49

75 11 0
                                    

Bagong umpisa.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala. Pakiramdam ko'y nililinlang lang ako ng aking mga mata.

Kinapa ko ang aking dibdib sa tapat ng aking puso. Naramdaman kong napakabilis na tibok niyon. Maya-maya pa ay pinisil ko ang aking magkabilang pisnge. Gusto kong makasigurong hindi ako nananaginip.

"Ahh!" Masakit iyon. Lihim akong napangiti. Totoo nga, hindi ako nananaginip.

Bahagya niya akong sinulyapan saka niya inabot ang aking kamay. Dinampian niya iyong ng halik saka nagtuloy sa pagmamaneho.

"Saan mo gustong pumunta, babe?" Tanong niya.

BABEEEEEE???????

Mabilis kong binawi ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak.

Agad naman niyang inihinto ang sasakyan.

"What's wrong?" Takang tanong niya.

"Bakit mo ako tinawag na...na..."

"Na babe?" Natawa siya. "Dahil girlfriend kita."

Pinagkrus ko ang aking mga kamay. "Babe din ba ang itinawag mo sa lahat ng naging ex girlfriend mo?"

Bahagyang kumunot ang noo niya saka nag-isip. Maya-maya pa ay nakakaloko siyang ngumiti.

"Bakit, babe?"

"Ayoko ng babe!"

"Anong gusto mo, babe?"

"Grae!" Singhal ko.

"Okay, anong gusto mong itawag ko sayo? MAHAL? HONEY? SWEETHEART?"

Pakiramdam ko'y kinilabutan ako ng marinig ko ang mga iyon.

"Ah, alam ko na.." Bahagya siyang lumapit. "WIFEY." Anas niya.

"Ano?!"

Tumangu-tango siya. Para bang desidido na siya sa naisip.

"Mula ngayon ay tatawagin na kitang Wifey, my wifey. At tatawagin mo naman akong hubby dahil ako na ang magiging hobby mo. Napakaperfect!"

"Tsk! Anong pauso yan--"

Hindi ko na ituloy ang aking sasabihin. Dinampian niya ako ng isang mabilis na halik. "Wifey."

Maang akong tumingin sa kanya. Nakakatunaw ang mga titig niya kaya naman bumaling na lang ako sa bintana.

Wifey? Hubby?

Muli niyang pinaandar ang kanyang sasakyan. Nagtuloy kami sa isang restaurant. Kumain kami ng dinner saka kami nanuod ng sine.

Nang matapos iyon ay lumabas kami para bumili ng icecream. Naglakad-lakad kami na para bang amin ang mundo. Hawak niya ang kamay ko at hindi niya iyon binitiwan saglit man.

Para bang pareho kaming nananaginip dahil sa kagalakang nararamdaman naming dalawa.

Maya-maya pa ay nag-ring ang cellphone ko.

Si Lianne.

Agad ko iyong sinagot.

"Hello, Lianne, kamusta ka--"

"Riz! Si Van!" Garalgal na usal ni Lianne sa kabilang linya.

Pakiramdam ko'y tinambol ang puso ko. "Anong nangyari kay Van?"

"Nawawala si Van!"

"Ano?!"

Humihikbi siya sa kabilang linya.

WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon