Napakalaki ng bahay, parang palasyo!
Hindi parin ako makapaniwala. Hindi ko mapigilan ang magpabaling-baling ng tingin sa paligid.
Manghang-mangha kami ni kuya.
Nakaupo kami sa isang mahabang sofa.
Maya-maya pa ay nadungawan na namin si Anika. Naglakad ito pababa sa napakataas na hagdan.Napakaganda nito sa suot niyang red dress. Hapit na hapit sa bawat kurba ng kanyang katawan. Hindi pa halata ang tiyan niya kaya napakasexy niyang tignan.
Nang makababa siya ay lumapit agad siya kay kuya. Humalik sa pisnge at yumakap. Bagay na bagay silang tignan. Parang artista at bodyguard.
Pinagmasdan nito ang mukha ni kuya. "Ang gwapo!"
Napangisi ako. Sa tingin ko ay may diperensya siya sa paningin.
"Pero mas gwapo ka kapag walang shades." Dahan-dahan niyang hinubad ang itim na salamin ni kuya.
Napapikit ako. Unti-unting nagdilat. Itim na itim ang kaliwang mata ni kuya dahil sa malaking black eye.
Kitang kita ko kung paanong magbago ang mukha ni Anika. Ngunit bago pa man siya makapagsalita ay dumating ang isang lalaki at babae. Sa likod nila ay ang dalawang matanda. Agad niyang isinuot ang salamin ni kuya saka pilit na ngumiti sa mga bagong dating.
Yumukod si kuya para batiin sila.
"M-ma-gag-gandang gag-gabi p-po Pep-president H-ho." Uutal-utal na sabi ni kuya. Nanginginig siya at namumutla.
Kung ganun ay siya nga ang boss ni kuya. Dagli akong yumukod.
Napalunok ako. Napakaseryoso ng mukha ng President Ho na ito. Bumaling naman ako sa katabi niyang babae. Mukha na itong may edad ngunit napakaganda parin niya.
"Mag-ga-gandang gab-bi p-po M-misis H-ho." Gayun din ang ginawa niya sa dalawang matanda.
"Nakahanda na ang dinner. Ang mabuti pa ay kumain na muna tayo." Yaya ng babaeng iyon.
Halos malula ako ng makita ko ang samut-saring pagkain na nakahain sa mahabang mesa.
Parang pyesta!
Naupo ang lahat. Maya-maya pa ay dumating ang isang lalaki kasama ng dalawang bata. Nagtatakbuhan ang mga batang iyon kaya hindi ko napansin ang pag-upo ng lalaki sa tapat ko.
"Marco, Lyndon, tama na muna ang laro." Si President Ho.
Kung ganun ay hindi aso sina Marco at Lyndon.
Nawala ang takot ko.
"Dumating ka na pala, Grae. Kamusta ang laro niyo?" Si Anika. Nakatingin ito sa lalaking iyon.
"Panalo kami." Sagot ng lalaki pagkatapos ay naglagay ng pagkain sa sariling plato.
Tinitigan ko siyang mabuti.
Parang nakita ko na siya.
Unti-unti siyang nag-angat ng tingin sa akin.
Lunok.
🎵🎶
Di, di ko inakalang
Darating din sa akin
Nung ako'y nanalangin kay bathala
Naubusan ng bakitBakit umalis ng walang sabi?
Bakit 'di siya lumaban kahit konti?
Bakit 'di maitama ang tadhana?At nakita kita sa tagpuan ni bathala
May kinang sa mata na di maintindihan
Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo
Nung ako'y ituro mo
Siya ang panalangin ko
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
RomanceIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...