RIZ'S POV
TUTT
"Mahal kita, Gummybear. Mahal kita. Please hintayin mo sana ako."TUTT
"Mahal kita, Gummybear. Mahal kita. Please hintayin mo sana ako."TUTT
"Mahal kita, Gummybear. Mahal kita. Please hintayin mo sana ako."Tinipa-tipa ko ang luma kong cellphone. Halos araw-araw ay iyon ang ginagawa ko. Pinapakinggan ko ang recording ng boses niya mula nung araw na umalis siya papunta ng America.
Limang taon na ang lumipas pero hindi parin siya bumabalik. Napakarami ng nangyari. Napakarami ng nagbago.
Ang pinakamasakit sa paghihintay ay ang panghawakan ang pinakamalabong bagay. Ang maghintay ng walang katiyakan kung kailan siya babalik o kung babalik pa nga ba talaga siya.
"Tok! Tok! Tok!"
Agad akong napabaling sa pagbukas ng pintuan ng aking opisina. Napangiti ako ng makita si Wendy, ang aking secretarya. Agad kong isinilid ang hawak kong cellphone sa aking drawer.
"Tuloy ka."
Lumapit siya sa akin saka inilapag ang isang pumpon ng bulaklak ng rosas sa harap ng aking mesa.
"Galing nanaman kay Mr. Tamayo?" Hindi na ako magtataka kung sakanya galing ang mga bulaklak na iyon dahil halos araw-araw ay pinadadalhan niya ako ng kung anu-anong mga bagay. "Tsk! Wala talagang kadala-dala. Sinabi ko ng huwag niya na akong padalhan ng mga bulaklak. Ang kulit." Nakangiti ko iyong kinuha saka ko inamoy. Siya na yata ang pinakasweet kong manliligaw. Matanda na siya at uugud-ugod kaya hinahayaan ko na lang. Tinatanggap ko ang mga ipinapadala niya dahil parang lolo na ang turing ko sa kanya.
"Hindi po galing kay Mr. Tamayo yan, Maam Riz, may nagpadala po niyan ngayon lang at mukhang pa-mystery guy pa ang peg." Kinikilig na
anya."Ha?" Taka ko naman siyang binalingan. Tinignan ko ang maliit na card na nakasukbit doon saka ko binasa ang nakasulat. "Your love comforts me like the sunshine after the rain." Halos lumagpas ang pagtaas ng kaliwang kilay ko sa aking ulo.
"Mukhang may bago ka nanamang admirer Ma'am Riz." Tukso ni Wendy.
"Tsk! Bumalik ka na nga sa trabaho mo." Sita ko naman sa kanya.
Muli kong binalingan ang maliit na card na iyon. Kanino naman kaya galing 'to? Wala man lang pangalan.
Pinagmamasdan ko pa lamang iyon ng biglang magring ang cellphone ko. Agad ko naman iyong sinagot.
"Hello Riz, birthday ni Van ngayon. Makakapunta ka ba?"
Naku patay! Nawala sa isip ko. Birthday na nga pala ng inaanak ko ngayon.
"A-ahh..oo naman." Tatawa tawa kong sagot.
"Mabuti naman kung ganun. Alam kong busy kayo pero salamat. Panay kasi ang kulit niya sa akin kung pupunta ba kayo o hindi." Saglit na humina ang boses niya. "Oh, narinig mo na? Pupunta daw ang tita Riz mo."
"Yehheeey!!!" Dinig ko namang sigaw ng aking inaanak.
"Naku, mukhang miss na miss na ako ng baby Vavan ko." Sabik kong sabi. Ilang buwan na rin mula ng huling beses ko siyang makita.
"Hay naku, ang kulit!" Natatawang anya sa kabilang linya. "Sige, hihintayin ko na lang kayo ni Bea dito sa bahay."
"Sige, magkita na lang tayo mamaya. Bye."
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
RomanceIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...