"Grae, gumising ka. Grae!"
Para bang nakikipaghabulan ako kay kamatayan habang isinusugod ko sa ospital si Grae.
"Hanggang dito na lang po kayo." Pagkasabi ng nurse ay agad sumara ang pinto.
Naiwan akong tulala. Ito na yata ang pinakanakakatakot na nangyari sa buhay ko. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng buo kong katawan. Pakiramdam ko'y hihimatayin na ako sa takot.
"Riz!"
Agad akong napabaling kay kuya Summer at ate Anika.
"K-kuya!" Yumakap agad ako kay kuya. Hindi ko na napigilan pa ang mapahagulgol sa iyak. "Kuya, si Grae!" Takut na takot ako.
"Anong nangyari sa kanya?" Nag-aalalang tanong ni Ate Anika.
Umiling iling ako. "Hindi ko alam."
"Tahan na Riz, tahan na. Magiging okay din si Grae." Tinapik tapik ni kuya ang likod ko.
"Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko."
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.
Ilang oras kaming naghintay hanggang sa lumabas ang doktor.
"K-kamusta po si Grae?"
Huminga siya ng malalim. "Hindi maganda ang lagay niya. Kung nahuli ka ng dala sa kanya dito ay baka hindi mo na siya naabutang buhay."
Sana'y nananaginip lang ako.
Pakiramdam ko ay nanlambot ang mga tuhod ko. Hindi ko napigilang mapahawak sa pader.
"Riz!" Agad akong inalalayan ni Ate Anika.
"Naparalisado ang buo niyang katawan at base sa response niya ay hindi na siya lumalaban. Ipanalangin na lang nating bumuti ang lagay niya." Pagkasabi niyon ng doktor ay umalis na din ito.
"Hindi! Hindi..." Halos madurog ang puso ko. "Kailangan ko siyang makita!" Tumayo ako pero niyakap ako ng mahigpit ni ate Anika. "Kailangan kong puntahan si Grae. Kailangan niyang malamang nandito ako. Kailangan niyang lumaban!"
"Riz, makinig ka. Malakas si Grae, lalaban siya. Alam kong lalaban siya." Umiiyak na usal ni ate Anika.
Hindi ko alam kung ilang oras kaming naghintay hanggang sa payagan na kaming pumasok sa loob.
Halos madurog ang puso ko ng makita ko ang iba't ibang aparatong nakakabit sa kanyang katawan. Nakakapanghina at nakakapanglambot iyong tignan.
Inalalayan ako ni ate Anika sa loob. "Maiwan muna kita." Anas niya.
Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay makailang ulit kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. Inabot ko ang kamay niya. Bahagya akong yumukod saka ko siya hinagkan sa noo.
"Grae, gising na." Bulong ko. "Gumising ka na please." Agad namasa ang mga mata ko.
Umupo ako sa tabi niya.
"Alam mo ba, ang tagal kitang hinintay. Nakakapagod 'yun pero kinaya ko..kaya sana kayanin mo rin." Agad pumatak ang mga luha ko pero agad ko iyong pinahid. Huminga ako ng malalim saka ko hinaplos ang kamay niya. "Lumaban ka, please.." Hindi ko kayang labanan ang sakit na nararamdaman ko. Umiiyak akong napadukmo sa kamay niya.
"Kapag ba lumaban ako, babalik ka na sa akin?"
Natigilan ako.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
RomansaIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...