."

"Lianne!"

Huminga siya ng malalim. "Pero hindi ibig sabihin na bawi ka na. Pero sige, dahil saksakan ako ng bait ay pagbibigyan parin kita. Pumunta ka na dito dahil mas mapapatay kita kapag hindi ito gumaling." Pagkasabi niya niyon ay agad niyang iniabot sa aking ang cellphone pero nakapatay na iyon.

"Ano ba yung mga sinabi mo?"

"Tsk! Kumilos ka na. May bisita ka mamaya. Mag-ayos ka naman." Pagkasabi niya niyon ay agad niyang kimuha ang tray.

"Oh, saan mo dadalhin yan?"

"Hindi mo na kailangan 'to Gummybear, mamaya gagaling ka na." Pilyang anya. Napakindat pa ito saka naglakad palabas ng aking kwarto.

WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon