54

75 8 0
                                    

Lianne's POV

"Kuuuuyyyyyaaaaaaa!!!!!!!!!!"

BAAAAANNNNNGGGGGGG!!!!!!!

BAAAANNNNNNGGGGGGG!!!!!!!!

LUBDUG! LUBDUG! LUBDUG!

Para bang huminto ang mundo ko. Halos mahagip ko ang sarili kong hininga ng makita kong magkasunod na putok ng bala ang tumama sa kanya.

BLAAAGGG!!!!

Kuya..

Pakiramdam ko ay nanikip ang dibdib ko ng makita ko siyang duguang bumagsak.

"Ipangako mo sa akin na iingatan at aalagaan mo ang mommy mo hanggat hindi ako nakakabalik."

Mabilis na kumawala ang mga luha sa aking mga mata.

"Kuuuyyyyyyaaaaaa!!!!!!!"

Tumakbo ako papalapit sa kanya pero..

BAAAAAANNNNNNNGGGGG!!!!!

Hukkkkkkk!!!!!

Naramdaman ko ang kirot na dumaplis sa aking braso. Mabilis akong pumihit patalikod saka ko ikinumpas ang hawak kong baril.

BAAAANNNNGGG!!!!

BAAAANNNNGGG!!!!

BAAAANNNNGGG!!!!

BAAAANNNNGGG!!!!

Nagpupuyos ang damdamin ko sa galit. Kinalabit ko ng kinalabit ang baril sa dereksyon ng lalaking bumaril kay kuya hanggang sa maubusan iyon ng bala.

BLAAAAGGGG!!!!!

Pakiramdam ko ay saglit akong nawala sa aking sarili at nagising ng kumalampag ang lalaking iyon sa sahig.

Agad kong nabitiwan ang hawak kong baril. Nanginginig ang buo kong katawan.

Pabagsak akong napaupo saka ako bumaling sa kinaruruunan ni kuya.

"Kuya.." Mabilis na naglagos ang aking mga luha. Gumapang ako papalapit sa kanya. "Kuya!" Bahagya kong iniangat ang kanyang ulo.

"L-lianne.." Nahihirapang anas niya pagkatapos ay umubo siya ng dugo.

"Kuya, dadalhin kita sa ospital!"

"L-lianne.." Napangiti siya habang gumuguhit ang luha sa kanyang pisnge. "..patawarin mo ako.."

"Kuya.." Hikbi ko.

"G-gusto kong maging masaya ka..ipangako mo sa aking m-magiging masaya ka.."

"Kuya.." Umiling iling ako sa kanya.

"S-si V-vince..si Vince ang ama ni Van hindi ba?"

"Oo kuya." Pag-amin ko.

"H-huwag mong ipagkait kay V-van ang katotohanang 'yun..Lianne..huwag mong h-hahayaang agawin ng iba ang kaligayahan mo..m-maging masaya ka.."

Humahagulgol akong tumango sa kanya hanggang sa dahan dahan siyang pumikit.

"Kuya, please huwag kang bibitaw!!! Dadalhin kita sa ospital!!!!"

"Lianne!"

Agad akong napabaling sa boses na iyon. Si Vince.

🌻🌻🌻

Bea's POV

"Teka..si Riz ba 'yun?" Mahinang usal ni Lianne.

Agad akong napabaling sa dereksyon kung saan nakatingin si Lianne.

WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon