Riz's POV
Inilapag ni Grae ang maiinit na tsaa sa ibabaw ng lamesa.
Masama ang tingin nito sa akin. Para bang hinainan niya ako ng inuming may lason.
Gusto kong sapakin ang sarili ko. Nakatulog ako sa maling kwarto.
Pinagkrus niya ang parehong kamay saka mataman akong tinitigan.
Nagbaba naman ako ng tingin. Galit na galit ang itsura niya.
"Alam mo bang hindi na ako nakapasok sa morning class ko?"
"Ako din naman." Bulong ko.
Napasinghal siya. "Ngayon, ipaliwanag mo kung paano kang nakapasok ng bahay?"
"D-dumaan ako sa pinto."
"Nasaan ang duplicate mo?"
Ang tinutukoy niya ay ang susing nahulog ko sa labas ng pinto.
Hindi ako umimik.
"Ito ba yun?"
Nag-angat ako ng tingin. Hawak niya ang susi ko. Muli akong yumuko.
Pabagsak niya itong nilapag sa mesa.
"Paano kang nakapasok?" Mahinahong tanong nito.
Para bang nagpipigil na lang siya ng galit.
Sasabihin ko ba?
Muli niyang hinampas ang mesa. Para akong ini-interrogate sa isang silid.
Tumukhim ako. "T-tinulungan ako ni Rico."
Kitang-kita ko kung paano siyang pangunutan ng noo. Halos magsalubong ang makakapal niyang kilay. Napalunok ako.
"Sinong Rico?" Tiim-bagang anito. "Nagdala ka kagabi ng lalaki dito sa bahay?!"
Papaano ko bang sasabihin sa kanya na umakyat ako sa puno na malapit sa kwarto niya. At pangalawang beses ko na iyong ginawa kagabi. Baka kung ano nanaman ang isipin niya.
"Huwag mo akong igaya sayo. Hindi ba gawain mo iyon, ang mag-uwi ng babae." Matapang kong sagot.
"Then who the hell is Rico?!"
"Ano naman sayo?!"
"Ano naman sa akin? Hoy! Baka nakakalimutan mo, bahay ko 'to! Ako lang ang may karapatang magpapasok ng kung sinong gusto kong papasukin dito! At kung mag-uwi man ako ng babae dito ay wala kang pakialam! Bahay ko 'to at gagawin ko ang lahat ng gusto ko!" Asik niya. "Nakikitira ka lang. Ano man ang gawin ko ay wala kang pakialam. Naiintindihan mo?!"
Tumalikod siya at naglakad ngunit agad din siyang huminto.
"Sa susunod na mag-uwi ka ng lalaki dito ay pwede ka ng umalis!"
"Ano?" Ganun talaga kababa ang tingin niya sa akin.
Gusto ko siyang habulin para sabihing mali ang iniisip niya pero para saan pa? Una pa lang ay hinusgahan niya na ako.
Mula ng araw na iyon ay hindi na ako nagpakita sa kanya. Sa H.U. man o sa bahay. Kung umuuwi man ako ay hindi na ako bumababa ng kwarto. Umaalis ako ng madaling araw para hindi kami magkita. Madalas din akong makitulog sa boarding house nila Lianne.
Lumipas ang ilang buwan. Wala akong narinig na ano mang balita tungkol sa kanya. Nang tawagan nga ako ni Misis Ho upang tanungin ang kalagayan ng anak ay pinagtakpan ko lang lahat ng ginawa niya.
Tama siya, wala akong pakialam sa kanya.
Sa tingin ko ay mas okay na ang ganito. Mas okay na ang lumayo at umiwas. Kalimutan ang dapat kalimutan at alisin ang hindi dapat maramdaman.
![](https://img.wattpad.com/cover/144480936-288-k576920.jpg)
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
RomanceIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...