Bakit ngayon pa kung kailan isinuko na kita? Kung kailan pagod at nagsawa na akong hintayin ka. Kung kailang ayoko na.
"Sorry kung pinaghintay kita ng matagal."
Pakiramdam ko'y muling bumalik ang sakit sa puso ko. Ang sakit na matagal kong ininda. Ang sakit na dumurog sa buo kong pagkatao na halos ikamatay ko sa loob ng mahabang panahon.
Pero kaya ko na. Kaya ko ng lumaban at lumaya.
"Bitiwan mo ako."
Sa lahat ng sakit na naramdaman ko, pakiramdam ko ginawa niya akong pinaka-tangang tao sa mundo. Ngayon ko lang nalaman na ang pagmamahal ko sa kanya ay napalitan na ng galit.
"Gummybear bumalik na ako. Nandito na ako ulit."
Napasinghal ako saka ako kumalas sa pagkakayakap niya. Hinarap ko siya ng buong tapang. "Wala ka ng babalikan pa. Wala na."
Pagkasabi ko niyon ay dumiretso ako ng lakad. Hindi ko na inalintana pa ang malakas na ulan.
"Gummybear anong gusto mong gawin ko?!!!" Sigaw niya dahilan upang mapahinto ako. Batid ko ang paggaralgal ng kanyang boses. "Hindi mo na ba ako mahal?"
Agad kong naramdaman ang pangingilid ng aking mga luha pero pilit ko iyong pinaglabanan.
Naramdaman ko ang paglapit niya pero hinarap ko siya at pinigilan.
"Tama na, Grae." Gusto kong ipamukha sa kanya na kaya ko na ng wala siya.
"Mahal kita."
Pero para bang kinurot ang puso ko sa sinabi niya hanggang sa hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha. Bumuhos iyon kasabay ng malakas na ulan.
"Tama na! Pagod na ako eh. Pagud na pagod na ako kaya please lang, tama na. Huwag mo na akong saktan ng paulit-ulit."
"Please..huwag kang bumitaw."
Makailang ulit akong umiling sa kanya. "Ikaw ang bumitaw, Grae. Ikaw ang unang bumitaw." Napahikbi ako. Pakiramdam ko'y sasabog na ang puso ko. Ang sakit sakit. "Huwag na nating saktan ang isa't isa. Huwag na nating ipilit dahil pareho lang tayong masasaktan. Hayaan mo na ako."
"Bigyan mo ako ng pagkakataon. Gagawin ko ang lahat para mapunan ang lahat ng pagkukulang ko. Babawi ako sa mga panahong sinayang ko."
"Bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang kung kailan hindi ko na maramdamang mahal kita?" Pagkasabi ko niyon ay mabilis akong pumihit patalikod. "Hindi na kita mahal." Halos dagukan ko ang sarili kong dibdib sa sobrang sakit. Mahal ko siya pero hindi ko na kaya.
Muli niya akong niyakap. Ngayon ay naging mas mahigpit iyon. "Please, sabihin mong nagsisinungaling ka lang!"
Ano ba Grae, bitiwan mo ako!" Pagpupumiglas ko.
"Hindi." Iling niya. "Hindi na kita bibitawan. Please, Riz, give me another chance." Humihikbing anito. "Gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako. Please..mahalin mo lang ako ulit." Pagkasabi niya niyon ay pinihit niya ako paharap sa kanya saka niya ako hinagkan.
Ang nagpupuyos kong damdamin ay unti-unting pinatigil ng halik na iyon. Isang halik na pumatay sa nagniningas na galit sa puso ko.
Pinilit kong kumawala. Pinilit kong patigasin ang puso ko pero natagpuan ko ang sarili kong tinutugon na ang halik na iyon.
Mahal ko siya. Hindi nagbago iyon at kailanma'y hindi iyon magbabago kahit lumipas pa ang maraming taon.
Hinayaan kong lunurin ang galit sa puso ko. Hinayaan kong magpaubaya sa nararamdaman ko.
Kahit ngayon lang, gusto kong maramdamang mahal din ako ng taong alam kong panghabang buhay kong mamahalin.
Bumuhos ang ulan na para bang hindi na nito nais pang tumigil. Ang ingay ng lagaslas nito'y nagmistulang himig sa madilim na gabi.
Nakakapagod maghintay pero ang pusong nagmamahal ay hindi kailan man susuko.
Marahan akong kumawala sa halik na iyon. Pakiramdam ko'y pinawi niyon ang lahat ng sakit na naramdaman ko.
"Kahit na lumayo ka, hahabulin parin kita. Kahit saan ka pumunta, susundan kita." Mahinang anas nito. Pinaglapat niya ang aming mga noo saka niya marahang hinaplos ang aking pisnge. "Hindi ko na kayang mabuhay ng mag-isa. Mahal kita at gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang."
Ang sabi ko ay hindi na ako iiyak ng dahil sa kanya. Pero ngayon ay bumubuhos iyon ng magaan ang loob ko. Umiiyak ako hindi dahil sa sakit kundi dahil alam kong mahal ko siya.
"Please, sabihin mong mahal mo parin ako."
Pinagmasdan ko siyang mabuti. Ang mukha niya. Ang kabuuan niya. Ang tagal kong nanabik na makita siya.
Itinaas ko ang aking mga sakong upang abutin siya pagkatapos ay bahagya kong pinihit ang aking ulo saka ako marahang pumikit ng maabot ko ang mga labi niya.
Sapat na ang halik na iyon upang malaman niyang mahal ko siya. Sapat na iyon upang masabi ko sa kanyang hindi iyon nagbago kahit kailan.
![](https://img.wattpad.com/cover/144480936-288-k576920.jpg)
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
Roman d'amourIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...